One Shot #3

259 14 2
                                    

One Shot #3

_______________ GIRL IN THE HUNTED HOUSE (PART I) 

Pangatlong taon na namin tong paglilipat ng bahay. Halos taon-taon nalang lumilipat kami ng bahay. In other words, isa kaming NPA - NO PERMANENT ADDRESS. 

"Adrian, dahan-dahan dyan sa kahong yan maraming babasagin dyan", paalala sa'kin ni mommy. Kahit kelan tinuturing nya talaga akong liitle boy kumbaga nya. Kahit na bianatang-binata na ako at may trabaho na.

Sya nga pala, ako nga pala si Francis Adrian Castillo. Adrian for short. Panganay ako sa tatlong magkakapatid. At isang certified architect at certified single. Single, at this time around.

"Opo, mommy", sagot ko naman.

Papasok na ako sa loob ng bagong bahaynamin. Bitbit ang kahong puno ng mga babasaging bagay.

 Maganda naman pala tong bagong titirhan namin. Mas maganda sya kesa nung dati naming tinutuluyan. Malaki, maluwag at old vintage ang style ng bahay.

Kaya naman pala naisipan ni mommy ang lumipat rito kasi paborito nya ang mga old vintage na mga bagay. Kaya naman nang makita nya ang bahay na ito ay di na sya nagdalawang isip na bilhin ito.

 Kaya ayun binenta ang lisa naming bahay. Kaya kami andito ngayon.

Umakyat naman ako sa 2nd floor ng bahay. Hanep! Tigdadalawang sala meron ang bahay na ito. Una, sa baba. Pangalawa, rito. At meron pang balcony. Mukhang magugustuhan ko yata tong bahay na ito.

Pumunta naman ako sa may balcony. Kitang-kita ko ngayon ang lawak ng bakuran ng bahay. Syempre maluwag sya.  May mini playground. May fountain na kulang sa linis para gumanda. Meron ring mini garden na yumayabong na ang damo. At syempre may garage rin na err kulang sa rin sa linis.

Nilibot ko naman ang buong paligid  ng 2nd floor. Naalala ko tuloy ang sinabi ni mommy. Ang kwarto ko raway nasa may bandang kaliwa ikalwang pinto.

Nung buksan ko. Namangha naman ako sa laki nito. King size ang sukat ng kama. May aircon pa at mga malalaking cabinet. At may malaking bintana kung saan katapat nito ang magiging study table ko.

Umupo naman ako san may study table ko at binuksan ang bintana saka tinalian ang kurtina para makalanghap ng preskong hangin.

Katapat ng kwarto ko ang isa namang bukas bintana mula sa kabilang bahay. Katabi kasi ng bahay namin ay isa ring bahay na mukhang abandunado na.

Sabi nga nung former may-ari ng bahay namin ay medyo hunted na raw yung bahay na yan.Simula kasi nung lisanin ito ng may-ari nito ay may mga kakaibang pagdaramdam nang naririnig ang mga tao mula sa bahay na yan.

Pag gabi raw ay may babaeng umiiyak at nagdadabog. At kung minsan naman ay may nagwawalis sa bakuran nito kahit dapit-hapon na.

Bigla naman umihip ng malakas ang malamig na hangin. Dahilan upang pangilabutan ako.

Nakaramdam tuloy ako ng takot matapos maalala ang bagay na yun.

Tatayo na sana ako nang may bigla akong narinig mula sa kabilang bahay. At take note, mula sa katapat na bintana nanggaling yung ingay. Tunog ng isang basong nabasag.

Napalunok naman ako. Di ko kasi alam kung anong gagawin ko. Tatakbo ba ako o muling hintayin ang susunod na mangyayari.

Dumungaw naman ako sa bintana para matingnan yung nasa kabila.

Nagulat nalang ako nang biglang sumara yung bintana. Pero hinid ito kusang sumara. May nakita akong mga kamay na ito mismo ang sumara. 

Naging curious tuloy ako sa nakita ko. Sa palagay ko, wala naman sigurong multo sa bahay na riyan. Kundi isang tunay na tao ang nakatira dyan.

Sweet ChroniclesWhere stories live. Discover now