CHAPTER 8 ** ACQUAINTANCE PARTY **

Start from the beginning
                                    

" Ako naman si Kelvin, ang chicks magnet ng GFORCE! " nakipag kamay sya sakin sabay ngiti ng napakalapad..

" Chicks magnet daw?! Babaero kamu! "  sabat ni JL..

" Hi sa inyo.. Nakakagulat naman at kilala nyo na ako.. " nakangiti kong sabi..

Tinitingnan ko ang mga klasmeyt kong girls at halos lahat sila naka nanlilisik ang tingin sa akin.. Waaaahhh.. Nakakatakot naman sila.. WARNING:  DANGER!!

" sige next time na lang kung ganun..  Hoy kayo, anung tinitingin tingin nyo jan? " - Harley..sinigawan  nya  mga kaklase ko.. Kaya biglang nag sipag balik sa kanya kanyang upuan ang mga hitad..

Umalis na ang GForce sa room namin at syempre ang mga kontrabida sa buhay ko nagsipag lapit sakin..

" Bakit nakipag kilala sayo ang GFORCE? Ang landi landi mo! " - Lovelee

" bakit kaba naiinis Lovelee? Kasalanan ko ba kung gusto akong makilala ng GFORCE?! " Nakakainis na talaga.. Kung pantasya nila ang Gforce wala akong pakialam..

" Bitch! " sabay sampal ni Lovelee sakin.. Napatda ako sa ginawa nya.. Sakto namang dumating si Celine at nakita nya ang pagsampal sakin ni Lovelee..

" how dare you na sampalin ang kaibigan ko?! "  Sinampal din sya ni Celine.. Inaawat ko na si Celine pero ayaw nyang papigil..

" Ang kapal ng mukha mo na sampalin ako?! Pareho kayong bitch ng bestfriend mo.. " sasampalin nya sana si Celine pero nahawakan ni Celine ang kamay ni Lovelee..

" Don't you dare lay your hand on my face..  Kung makapal ang mukha ko triple naman ang kapal ng mukha mo.. Gumamit ka ng sand paper baka sakaling ninipis yan.. " galit na galit na sabi ni Celine.. Ako naman pilit ng hinahawakan si Celine para di na masampal si Lovelee..

" Bez, that's enough.. " Baka kasi kng di ko pa sya aawatin di sya talaga titigil.. I know her, bihira lang sya magalit pero sagad hanggang buto naman pag nagalit..

" Ulitin nyo pa ang ginawa nyong pag sampal ky Joshane at kakalbuhin ko na kayo.. "  - Celine..

Galit na galit na umalis ang grupo ni Lovelee.. Yeah, i know hindi pa ito tapos kaya ngayon palang parang ayoko na mag aral dito..

" Bez, okay ka lang ba?! Bakit kasi hinahayaan mo silang apihin ka?! Lumaban ka naman minsan wag puro paapi  sakanila..  Panu pala kng wala ako? " seremonyas ni Celine.. Kaya mahal na mahal ko tong babae nato eh..

" Tara na bez, punta na tayo ng mall total wala narin naman ang prof namin.. "  nginitian ko sya at ngumiti din sya sakin..

Sa mall..

Naglalakad kami ni Celine papunta sa isang boutique ng biglang my nakabanggaan akong isang babae.. Nasa mid 40's na sya pero maganda parin sya..

" Sorry po, di ko po sinasadya.. " tinulungan ko syang pulutin ang paper bag na bitbit nya kanina..

" No iha, it's my fault.. Di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko.. My hinahanap kasi ako sa bag ko kaya di kita napansin.. "  Ngumiti sya sakin at parang biglang ang gaan ng loob ko agad sakanya kahit di ko sya kilala. . Para bang matagal ko na syang kakilala kahit ngayon ko lang sya nakita..

" Ayos lang po ba kayo maam? "  titig na titig kasi sya sakin.. Parang my inaalala sya sa mukha ko..

" o-okay lang ako.. Ako nga pala si Joecel Alvarez..  May i know your name? If you don't mind.. "

"  Ako po si Shane Legaspi at ito naman po si Celine Fuentebella.. " nagpakilala din ako sakanya.. Mukha naman kasi syang mabait at sya pa nga unang nakipagkilala.. Ngumiti lang si Celine sakanya. Ganyan yan pag bagong kakilala mejo nahihiya pa..

" Pauwi na ba kayo or my pupuntahan pa kayo? Gusto nyo mag meryenda muna tayo? It's my treat! " - Maam Joecel

" Kararating lang po namin.. Thank you na lang po maam Joecel. Baka nakakaabla na po kami sayo?! " tumanggi ako sa alok nya kasi diba nga ngayon ko lang sya nakilala.. Mabuti na yung nag iingat..

" Don't worry di ako masamang tao and please don't call me Maam. Call me tita instead.. " nginitian nanaman nya kami.. Ewan ko pero ang gaan talaga ng loob ko sakanya. To think na ngayon ko lang sya nakita.. Hmmm.. Ang weird naman neto?!

" sige po, di naman kami nagmamadali eh.. " - Celine

Basta pagkain walang inuurungan tong si Celine.. Naturingang mayaman pero parang patay gutom kung umasta.. Nakakahiya syang kasama minsan! x_x

Pumunta kami sa isang coffeeshop.. Dun kami nag meryenda at nag kwentuhan.. Feeling close kami agad ky Tita Joecel.. Marami rin kaming napag kwentohan hanggang sa napadako ang tingin nya sa left shoulder ko..

" Shane, balat ba yang nasa left shoulder mo? " - Tita Joecel

Nagtataka ako kasi grabe yung titig nya sa balat ko.. Siguro dahil weird tignan ang balat ko.. Panu naman kasi ang lapad nya pero mapusyaw ang pagka itim nya!!

" ah opo balat nga po.. Lagi nga akong naka tshirt kasi pag naka sleeveless ako lagi pong napupuna ng ibang tao.. "

" matagal na ba yan jan? " - Tita Joecel

" since birth pa po.. Yan sabi ng mama eh.. "

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now