Chapter 16

451 13 0
                                    


Will you laugh at Me?


Arachne's Pov


My night ended like usual except from the fact that I made friends with someone today. It feels good knowing that there is still someone out there who wants to make friends with me.

Excited na tuloy ako para bukas hindi ako excited kay budoy ah? I'm just excited by the idea of having a chit-chat with someone new to you that's all. Kaya lang napapansin kong sa hapon lang ito nagpapakita or should I say sumusulpot, Haler? hindi ko naman kasi siya nakikita eh, so I guess maghihintay pa ako ng mahabang oras para lang makapag usap ulit kami?

Sabi nito ay may inaasikaso siya dito sa village kaya pumaparito siya lagi, Ano naman kaya 'yon? and why can't he do it in the morning? Or maybe he has class kaya sa hapon niya ginagawa? Well hindi rin naman imposible 'yon hindi naman lahat ng tao ay tulad ko na may pinagdadaanan kaya 'di na pumapasok.

Nawala ko pa iyong walkie talkie ko mukhang naiwan ko yata kahapon kay ar-ar siya lang kasi iyong naalala kong huling humawak non' sana lang at nasa kaniya talaga iyon kung nagkataong wala pang pitong walkie talkie ko ng nawala iyon.

"Ate tayo na!" tawag sa akin ni ares.

"Oo ito na!" sinuklay ko lang ng kaunti ang buhok kong di kahabaan. Trip kong ihatid sila ares at mama ngayon hanggang sa sakayan sobrang aga ko kasing nagising at naabutan ko pa sila mama kaya naisipan kong ihatid sila.

"Aii! Malas naman!" dahil siguro sa pagmamadaling maibalik ang suklay sa lagayan ay may nahawi akong bagay nahulog ito at kumalabog mabilis naman akong umupo para kapain ito. Mailang segundong pagkakapa ko ay nahawakan ko ang isang bagay na pamilyar na pamilyar sa mga kamay ko.

Ang camera ko.

"Ateee!" dahil sa tawag ulit ni ares nataranta ako kaya isinukbit ko na lang sa leeg ang camera ko at lumabas na ng kwarto. Naglakad kami papunta sa bukana ng village kung saan ang sakayan malayo layo ito sa bahay namin pero hindi naman nakakapagod lakarin.

I didn't know if they notice that I bring my camera with me but if they did siguro ay nagpatay malisya na lang silang dalawa. Mabuti 'yon dahil wala naman akong maisasagot kung sakaling itanong nila sa akin kung anong gagawin ko dito. Ang pangit naman kasing pakinggan diba na kukuha ako ng litarto gamit ito ano naman kayang itsura ng kuha ko non' diba?

"Bye Anak! Take care on your way home."

"Bye ate. Don't tripped." Ngumiti lang ako at kumaway sa kanila. When I can no longer hear the roaring engines of the cab that they ride with, dahan dahan na akong naglakad pabalik of course with the assistance of my cane. Mahina lang ang lakad ko masarap kasi sa pakiramdam ang pang-umagang hangin na tumatama sa katawan ko. It feels cold and refreshing.

Napahawak ako sa camera ko at atowmatikong napangiti. Tinanggal ko ito sa pagkakabitin sa leeg ko at umaktong kumukuha ng litrato. Marami akong magagandang alaala at moments na nakuha ko dito sa camera ko, how sad that I can no longer take more and captured many moments.

Hays.

"Ouch! Ano ba dahan dahan naman!" dahil nga walang Makita hindi nako nagulat pa ng may nakabangga ako ulit. Mukhang nagkasalubungan kami dahil sa lakas ng impact na natama ko nabitawan ko tuloy yung camera ko. Sana naman at hindi nasira o di kaya ay nabasag ito sana pala iniwan ko na lang ito doon sa kwarto.

"S-Sorry." I apologized. Nakakaimbyerna na ito ah? Sila itong nakakakita sila pa itong nakakabangga. Why can't they use their eyes properly and wisely? Mag-adjust naman sila para sa bulag na tulad ko!

Look Into My EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon