SLITHER.IO LOVE STORY

11 0 0
                                        

"Shiiiiiiiiiiiiit!" Sigaw ko. Arrrggghhhh! Bwiset na ahas!



"Ano ba yan Ayii? Ang aga-aga sumisigaw ka diyan!" Reklamo ng roommate kong si Gela. "Pwede ba ha! Inaantok pa ako, tsaka may importante pa akong gagawin mamaya kaya please lang Ayii, Pakiusap lang ha! Patulugin mo ako kahit 3 hours lang." Singhal niya.



Inis ko siyang binato ng unan kong pagkalaki-laki. "Ang OA mo ha! Hindi naman masyadong malakas yung pagkakasigaw ko tapos kung magreklamo ka diyan akala mo naman nabasag yang eardrums mo." Sabi ko. "Tsaka ano na naman ba yang importante mong gagawin at halos araw-araw ka nalang atang umaalis ng sobrang aga dito sa dorm natin tapos uuwi ka alas dose na ng gabi!" Tiningnan ko siya ng masama.


Nababahala na din kasi ako dahil baka mahuli siya ni manang Julie dahil sa sobrang gabi niyang pag-uwi. Hanggang alas diyes lang kasi ang curfew namin tapos ako pa lagi ang taga bukas ng pinto pag umuuwi siya, paano nalang kung sakaling umuwi ako sa mga magulang ko edi wala ng magbubukas sakanya at mas lalong mahuhuli siya ni manang Julie. Ang tigas kasi ng ulo ng babaeng to! Oo na, alam kung matigas din ang akin, wala pa naman akong nababalitaan na may malambot na ulo ah. Tsk. Sadyang iba ang pagkamatigas ng isang to. (Wag kayong GREEN MINDED ha!) Hindi talaga nakikinig, sasapakin ko talaga to pag nalaman kong tama ang hinala ko sa pinag-gagagawa ng bruhang to.



"W-wala! B-busy lang ako sa bagong raket ko!" Alinlangan niyang sagot sabay iwas ng tingin. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"T-teka! Ano ba yang nilalaro mo? Kagabi mo pa ata nilalaro yan. Hinihintay ko na nga lang ibato mo yang cellphone mo sa sobrang pagka-inis mo!" Pag-iiba niya ng usapan. Hindi ko nalang pinansin.



"Hay naku! Ano pa ba? Edi Slither.io, Naiinis na nga ako sa larong to dahil hindi ako makaabot-abot sa top 10." Naiinis na pag-amin ko. "Lagi nalang akong dinidikitan ng bwiset na NinjaSnake69 na yun!"




Para akong batang nagsusumbong kay Gela dahil sa sobrang inis tapos tinawanan lang ako ng gaga. Dadamputin ko na sana yung mas malaki ko pang unan ng bigla niyang itaas ang isang kamay niya bilang pagsuko.



"Teka Ayii!" Hawak hawak niya sa isang kamay yung tiyan niya habang tumatawa ng pagkalakas-lakas. "Hahahahaha-----araayy!" Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko siya at binatukan ng sobrang lakas.



"Grabe! Napakabrutal mo talaga Ayii! Patay ka sakin pag nagkabukol ako." Reklamo niya habang sapo ang ulong binatukan ko.




"Bwiset ka kasi eh!" Sabi ko. "Seryoso ako dito tapos pagtatawanan mo lang ako, Aba! Talagang magkakabukol ka diyan pag hindi ka tumigil sa kakatawa mo!" Galit kong sabi.



"Hahaha. Bahala ka nga diyan!" Pag-suko niya. "Ayii! 3 hours lang, parang awa mo na 3 hours lang." Nagpaawa effect pa ang bruha.


Inirapan ko nalang siya at nagsimula ulit maglaro ng Slither.io.



Yes! Tama ang nababasa niyo, Adik ako sa stupid na larong Slither.io. Eh ano bang magagawa niyo eh sa nakakaadik eh! You can't blame me, just blame this game's creator. Ilang araw na nga ba nong nag-umpisa kong laruin tong bwiset na larong to? Hmp. Wait, Let me think of it. Its been 3 days? I guess. Na diskubre ko kasi tong larong to nang malaman kong naglalaro si Allred nito. Halos takbuhin ko pauwi ang dorm namin ni Gela nong time na yun para lang makapagdownload ng larong to.




At Yes! Tama kayo ng iniisip, Crush ko si Allred! Super duper crush na crush. Hindi ko nga alam kung crush pa ba ang maitatawag ko sa nararamdaman ko sakanya eh halos 4 years ko na atang kinalolokohan ang lalaking yun. Hindi ko na nga din mabilang kung ilang beses na akong nagtapat sa facebook account niya tungkol sa nararamdaman ko towards him kaso nga lang kahit ni isang "Hi" o "Hello" man lang o kahit simpleng tuldok man lang o kaya like emoji para malaman kong nababasa niya ba, eh kaso hindi eh. Sakit noh? Alam ko naman yun! Sows! Kulang na nga lang harangan ko siya sa tuwing dumadaan siya sa room namin para malaman ko kung napapansin niya ba ako o hindi, pero parang napaka desperada ko naman siguro kung gagawin ko yun, kaya nevermind nalang.


Natigilan ako ng mapansin kong nasa rank #9 na ako sa nilalaro ko.
"WAAAAAAHH! SHIIIITTTT! LAYUAN NIYO KONG MGA AHAS KAYOOOO!" Sigaw ko. Parang batang kumikislap ang mga mata ko ng makita ko sa unang pagkakataon na nakapasok ako sa top 10.


Sobrang saya ko na sana ng biglang...





"BWISEEEEEEEEEEEEEET NA AHAAAAAAAAAAAAS!"


Halos mangiyak ngiyak ako ng mabunggo ko na naman yung ahas na nagnga-ngalang NinjaSnake69.



Literal na napaluha ako sa sobrang inis. Arrrrgghh! I HATE YOU NINJASNAKE69! Kung nasa tabi lang kitang hayop ka siguro wala ka ng buhok sa katawan dahil pakukuluan talaga kita ng buhay! Nasa ganong hitsura ako ng mabigla ako sa pag bukas ng pinto ng kwarto namin Gela at bumungad sakin ang mukha ni manang Julie na naka-duster na bulaklakin at may dalang malaking pamalo.


"Nasan ang Ahas Ayii? Jusko Lord! Dapat mapatay at mahuli natin ang ahas na iyon!" May bakas sa mukang pag-aalala na sambit ni manang Julie.


Paktaaay ka na ngayon Ayii!



---------------To Be Continue---------------


This story was inpired by the game SLITHER.IO

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 29, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Slither.io Love StoryHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora