"Ang laki pa ng pera na inilabas mo para lang dito, bro. Ikaw na ang loverboy!" Nakangisi namang sabi ni Jedus sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa hiya. Sana nga ay magustuhan ni Reese ang hinanda namin para sa kanya.

Saglit na tumingin si Ivo sa suot niyang relo at bumaling ito sa amin. "It's already 7:25 am. 5 minutes na lang at magsisidatingan na ang mga estudyante."

Bigla naman akong napatayo ng tuwid at inayos ang suot kong uniform. "Okay na ba ang itsura ko, Ailah?" Tanong ko kay Ailah at ginamit ang screen ng cellphone ko bilang salamin.

Tumawa naman si Ailah at tumango. "Palagi namang okay ang itsura mo, Sky. Wala na nga yatang makakatalo sa kagwapuhan mo kahit pa itong si Jedus." Pang-aasar niya kay Jedus na sinamaan naman siya ng tingin.

Mabuti at maayos na si Ailah ngayon pero hindi maitatanggi sa kanya na mahal niya pa rin ang gagong si Niccolo. Ayoko munang makita ang hayop na iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Nagreact naman si Jedus sa sinabi ni Ailah at itinuro pa nito ang sarili niya. "Hoy, Ailah! Baka hindi mo alam na mas gwapo pa ako kaysa kay Sky? Mas maputi lang siya sa akin pero mas gwapo kaya ako!" Defensive niyang sagot.

Ailah shrugged at umirap sa sinabi ni Jedus. "Okay. Whatever!"

Magsasalita pa sana si Jedus nang unti-unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante ng YGA. When they saw our set-up ay pumalibot sila sa amin.

"Omg, Kuya Sky! Ginawa mo talaga 'to for Ate Reese? Kyaahhh! Ang sweet naman!" Tili ng isang babaeng freshman.

"Nag-effort ka talaga para kay Reese? Kainggit naman!"

"Sana balang araw ay may mag-effort rin sa akin na kasing gwapo mo na i-date ako sa YGA, Sky."

"Date in YGA? Nice one!"

At marami pa silang mga sinabi. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat sa kanila.

"Nagtext na sa akin si Reese. Parating na raw siya!" Sigaw ni Ailah habang binabasa ang text yata ni Reese sa cellphone niya.

Pumwesto na sa gilid sila Ailah, Jedus, Raven at Ivo habang kinuha ko naman ang dala kong bouquet of roses at chocolates sa table saka pumwesto sa harap ng na set-up namin.

Kinakabahan ako at pinagpapawisan rin ang mga kamay ko. First time kong manligaw sa isang babae at talagang nakaka pressure pala. Mas nakaka pressure pa kaysa sa mga matches namin sa basketball para makipagcompete sa ibat-ibang schools.

"Go, Sky! Kaya mo 'yan!" Pagchicheer sa akin ng mga estudyante ng YGA.

Tumango ako at ngumiti sa kanila.

Kaya ko ito!

Ilang saglit lang ay nakita ko na si Reese mula sa malayo na papunta na sa direksyon ko pero nang makita kong papalapit na siya sa akin ay may nakasunod pala sa kanya at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko.

Kasama ni Reese ang lalakeng dahilan kung bakit muntik na siyang mapahamak.

Si Ryu.

Maski ang mga estudyante ng YGA at sila Ailah ay nagulat nang makita si Reese na kasama si Ryu na nakangisi naman sa akin.

Nang makalapit na silang dalawa sa pwesto ko ay nakatingin lang ako kay Reese na nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa akin. Si Ryu naman ay nagpamulsa lang at sumisipol-sipol na parang nang-iinsulto pa.

"Why are you with him? I thought that he's in jail?" Malamig kong tanong kay Reese at napahawak ng mahigpit sa hawak kong bouquet of roses.

Parang pinipiga ang puso ko at hindi ako halos makahinga. May kung ano sa loob ko na gusto ring magwala. Gusto kong sumigaw pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at hindi maigalaw ang mga paa ko.

Lumapit naman sila Ailah sa amin at kinausap niya si Reese. "Reese, ano 'to? Bakit kasama mo ang lalakeng 'yan? Bakit nakalaya na siya? Ginawan ka niya ng masama kaya dapat ay nasa kulungan siya!" Sigaw ni Ailah at inalog si Reese sa balikat na nananatili pa ring nakayuko at hindi makatingin sa amin.

Inawat naman ni Jedus si Ailah at inilayo ito kay Reese. "Kumalma ka lang, Ailah." Umiling si Ailah na parang maluluha na.

"Hindi! Hindi ako kakalma, Jedus. Hindi pwede na kasama niya 'yang bestfriend niyang baliw!" Sigaw niya at itinuro si Ryu na tumawa lang ng mapang-asar at inakbayan si Reese.

Nagdilim bigla ang paningin ko sa nakita ko.

Ano itong nangyayari? Pinaglalaruan ba nila ako?

"What? Ako, baliw? Bakit hindi niyo tanungin si Reese kung bakit magkasama kami ngayon?" Sabi ni Ryu kay Ailah at tumingin sa akin saka ako nginisian.

Gusto ko siyang saktan at bugbugin ngayon pero mas nangingibabaw ang galit ko. Galit sa kanilang dalawa ng babaeng kasama niya.

"Bakit nga pala kayo magkasama? Tell me, Reese!" Sigaw ko na ikinagulat ni Reese at tuluyan na siyang humarap sa akin.

Umiyak siya at tuluyan nang humagulgol. Kaagad naman siyang niyakap ni Ryu at pilit pinapatahan.

Umiiyak ba siya dahil nagu-guilty siya sa pagpapaikot niya sa akin? Ang akala ko ba ay okay na kami? Ang akala ko ba ay pwede ko na siyang mahalin?

Gumaganti ba siya sa ginawa ko sa kanya noon? Pinagsisihan ko na iyon e, pero bakit niya ako sinasaktan ng ganito?

"I-I'm sorry.. k-kami na ni Ryu. We're getting married next week. S-Sorry..." Sabi niya habang humahagulgol.

Halos hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya at sa ikalawang pagkakataon sa buong buhay ko ay tumulo na ang mga luha ko.

"Ano? Nagbibiro ka lang, hindi ba, Reese?" Sabi ni Ailah at nilapitan si Reese. Umiling naman si Reese.

Hindi namin inaasahan ang sunod na ginawa ni Ailah. Sinampal niya si Reese na ikinagulat nito at ng mga estudyante ng YGA na nanonood sa amin. Maging sila Jedus, Raven at Ivo ay nagulat sa ginawa ni Ailah.

"Alam mo ba na ang isang Sky Avenido ay nag-effort na i-date ka dito mismo sa YGA para lang sa'yo? Look at this set-up, pinaghirapan niya 'to para lang sa'yo. Humingi pa siya ng tulong sa amin para surpresahin ka sa unang araw ng panliligaw niya sa'yo. He's going to change himself because of you, Reese. Natuwa kami sa pagbabago niya kasi kahit kami ay kinakausap na niya at pinapansin but why? Bakit ka magpapakasal sa baliw mong bestfriend? Akala ko ba ay may mararamdaman ka rin para kay Sky? Niloloko mo lang ba kami, Reese?" Sigaw ni Ailah. Inawat naman ulit siya ni Jedus at pilit pinapakalma.

Humagulgol lang si Reese habang nakayakap pa rin si Ryu sa kanya. "I-I'm sorry..." Tanging nasabi lang niya.

Umiling na lang ako at tumawa ng mapakla saka itinapon sa sahig ang hawak kong bouquet at tsokolate.

Hindi ako makapaniwala. Binago ko ang sarili ko para lang sa isang babae pero sa huli ay sasaktan rin pala niya ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nginisian si Reese na nakatingin sa akin habang umiiyak.

"Pare-pareho lang kayo. Mga manloloko! You will regret that you fooled me, Reese Santillan." Pagbabanta ko at bumaling kay Ryu na nakangisi pa rin sa akin.

Umalis na ako sa harapan nila at naglakad papaalis.

She fooled me.

Reese fooled me.

She will regret what she did to me.

---
Malapit na tong matapos. Hays. Ang bilis talaga ng panahon no?

His Dirty GameWhere stories live. Discover now