Thanks for the plot, Yesangki 💓💓💓
++
bite 00.
Ok, Seulgi. Pigilan mo ang tukso. Wag kang papatukso, please lang!!!
Pumikit ako at bumuntong hininga. Ngunit pagdilat ko ay yun ulit ang bumungad sa akin——ang kinakaadikan ko.
"Shit naman. Bakit mo ba ako tinutukso?"
Para akong timang na kinakausap ang pringles na nasa upuan ng katabi ko. Nandito ako sa classroom at kanina pa ako tinutukso ng pringles na to na nasa upuan ng seatmate ko.
tinatawag ko na nga ang lahat ng santo para naman tulungan nila ako ngayon sa pinagdadaanan ko.
Grabe kasi talaga ang obsession ko sa pringles. At pag sinabi kong grabe, GRABE talaga!
Pag nakakita ako ng pringles, sobrang lakas talaga ang epekto sa akin nun. Parang gustong gusto kong kumain ng pringles lagi. Hay. Nakakainis.
"Nakakainis,"
napakamot ako sa batok ko. Wala naman sigurong masama kung...kakagat ako diba? Isang kagat lang naman e.
Fuck. I hate this.
Unti unti kong kinuha ang pringles na bukas na naman, malamang may bawas na. Hindi naman nya siguro mahahalata yun, noh?
At isa pa...wala namang nakatingin.
Lunok. Lunok. Lunok. Nakailang lunok ako at kumuha ako ng isang pringles. Napapikit pa ako ng malasahan ko na ang pringles na cheese flavor pa. Puta, heaven.
Hindi ko na alam kung nakailang kuha ako ng pringles hanggang sa magulat nalang ako ng makita ko na nasa harapan ko na si...Irene.
"Hoy Kang Seulgi! Ang kapal ng mukha mo!!! Sinong may sabi sayo na kumain ka pringles KO?!"
Napalunok ako.
Si...Irene. Ang may-ari ng pringles na nilalantakan ko ngayon.
+++
usapang pringles na to. wahahahaha.
ESTÁS LEYENDO
bite // seulrene
Historia Cortaisang kagat lang. isang kagat lang talaga- ugh, naadik na talaga ako. seulgi x irene. thanks for the plot, @Bearchuism! And thank you @DizasterX for the wonderful cover.
