Science Wizards [1]

22 2 1
                                    

Ngayon na gaganapin yung science quiz bee. And two days na ang nakalipas after ng practice kuno daw na pakana ni Gabriel. I don't know kung anong meron kami. Hindi ko alam kung yung pag-amin namin sa isa't-isa sapat na para matawag kaming 'officially in a relationship'.

Aist. Bakit ko ba yun iniisip?! Focus Amanda! Science quiz bee. Here I come.

Pagkapasok ko sa auditorium, lamig agad ng air con yung dumampi sa balat ko, geeez. It gives me shiver.

"Amanda! Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako dito naghihintay. Akala ko hindi ka na pupunta eh." Sabi ni Gabriel na may halong pagkalungkot yung tono ng pananalita.

Baliw. Napailing-iling na lang ako.

"Amanda. What now? Baka matalo tayo. Hindi kasi tayo nagpractice ulit e." Pabulong na yung huling sinabi niya.

"Ano? Sus. Kaya mo yan. Cool ka nga diba then freak ako. Psh." Pangaasar ko. Haha. Para syang natatae na ewan. Tense na tense ang mokong.

"Amanda naman e." Bigla niya kong hinila sa braso. Sobrang lapit namin sa isa't isa. *gulp* napalunok na lang ako. Shems. Napaparami na ata paglunok ko ng laway ah.

Nakita ko naman syang ngumisi. Tinalikod niya ako sa kanya tsaka niyakap mula sa likod.

"Amanda. Paano pag natalo tayo?" Bulong niya sa tenga ko. Bwisit. Ang landi ng lalaking to. Kinikilig ako.
Para kaming mag-jowa sa posisyon namin ngayon. Aist. Kung ano-ano iniisip ko.!

"Kapag kasalanan mo yung pagkatalo natin. Bye Amanda ka." Sagot ko sa kanya. Bahala siya. Kapag talaga kami natalo. Hmp.

Napabuntong hininga naman siya.
"Amanda naman e. First time ko kaya to. Cheer up mo naman ako"

Sa sobrang gulat ko, tinanggal ko pagkakayakap niya sa akin.
"First time mo sumali sa quiz bee? Weh? Pabibo ka. May pasabi-sabi ka pang 'baka matalo kita nyanyanya' Hahahaha" ginaya ko pa yung way ng pagkakasabi nya nun.

Nagiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Oy. Ayos ka ha. Kanina lang lakas ng loob mong yakapin ako tas ngayon hindi mo ko papansinin." Tinusok tusok ko pa yung tagilirin niya

Nag 'tch' lang siya sa akin. Tsaka nagpunta dun sa designated podium namin. Aist. Lakas talaga ng sapak ng lalaking yun.

"Okay to start this event let's all bow our head...."

Nagsimula ng yung science quiz bee. Ayun, unang sumabak si Gabriel. Ang confident nya sa mga sagot niya ah. Then ako na yung next. Palitan lang kami. Okay okay pa naman sa elimination round.

"Okay. For the semi-final round. Section A, B, D go to your podiums"

Well, we did it. Pero semi-finals pa lang naman. Section B nga pala kami.
"We'll have a short break." Announce ni sir Alcantara, siya yung head ng science department.

"Oy. Kanina ka pa dyan tense ha. Natatae ka ba? Hahaha ew." Pangaasar ko kay Gabriel.

"Tch. Amanda mag focus ka nga sa quiz bee." Sabi niya ng may pagka-irita yung boses.

Aist. Okay. Okay. Ako na magpapaka-girlfriend kuno sa 'more than friends with complicated label' relationship namin.

"Alam mo Gabriel. Ang pangit mo kapag nat-tense ka. Nakakaturn-off" agad naman syang lumingon sa akin na may nanlilisik na tingin, tsaka ako napatawa.

"Anong nakakatawa Amanda? Porket hindi kita pinapansin? Nagpapapansin ka na? Miss mo agad ako. Tch. Ang clingy mo pala e." Napa-awang naman yung bibig ko sa sinabi niya. How could he? Aist.

Science Wizard [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon