💕 NOBODY'S BETTER 2 💕

Start from the beginning
                                        

Pero kung nagtataka kayo, bakit sa messenger lang ako nag online, at hindi ko man lang binuksan ang fecebeek ko, kasi free data lang ako. Sa messenger lang ang pwede kaya ayon! Bwahahaha!

Naka 'Use data to see photos' ako mga besh kapag mag oonline ako kaya hindi na lang ako nag open. Bwahahahaha!

❌❌❌

So pagbaba ko ng jeep, agad akong tumakbo at dumiretso sa school. Hingal na hingal ako ng naka pasok ako sa school gate. Mas lalo akong nahingal ng makita ko ang kay haba habang hagdanan.

Bakit kasi nasa third floor ang function hall! Bakit? Huhuhu!

So no choice ako kundi ang dahan dahan na umakyat sa hagdan. Kapagod mga besh! Kakawala ng poise! Bwahahaha!

Pagkarating ko ng third floor, agad akong dumiretso sa function hall at nakita ang mga ilan sa mga  kaklase ko na nagkwekwentuhan. Nakita ko rin si ate Resse na nasa gilid na busy sa pagcecellphone. Siya pa lang ang nandito, wala pa sila Cela, Momo maging si Diana.

Pero ang mas napag tuonan ko ng pansin ay ang isang lalaki sa sulok.

Si Kelso.

Anong ginagawa niya dito?

Pinagmasdan ko ang buong paligid ng function hall at napagtanto ko na hindi lang pala ang section namin ang nandito kundi ang ilan sa section nila, maging siya nandito.

Napa tingin ako ulit sa dako niya at napansing tumingin siya sa akin bigla.

💓 Dudug 💓 Dudug 💓 Dudug 💓

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na matagal ko ng hindi narinig at ang pag ikot ng tyan ko na matagal tagal ko na ring hindi naramdaman.

Ilang minuto din kaming nagtitigan ngunit ako na ang nagbaba ng tingin at hindi na siya pinansin.

Agad akong dumiretso sa tabi ni ate Resse at binaba ang bag ko sa upuan. Tumingin sa akin ng may ngiti si ate Resse habang ako ay nakatulala.

Hindi ko alam na nandito siya! Hindi ko alam talaga!

Hindi ko rin alam na tuluyan na talagang bumabalik ang nararamdaman ko sa kanya.

Napa tingin ako sa kanya dahil bigla siyang napatayo. Tumingin siya sa akin bigla at ngumiti ngunit inisnoban ko lang siya. Natatakot na kasi ako na baka tuluyan na talagang bumalik ang naramdaman ko noong nakaraan at iyon ang ayaw ko.

Tuluyan na siyang umalis kasama ang kanyang mga kaklase ngunit hindi ko na siya tinignan ulit. Snob kung snob pero kailangan ko talagang gawin iyon or else, I am doomed.

"Bakit ka umiwas?" Tanong ni ate Resse sa akin. Napansin ata ni ate Resse iyong ginawa ko sa kanya. Ngumiti lang ako ng malungkot at hinawakan ko ang kamay ni ate Resse at itinapat 'to sa puso ko.

"Ramdam mo ba 'tong mabilis na tibok ng puso ko?" Tanong ko tapos tumango siya. I swear, ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon.

"Kasi ganyan ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya kaya kailangan ko siyang iwasan para hindi ko na 'to maramdaman ulit." She nod.

"Pero Keisha," sabi ni ate Resse out of the blue. "Gusto ko lang malaman," sabi niya ulit. Hinihintay ko lang ang sunod na sasabihin niya pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mahal mo pa rin ba siya?"

Isang tanong na gustong gusto kong sagutin pero hindi ko alam ang isasagot.

Isang tanong na mahirap sagutin at mahirap aminin.

Pero ito lang ang masasabi ko.

"Hindi ko alam ate pero kahit anong iwas ko, kahit anong pagkukunwari ko, wala pa ring hihigit sa kanya eh!"

Ngumiti si ate Resse tapos ay tumango.

"So I guessed, nakuha ko na ang tamang sagot." Wika niya. Napa kunot noo ako.

"Ha?" Tanong ko. Umiling lang siya. Isang iling na alam ko maraming kahulugan.

At isa na doon 'yong sinagot ko kanina sa kanya.

Ang baliw ko talagaaaaa!!!

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now