"And by the way, lagot ka kay coach pagnalaman niyang naninigarilyo ka na naman."umiling iling siya bago umalis sa tabi ko at nakipaglaro ulit sa mga kasama namin.

Bahala kay coach.

***

Uwian na at si Josh na lang ang kasama ko dahil may iba't ibang agenda na naman ang mga kasama namin. Nung nasa parking lot na kami nakita namin si pancake na natumba hindi dahil tanga siya kung hindi dahil kay Sheira.

"Ano na naman bang problema ng babaeng yun?"inis na tanong ni Josh. Mabilis naman siyang pumunta doon para tulungan si pancake.

Hindi ko alam pero nainis ako sa pagiging friendly ni Josh. Baka kasi mapagkamalan ni pancake na may gusto ang kaibigan ko sa kanya tapos masawi lang sa huli. Josh is not a playboy like Seb and the others, but he's too friendly on girls. Too friendly.

"Sheira."galit na sambit ni Josh sa pangalan niya."Ano na naman ba ang kalokohan mo?"

Well, friendly siya sa lahat maliban kay Sheira.

"Wala!"depensa agad ni Sheira."I'm just shocked that she tripped!"

"That wasn't what I saw."giit ni Josh."You tripped her on purpose! Magsorry ka!"

"What?! No way! Wala nga akong ginawa tapos I'll say sorry?! Don't be stupid, Josh!"sabay lingon sa akin with a sweet smile."Diba, Tony?"

Hindi ko siya pinansin at hinawakan ang wrist ni Luna."Una na kami Josh."

"Sige."--Josh.

"Wha--?"--Sheira.

"Ha? Teka! Saan ta--SANDALI ANTONIO!"

Bakit ba ang hilig niyang sumigaw? At bakit ko ba siya hila hila ngayon? Tsk. Bahala na nga, ayoko rin na kasama ko si Sheira. Nakakairita ang babaeng yun.

[Luna]

"ANTONIO! SANDALI NGA! ARAY!"marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya kaya napahinto na rin siya. Malayo na kami kila Josh at Sheira at sobrang sakit na ng paa ko!

"Ang arte mo! Dalian mo na nga! Iiwan kita dito eh!"sigaw niya pabalik sabay hawak sa wrist ko.

"Bitaw!"inagaw ko ulit ang kamay ko."Iwan mo na nga ako! Leche ka!"Napaupo ako sa lupa at hinawakan ang right ankle ko. Pesteng babaeng yun! Nung nakaraang linggo lang injured ako ngayon injured na naman ako?! Kalbuhin ko siya ngayon eh!

"Don't tell me sprained na naman ang paa mo?"halata ko sa tono niya na natatawa siya sa lagay ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Che! Kung hindi mo naman ako tutulungan lumayas ka na sa harapan ko!"

Bigla na lang siyang lumapit sa akin at mabilis akong binuhat ng princess style. Hindi ko alam kung nangyari pero biglang uminit ang mukha ko at sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga!!

Naalala ko yung sinabi ni Katie na si Antonio ang nagbuhat sa akin papunta sa clinic nung nahimatay ako dahil sa taas ng lagnat ko. Ok yun dahil tulog ako pero ngayon, gising na gising eh!!

"Oh? Natameme ka? Ganun ba ang epekto ko sayo?"ngisi niya sa akin habang naglalakad siya at karga ako.

Mabilis akong pumiglas sa kanya."IBABA MO NGA AKO!! BITAW!!"

"ANO BA! WAG KANG MALIKOT! IHULOG KITA NGAYON EH!"

"HINDI AKO MATATAKOT SA BANTA MO! IBABA MO---KYAAAAH!"

Bigla niya akong biniro na ihuhulog kaya abot langit ang tili ko. Sobrang lakas ng dagundong ng puso ko dahil sa ginawa niya. Akala ko talaga ihuhulog niya talaga ako! Tatakutin lang pala! Sht!

"Oh? Namumutla ka?"panukso niya pero hindi ko na siya sinagot kasi lutang pa rin ako. Randam na randam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko."H-Hey! Are you crying?!"bulalas niya ng matitigan niya ang mukha ko.

Agad ko naman nilayo ang mukha ko sa kanya at hindi siya pinansin. Hindi na rin ako pumiglas dahil sa takot kahit na gusto ko ng bumaba.

Naramdam ko naman na binaba na niya ako kaya pagkatayong pagkatayo ko tumalikod na ako sa kanya at naunang maglakad. Hindi na ako nakakalayo pero nahawakan na niya ang braso ko.

"I-I'm sorry. I di-didn't mean to scare you...to make you cry..Sorry."malumalay na lambing niya sa akin. Kusang uminit na naman ang mukha ko kaya hindi pa rin ako humarap. Ano bang nangyayari sa akin? At ano bang nangyayari sa kanya at ang sweet ng pagsuyo niya?! Pwedeng awayin niya na lang ako? ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko at hindi yun dahil sa pananakot niya.

"Lu...Sorry talaga? Please?"hinila niya ang braso ko ng pabigla kaya napaharap ako sa kanya ng walang sa oras."Tahan na oh, please? Sorry talaga, ok?"yung mga mata niya nangungusap habang nakatingin sa mga mata ko."I'll do anything, basta tahan na ok? Ang panget mong umiyak eh"

*PAK!!*

"ARAY! Para saan yon!?"sabay himas niya sa parte ng ulo na sinapak ko ng malakas."Alam kong galit ka sa akin pero no need to be violent woman!"

"Ang ganda na sana eh! Humirit ka pa sa huli! Leche ka talaga!"sigaw ko pabalik sa kanya. Akala ko ang sweet sweet na niya sa akin ngayon pero hindi pala!

"Leche flan? Kasi ang sweet ko?"sabay ngisi niya sa akin.

"Oo! Minsan sweet pero madalas LECHE! Iwan mo na nga ako! Layas!"tulak ko sa kanya."Di tayo bati!"

"Sinasabi ko naman ang totoo! Wala namang gwapo o maganda kapag umiiyak ah."He rolled his eyes at me."Panget ka man talaga kanina."

"Argh! Panira ka ng moment Antonio! Totoo man yun o hindi dapat nanahimik ka na lang! I hate you!"

"The feelings mutual don't worry, pancake."ngisi niya sabay kindat sa akin."Tara na nga at susuhulan pa kita ng pagkain."sabay hawak sa kamay ko.

--to be continue...

AUTHOR'S NOTE :

From chapter 1-9 kung may mga typo errors ( spelling, grammar ) SORRY! Dinodouble check ko naman pero baka may mga hindi ako nakita, kaya SORRY for that. Anyway, THANK YOU SA PAGBABASA! Love ya all :*

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now