"Pero sa buhay mo hindi ka nasasayangan?"di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ganito na ba ang mga lalake ngayon?

"Fck off."ngayon ko lang nakita siyang totong nagalit. Inasar ko na siya at lahat lahat dati pero ngayon ko lang naramdaman yung takot kapag galit siya.

Tumalikod siya sa akin at tumungo sa pinto ng kotse niya."Sakay. Ihahatid na kita sa dapat mong paglagyan."pumasok na siya sa loob at malakas na sinara ang pinto.

Wow ha? Ako na nga itong nag-aalala para sa health niya, siya pa itong galit?

Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at badtrip na sinara din ang pinto ng kotse. Marahas siyang nagbacking ng kotse at umalis na kami doon sa lugar. Gusto na rin umuwi dahil pagod at matamlay pa rin ako.

"Sorry lang kung naging concerned ako sayo. Sa susunod hindi ko na po yun gagawin."puno ng sarcasm ang pagkakasabi ko habang nakatingin sa labas ng kotse niya.

"Dapat lang. 'Cause you are not my girlfriend to do that. I don't want your concerned."sagot pa niya. Argh! Mas naasar tuloy ako! Dapat nanahimik na lang siya eh! Nakakainis siya!

***

[Frost]

The next day badtrip akong pumasok nung hapon at alam kong napansin ng lahat yun. Si Josh lang ang nagtangkang lumapit at magtanong kung bakit ako badtrip dahil ang iba takot. Kilala nila ako paano magalit. Kahit sino nasusuntok ko.

"Oh? Bakit kusot na kusot mukha mo?"

"Tsk. Ayokong pag-usapan. Iinit lang ulo ko."

"Hmm..let me guess. Si Luna ba?"he said with a smile.

"And why are you smiling like that?"

"Wala lang. Parang tama kasi hula ko."he said and opened his can of coke."Nakwento rin kasi ni Luna sa text kagabi at katulad mo, galit din siya."

"Ang daldal talaga ng babaeng yun."inis na sabi ko at inagaw sa kanya ang coke niya. Agad ko tong tinunga hanggang maubos.

Umiling iling lang siya."Nag-aalala lang naman yun tao."

"At siya pakakampihan mo?!"medyo napalakas ang sigaw ko kaya napalingon din ang iba.

"Chill lang, Frost. Malamig ang pangalan mo pero ang init ng ulo mo."natatawang sabi niya at sumandal sa sementong nasa likuran namin."She's just worried, wala namang masama dun."

"Tinapon at tinapakan niya ang sigarilyo ko ng walang paalam."dahilan ko.

"Well, yun ang kasalanan niya but other than that she's just concerned about you."dahilan naman niya."Ikaw lang 'tong mailap at sobra kung makareact sa ginawa niya. Isang stick ng sigarilyo lang yun, Frost."dagdag pa niya. Hihirit pa sana ako pero nagsalita siya ulit. "Mabait si Luna at masayang kasama, Frost kahit para sayo nakakaasar siya."may ngiting sabi niya.

I looked at him unbelievably."Don't tell me nagkakagusto ka sa kanya?"

Agad naman siyang lumingon sa akin."What? Hindi, Tol. Masaya lang talaga siyang kasama, ok?"

"Hmmmm...ok."tinignan ko siya para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo pero hinayaan ko na lang. Wala na sa akin kung may gusto siya kay Luna o wala.

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now