Chapter 1: Something's Not Right

Magsimula sa umpisa
                                    

“What? Come on, we’re friends.”

“Naku, oh sya, tigilan na ang usapang to. Libre mo na ako.”. Paglilihis ko sa usapan. Ayoko na rin na ipilit nya ito sa akin hanggang mamaya though araw araw naman nya tong pinipilit. Tama na para sa araw na ito ang pangungulit tungkol dyan.

Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko sa mesa. Narinig ko naman napabuntong hininga at bumulong si Kyle ng kung ano kaya agad ko syang tiningnan.

“Ano? Anong binubulong bulong mo?”.

“Sabi ko matakaw ka, wala na akong magagawa kaya tara, libre na kita.”

Nagkibit balikat na lamang ako at binalewala iyon saka tumayo at niyaya na sya paalis.

“Hahaha, Sus, yun naman pala eh tara!!”, Siya naman at tatawa tawa lang na tumayo at sumunod na rin.

Hinila ko na sya papunta ng canteen. Kahit paano ay ramdam ko na pinagtitinginan kami at pinabubulungan pero sanay na ako sa ganito. Paanong hindi? Hindi naman kasi kami magkarelasyon ni Kyle. He's just being nice and friendly at alam ko naman iyon. Matagal ko na iyong isinuksok sa kokoti ko. Imagine Kyle as heartthrob, mayaman, gwapo, may pagkapilyo, matangkad, sporty type, basta para sa isang babae sya na ang matatawag na dream boy. Let's just say, I was never his dream girl.

Paano ko nga ba nakilala si Kyle, basta bago palang ako sa university na to ng makabangga ko sya and well, nabuhusan nya ako ng Coke na hawak nya. Pinagtawanan ako nun kaya akala ko sa unang araw ko sa klase ay bully na bully na agad ako. Pakiramdam ko out-of-place agad ako at ako na ang magiging sentro ng pambubully ng lahat. Nagulat nalang ako ng inabutan nya ako ng panyo pero hindi ko kinuha. Ewan ko ba, pero may pagkasuplada rin ako minsan, naiinis kasi ako dahil sya naman itong hindi tumitingin sa daan. Seryoso ko syang sinimangutan nun iba kasi ang pakiramdam ko, idagdag pa na may period ako noon kaya masama talaga ng mood ko. Nung pangalawang araw, nakita ko sya sa labas ng classroom ko. Mukha syang may hinihintay, akala ko nga girlfriend, dun ko nakita yung mukha nya ng maayos. Gwapo sya at matangkad kaya medyo nahiya ako ng konti sa sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya.

Papaalis na ako ng bigla syang lumapit, hindi ko talaga makakalimutan yung sinabi nya nun. Humingin sya ng sorry at nangulit pa sa ipinagpipilitan nyang pagpapasensya ko.  Doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Inaamin kong nagkamali ako sa first impression ko sa kanya at hindi sya ganoong klase ng tao.

Maraming babae ang alam kong naiinis sa akin pero wala akong magagawa kaysa naman balewalain ko ang isang taong nagmamalasakit sa kagaya ko. At isa pa hindi naman kasi ako ang lapit ng lapit, ayaw kong magmukhang ako ang naghahabol kay Kyle. He's offering non other than his friendship.

Naglalakad kami ni Kyle sa hallway ng makaramdam na naman ako ng kakaiba,

“Ayos ka lang?”, Narinig ko ang pag-aalala sa tanong ni Kyle.

“Huh? Eh, oo naman. Tara na.”,

Hinila ko na sya papunta sa pinakamalapit na bakanteng mesa habang nililingon ko ang paligid ko. Maliban sa iilang istudyante ay wala ng kakaiba bukod sa pakiramdam na ito.

Matagal na akong sanay sa ganitong pakiramdam, may third eye ba ako? At parang lagi ko nalang nararamdaman na parang may sumusunod sa akin o kaya naman ay parang laging may nakamasid sa paligid. Sa tuwing hahanapin ko naman kung saan nanggagaling yung pakiramdam na yun ay wala naman akong napapala.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon