"Bakit naman?" I still answered him.

"Kasi magkapatid tayo? Fuck." Tila ba puno ng galit sa sinalita niya. Yumuko ako at pumikit ng mariin. I don't know what to say. Nung hindi ko pa nakikita ang kalagayan niya. Being him as my brother is not an issue to me. Okay akong lumaban kahit magkapatid kami. Pero sa nakita kong itsura niya? It made me weak.

"Eat, sustain yourself, Luther." Pag-iba ko ng usapan.

"You, who can only sustain me, Sasha." Malamig na salita niya. "You are still inlove with me do you?"

Kumalabog ng usto ang dibdib ko at hindi nakasagot agad. I saw fear in his eyes. "I love you." Sagot ko. That's the truth. Malamlam pa din ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba hindi sapat ang sinalita ko sa kanya.

"Ma'am, tawag na po kayo ng daddy niyo." The guard interrupted us.

"I need to go.. kumain kana.." salita ko at tsaka naglakad palapit sa pinto. Hindi siya tumayo or ano manlang. Nang nakatapat na ako sa pinto ay nagsalita siya na nagpasikip ng dibdib ko.

"I love you, Sasha and this is killing me. I don't care how complicated this gets. I still want you, sana ganoon ka pa din."

Pagkasara ko ng pinto ay patakbo na akong pumunta sa kwarto ko. I felt that I betrayed him. He's still fighting habang ako ay unti unti ng sumusuko at napapagod. Hindi pagod na mahalin siya. Pagod sa dami ng hadlang sa amin dalawa.

I just realized that our love for each other will only bring us pain. Though, it's the thing that only sustain us. Minsan.. may mga bagay na akala mo para sa iyo pero hindi pala.

Sometimes, there are things that we can't have not because it's not meant for us.. but because, it's forbidden to have.

Umaga na pero dilat na dilat pa din ang mga mata ko. Hindi ko nga alam kung lalabas ba ako or ano dahil sa bahagyang pamumugto ng mga mata ko.

"Ate?" Napalundag ako ng biglang bumukas ang pinto ko at iluwa si Kristele na halos magtatalon.

"Nandito ka nga," she giggled. Ngumiti ako ng tipid. Hindi ko maipagkakailang na-miss ko si Kristele. "Umuwi talaga ako ng maaga when dad told me na nandito kana.." salita siya ng salita habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"So kamusta kana, ate? Nagkita na kayo ni Kuya Luther?" Dirediretsong salita niya na tila ba nakaligtaan ang lahat. I wish we can go back to our lives the way it was.

"Ay, sorry.." yumuko si Kristele at nagpakawala ng mura. Naiiling akong tumayo para maghilamos. "Sige na nga ate kita nalang tayo sa dining."

Tumango ako at di na sumagot pa. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako na hindi ko maintindihan.

Pagbaba ko sa dining ay naroon na ang lahat. Syempre hindi mawala wala ang mga guards na akala mo ay aatakihin ng kalaban ano mang oras. Umirap ako at nilagpasan sila.

Sa mahabang dining table ay prenteng nakaupo silang lahat. Natigilan ako at napalunok ng magtama ang mata namin ni Luther. He was playing the food while intently looking at me.

Tumikhim si mommy. " Uupo ka ba o tatanga ka jan, Atasha?" Salita niya ng hindi ako tinitignan. Tila ba natauhan ako at biglang naupo sa tabi ni Kristele. Nagsisi pa ako ng bahagya dahil nasa tapat ko si Luther na bahagyang ngumisi. "Geez, this is awkward." Bulong ni Kristele pagkatapos isubo ang hotdog.

I want to look at Luther pero natatakot ako, natatakot ako na baka lalo lang siyang ikulong ni daddy pag nagpumilit ako. I want to fight. Pero minsan, may laban na alam mo kung kailan mo dapat sukuan. At sa laban namin, hindi ko alam kung hanggang kailan kami lalaban. This is endless fight.

"How's your night, son?" Pagbasag ng katahimikan ni daddy. Yumuko ako, ni hindi ko nga alam kung susubo ako or makikinig sa kanila.

Tumikhim si Luther. "Fine," malamig na sagot niya.

"Sasha, I know you want this.." nagulat ako ng lapagan ni Luther ng bacon ang plato ko. Laglag ang panga ni mommy at daddy habang ako ay gulat na gulat. What's happening, Atasha? Where did you hide your guts?

Umiwas ako ng tingin sa mata ni Luther na lumulunod sa akin. His eyes has so many emotions.

Tumikhim si mommy kaya bahagya nawala ang awkwardness sa paligid. "There will be a party for, Luther later."

Napaangat ako ng tingin. Si daddy ay tahimik na nakamasid sa amin ni Luther habang si mommy ay sa akin lang ang tingin.

"Really? For what?" Excited na salita ni Kristele. I don't know really if she's excited or what.

"You'll know later." Malamig na salita ni mommy pero sa akin pa din ang tingin.

Huminga ako ng malalim. Hindi ako makabaling kay Luther dahil hindi ko mapantayan ang tingin niya.

"Excuse me, I'm done eating." Sagot ko.

"Wag kang bastos, Sasha!" Sigaw ni mommy. Kumuyom ang kamao ko.

"I'm done, too." Biglang tayo ni Luther kaya napapikit ako ng mariin. "C'mon, Sasha.." salita ni Luther papalapit sa akin.  

"What the hell!" Sigaw ni mommy sabay nguso sa mga guards na mabilis na umikot sa amin.

"What the fuck is this? Yosef?" Nanlaki ang mga mata ko ng balingan ni Luther si daddy.

Walang emosyon si daddy. Tumango lang siya sa mga body guards sa paligid kaya tuluyan na nilang hinila si Luther.

"Bring him to his room." Umalingawngaw na salita ni daddy. Luther laugh mockingly. "Cage me forever but I'm not going to give up Sasha." Sigaw niya at marahas na umakyat.

"This is all your fault!" Napalundag ako ng sigawan ako ni mommy.

"OMG, mom! Bakit si ate na naman?!" Iritableng sagot ni Kristele. Wala na akong madama na kahit ano kay mommy. Tila ba sanay na ako at manhid sa ano mang sasabihin niyang masakit.

"Bakit hindi? Luther will be forever miserable because of her stubborness! Hangga't pinipilit mo yung kayo na alam naman natin na hindi pwede. Luther will suffer. Gusto mo ba no'n, Sasha? Kung mahal mo si Luther-- give him up. You'll never be together, anyway. Never. It's all up to you Sasha.. stay inlove with him and make him suffer? Or give it up and you'll  both have the normal life back? It's your choice, Sasha.. your choice.. "

----------

Hello pala kay chentel05! Yan na girl! Mwah :-*

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now