Paano ipipinta ang ikaw at ako

9.6K 90 6
                                    

Gamit ang mga litrato
At mga tamang anggulo
Naintindihan ko ang mundo
Gamit ang mga kabanata sa libro

Naintindihan ko ang bawat aral nito
Bawat hiwagang nais ihatid sa mundo
Naintindihan ko ang problema at pagsubok dito
Hindi madali, hindi mahirap, pero sakto

Sakto para malaman ko
Hindi nga pala tayo
Wala nga palang ikaw at ako
Kaya anong laban ko

Hindi madali dahil di ko alam kung ano ba tayo
Kung tama bang may salitang "tayo"
O hanggang kaibigan lang naman talaga ang turing ko
Kung tamang baggitin ko na tayo at wala na silang pag asa sayo

Kaso natuto na ako
Sa mga litratong nagpapaalala sayo
Sobrang akong natutuwa dahil sa mga alaalang ito
Dahil dito natutunan kong mahalin ang sarili ko bago ang ibang tao

Tula Tungkol Sa Pag-ibigजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें