Chapter 14: Moment ni Paolo at Jessica, ( a day before the wedding)

139 2 0
                                    

A/N: Hello sa inyo! Bago nyo basahin, konting explanation muna tayo. Hahaha. Eto po yung Pinag-usapan ni Paolo at Jessica, nasa chapter 11 to. Di ko lang nilagay yung pinag-usapan dahil masisira ang atmosphere ng wedding. Soo... eto na yun. Haha! :)))

Salamat nga pala sa mga nagbabasa neto. Mahal ko kayo promise! =))

Oh sya mahaba na.Pigilan ang sariling maasar ha? :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JESSICA'S P.O.V.

"It's been a long time, Jessica.

Can we talk?"

I froze.

Ang kapal naman talaga ng muka ng taong 'to. Hindi ko nalang sya pinansin. Mahirap na. Baka kung ano pang masabi ko.

Naramdaman ko nalang na umu-upo na sya sa tabi ko.

"Talagang wala kang balak lubayan ako no?" sabi ko sa kanya. Ayokong mainis, pero wala e. I can be a bitch infront of this goddamn man.

Narinig ko syang tumawa ng mahina. Dahil dun napatingin ako sa kanya.

"Okay lang kahit na tarayan mo pa ko buong araw dito. Basta mag-eexplain ako sa'yo. Makinig ka nalang sana." At talagang ine-expect nyang makikinig ako sa kanya? What a bastard.

"Ano ba yan. Ang panget naman ng view dito. Makaalis na nga lang. And some bastard is trying to talk to me. Wow. Just wow." Akmang aalis na ko dahil, well pinipigilan ko lang mainis sa kanya. Pero asar na talaga ako. Bigla nyang hinila yung kamay ko. Pakiramdam ko para akong nakuryente kaya hinigit ko yung kamay ko.

"ANO BA!"

"Dito ka muna kase. Wala naman akong gagawin sayo. Gusto ko lang namang pakinggan mo ko." Sabi niya.

"At ang lakas naman talaga ng loob mo no? Anong akala mo sakin? Yung babaeng tatanga-tanga pagdating sayo 3 years ago? Wala na yung babaeng yon. PATAY NA SYA." Di ko napigilang sumigaw. Malamang naman dahil galit ako.

"Wag ka ngang sumigaw! Mamaya isipin ng mga tao hina-harass kita."

"Totoo naman eh. Might as well say it outloud for them to hear." I smirked at him and shouted

"ANO BA! LAYUAN MO NGA AKO. TULONG! MAY MANIAC PO DITO!" Sigaw ko. He just laughed at me.

Napatingin yung mga tao samin, at may lumapit na, na guard.

"Miss ano pong problema dito?" Sabi ni kuyang guard. Nagawa pa nya kong tignan mula ulo hanggang paa ha. Ang sarap tusukin sa mata tong matandang 'to. Sya ata yung manyak e. Bwiset.

"Manong, yan po kasing lalaking yan. Minamanyak ako at hina-harass." acting ko. Para san pa't gumanap akong Maria Clara nung third year. Maria Clara my ass, ugaling medusa nga ako. Hahaha.

"Wag kayong maniwala dyan kuya. Tinotopak lang yang girlfriend ko. Pasensya na ho." PUTANGINA. KAILAN PA NYA KO NAGING GIRLFRIEND?!!!!!! (A/N: Jess, nung bakasyon mo ng third year ka.. *kru-kru*)

Pakyu miss author. Wag kang epal.

"Anong girlfriend?! Hindi nga kita kilala! Manong wag kayong maniwala dyan! Hulihin nyo na yan, mamaya may iba pang mamanyak yan eh!" Kumagat ka. PLEASE.

Nagpalipat-lipat ng tingin samin si manong tsaka nagsalita, "Nako mam, kung may away man ho kayo ng boypren nyo eh wag nyo na pong idamay yung ibang tao. Mag-usap nalang po kayo ng mahinahon, baka po kasi masita kayo ng manager namin eh.. Pasensya na ho."

ABA AT TALAGA NAMAN. HINDI BA KO KILALA NETONG MATANDANG TO?!

Napansin kong natatawa si Paolo, inirapan ko sya at kinausap si manong. "Una sa lahat manong, hindi ko sya kilala. At lalong hindi ko sya boyfriend. Pangalawa, hina-harass nya ko dahil hila sya ng hila sakin. Pangatlo, hulihin nyo yang manyak na yan. Pang-apat, gusto mo pati ikaw ipakulong ko? Mas manyak ka pa nga sa kanya. Bwiset." ismid ko sabay alis. Wala akong pakealam sa kanilang dalawa. Mga leche. -______-"

Childhood bestfriends or Childhood lovers? (On hold)Where stories live. Discover now