"Bakit pa kayo nagpakita sa amin? Hindi niyo man lang ba naisip ang mararamdaman ni Ailah kapag nakita niya kayong dalawa na magkasama? At ikaw Niccolo, alam mo naman na gusto ka ni Ailah but you keep hurting her at ikaw Lian, kaibigan mo si Ailah pero inilihim mo na may relasyon pala kayo ni Niccolo." Sabi ni Raven ng seryoso.

Niccolo sigh at humarap siya kay Raven. "I never said that I love Ailah at alam niyo rin naman na hindi ko siya gusto kaya wala na akong magagawa kung umaasa pa rin siya hanggang ngayon sa akin. Walang kasalanan si Lian dito dahil ang mga magulang namin ang nagdesisyon na ipakasal na kami. I l-love, Lian kaya wala na kayong magagawa do'n." He said in his expressionless tone.

I never expect what happens next,

Sky punch Niccolo on his face. Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Sky kaya inawat ko siya kasama nina Raven at Ivo.

"The fuck! Ano bang problema mo?" Sigaw ni Niccolo kay Sky habang hawak-hawak nito ang labi niyang nagdurugo na dahil sa suntok ni Sky. Pilit naman siyang itinatayo ni Lian sa pagkakabagsak niya ulit sa sahig.

2 punch straight on his face, huh? He deserves that for hurting Lian.

Sky chuckled at tinignan nang nakangisi si Niccolo. "Moron. Stop pretending, Yuzon. Hindi bagay sa'yo." Sky said at hinila na ako papalabas ng basketball gym.

Kahit nagtataka ako sa ginawa ni Sky kay Niccolo ay nagpatangay na lang ako sa kanya hanggang sa makarating na kami sa field. Doon kami huminto kaya tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip sa kanya.

"What the hell did you do to Niccolo? Bakit mo naman siya sinuntok sa mukha? Well, deserve rin naman niya 'yon dahil sa pananakit niya kay Ailah but why did you do that?" Sabi ko.

He shrugged. "Because he's an asshole and a liar."

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Sky. "What do you mean?"

He rolled his eyes on me. Aba! Kung makaikot siya sa akin ng mata ay parang hindi ako seryoso sa tanong ko, ah?

"He's obviously don't love Lian. He's pretending that he's in love with her." He answered.

Nagulat naman ako sa sinabi niya at napaawang ang bibig ko.

"Talaga?" Gulat kong sabi. He boredly nodded.

"He's a moron. That's all I can say to him." Sky shook his head.

Napaisip akong bigla. Pareho rin pala kami ng iniisip ni Sky pero hindi ko lang rin makumpirma kung totoo nga ba ang mga hinala ko dahil sa mga weird na ikinikilos at sinasabi ni Niccolo.

Bakit nga ba niya ito ginagawa? Ano ang dahilan niya? Kung mahal niya si Ailah ay bakit papayag siyang magpakasal kay Lian? At kung kaibigan nga talaga ni Lian si Ailah ay bakit parang hindi siya tutol sa arrange marriage nila ni Niccolo?

Ang akala ko ba ay si Austin ang mahal ni Lian?

AUSTIN'S POV

Sinadya ko talagang abangan si Reese sa labas ng YGA para lang makausap siya at makapagsorry sa mga nasabi ko sa kanya noon.

Nang makita ko siya na papalabas na ay napakunot-noo ako nang kasama na naman niya ang Sky na iyon. Sila na ba talaga?

Pero wala na akong pakialam pa do'n basta ang mahalaga ay makapagsorry ako sa kanya.

Lumapit ako sa pwesto nila at nang makita ako ni Reese ay nagulat siya habang si Sky naman ay sumama ang tingin sa akin.

What's with that glare, Sky? Tsk!

"Austin? Anong kailangan mo?" Tanong ni Reese sa akin. Nakita ko naman na biglang hinawakan ni Sky ang kamay ni Reese at pinagsalop ito sa kamay niya.

Napakuyom ako ng kamao ko dahil sa inis na nararamdaman ko pero hindi ko nalang iyon ipinahalata sa kanila.

I saw Sky smirk at me dahil sa ginawa niya.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Ahm, Reese, I'm sorry nga pala sa mga nasabi ko sa'yo noon. Akala ko kasi ay may nangyari na talaga sa inyo ni Sky pero wala pala talaga. Hindi ko naman alam na pinapalabas lang niya na may nangyari na sa inyo kahit wala naman talaga. Sorry talaga." Sabi ko at pasimpleng nginitian si Sky na tumiim-bagang dahil sa sinabi ko.

If you're teasing me, Sky then I will do the same.

Reese nodded at nginitian ako. "Okay lang 'yon, Austin. Tapos na rin naman 'yon pero next time ay 'wag mo na lang akong i-judge ng ganon, ha? Pero sige, ayos lang 'yon sa akin." she said.

Dahil sa tuwang naramdaman ko sa sinabi niya ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Salamat. Pwede na ba tayong maging magkaibigan ulit?" Tanong ko at kumalas na sa pagkakayakap ko sa kanya. Nakita ko naman na namula siya sa ginawa ko.

She's so cute.

"Ah.. sige." Nahihiyang sabi niya at yumuko ito.

"Ehem," Napalingon lang kami sa tumikhim na si Sky na mukhang kanina pa naiinis sa presensya ko.

"Let's go home, Reese. Baka hinahanap ka na rin nila tito at tita." Sky said at may pang-asar na ngiti itong binigay sa akin.

I secretly clenched my jaw. Pati ba naman ang pamilya ni Reese ay nakuha na rin ni Sky ang tiwala nila? What a lucky bastard he is pero hindi ako magpapatalo sa kanya.

Nahulog na ng tuluyan ang loob ko kay Reese kaya hindi ako makakapayag na sa huli ay matatalo lang ako. Sinuko ko na ang lahat ng meron ako. Si Lian, ang pagiging playboy ko at ang ego at pride ko.

Gagawin ko ang lahat para lang makuha ko si Reese Santillan dahil ako si Austin Jimenez.

"Ah? Okay." Reese look at me apologetically.

"I'm sorry, Austin, kailangan na pala naming umuwi. Basta friends na ulit tayo at wala na sa akin ang mga nangyari noon." Then she smiled again.

Ngumiti rin ako at tumango. "Ingat ka."

She nodded at magsasalita pa sana siya nang bigla na lang siyang hinila ni Sky paalis. Kumaway na lang si Reese sa akin nang medyo nakakalayo na sila ni Sky sa pwesto ko.

I smirk while looking at them. "Let's see, Sky..."

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon