Nakahinga ako ng mabuti ng nakita ko na si Adrian lang pala yun. Bakit, sino ba ang ine-expect ko? Napailing nalang ako sa iniisip ko. Ano ba naman ito. Kasalanan ni Franz kung bakit takot na ako lumingon, parang kabute kasi kung makasulpot kung saan-saan.

"Umm... Cass? Okay ka lang?" Bumalik ako sa realidad ng narinig ko ang boses ni Adrian na ngayon ay nasa harapan ko na pala.

"Ah! Hi Ade, May kailangan ka ba?"

"Wala naman..." Napahawak siya sa batok niya at parang nahihiyang tumingin sa akin "Pwede ba kitang i-treat ngayon?"

"Ha? Bakit naman? Anong meron ngayon?" Patuloy ko na tanong sa kanya. Nako, nahahawa na nga talaga ako sa kadaldalan ni Jia.

"Ahh... Eh... Wala naman. Gusto ko lang sanang makipagbonding sa bestfriend ko ngayon na halos two months ko nang hindi nakikita" Sabi niya habang merong mapagbirong ngiti na lumalaro sa labi niya. Ayan ang kilala kong best friend.

"Depende... Ano muna ang itre-treat mo?"

"Ice cream" Ngumiti siya sa akin dahil alam niyang ice cream ang nagiisang weakness ko.

"Tara! Now na! Ano pa ang hinihintay mo dyan!?" Hinila ko siya kaya siya napatawa. 

"I really missed you Cass"

"Bakit ang senti mo ata ngayon?" Tumawa ako pero nakita kong seryoso pala siya. Ngumiti ako sa kanya, "I missed you too Ade"

Naglakad na kami sa pinakamalapit na ice cream parlor habang nag-uusap tungkol sa bakasyon naming dalawa.

"So how was your vacation?" Tanong niya ng nakapili na kami ng aming order. Cookies and cream ang akin habang pistachio ice cream naman ang kanya. Our usual.

"It was fun, I think... Now that you mentioned it, hindi ko na gaanong maalala ang summer except those last few weeks with Vine, kuya Jin, and..." Franz. Totoo ang sinasabi ko... Kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko ay hindi ko talaga maalala kung anong mga nangyari. 

"Hey Cassie, you're spacing out on me" Winagayway niya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko kaya ako napatalon.

"Sorry! Parang lagi nalang ako nagspa-space out ngayon"

"Is something wrong?" Tiningnan ako ni Ade na parang nagtataka. Meron nga ba? Bakit ganito ang feeling ko? Parang may mali pero hindi ko naman alam kung ano yun.

"No, no, it's nothing. Ikaw, kamusta ang bakasyon mo sa Greece?" 

"Well, Greece felt like home" Ngumiti siya kaya napangiti din ako. Greece... There's something about that place... I really love studying mythology, more specifically stories about sa Greek and Roman Gods and Goddesses. Minsan nga naiisip ko pa na totoo talaga sila. Palakad-lakad lang kasama ng mga mortal. "Excuse me, magc-cr muna ako ha" 

"Okay" Habang papalayo si Adrian ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking may kulay pula na buhok na nakatingin sa labas ng parlor. Tiningnan ko ang mga mata niya na expressionless.

Nagsign siya sa kamay niya na parang pinapapunta niya ako doon. Masunurin ako kung kaya't hindi ako pumunta doon. Kinuha ko ang kutsara ko at kumuha ng napakalaking scoop ng ice cream at nagsimulang kumain. Ang saya ko lalo na nung nakita ko ang naiirita niya mukha. Hahahaha! Buti nga sayo! Gusto ko pa sana siyang iritahin kaso ay nagkabrain-freeze ako dahil sa sobrang lamig.

"Ang sakit" hinawakan ko ang ulo ko at minasahe ito. Nung unti-unti ng nawawala ang sakit ay tiningnan ko ulit ang lalaki sa labas na ngayon ay mukhang mamamatay na sa kakatawa. Sana mawalan ka ng hangin, Leche!

"Ha Ha Ha" Sarcastic kong tawa sa kanya pero hindi niya ako naririnig.

"Anong nangyari sayo?" Curious na tingin sa akin ni Adrian na nakaupo na pala sa harapan ko ng hindi ko namamalayan.

"Ahh, wala, wala, naloloka lang ako"

"Ah halata nga" Tumatawa siya kaya binelatan ko naman siya. "Anyways Cass, thank you sa time! I really need to go kasi bibisitahin ko pa si lola sa ospital, may sasabihin daw siya"

"Oh okay! Okay lang ba si lola Nessie?"

"Ahh, oo. Okay lang siya. Sige mauna na ako sa iyo ha" Ngumiti siya sa akin at mabilis na naglakad papalayo.

"Wait! Gusto mo ba'ng samahan kita?" Tumigil siya sa harapan ng pinto ng parlor.

"Ahh, wag na. Okay lang naman. Bye Cass, see you tomorrow" Pahabol niya at tuluyan nang umalis.

Lumabas na rin ako pagkatapos ng ilang minuto. Doon ko napansin na nandoon parin pala ang lalaking laging nakapula.

"Who was that?" Tanong niya sa akin sa expressionless niyang mata at bored na tunog ng boses.

"Bestfriend ko"

"Ahh Okay" Sabi niya at tumalikod na sa akin

"Hoy! Yun lang yun? Anong pinunta mo dito sa parlor?"

"Bakit, hindi ba pwede ang dahilan na gusto lang kitang makita?" Sagot niya sa tanong ko habang may isang mapaglarong ngiti ang tuluyang pumalit sa kaninang expressionless niyang mukha. Tumalikod ako sa kanya dahil nararamdaman ko na ang patuloy na pamumula ko sa buong mukha. 

"Wha..aat..?" Bakit ka nauutal Cass? Nako! Kailangan mo yatang sampalin mo ang sarili mo para mabalik sa katinuan.

Tumaas ang kilay niya na parang nagtatanong at biglang humahalakhak. Anong nakakatawa? "Bakit, Gusto mo ba? Hahahaha."

"Ho...Hoy! Hindi ah!" Wow Cass, pati ako napaniwala mo dahil sa tono ng boses mo.

"Okay, okay, I'll stop" Tumatawa parin siya. SANA MABILAUKAN KA! LECHE!

"Ano ba Franz!?" Binigay niya sa akin ang isang scroll. Scroll? May ganun pa pala hanggang ngayon? Tiningnan ko ito at sinimulang basahin.

Cupid's List

Client: Cassandra Riley Go

na vreíte:

1. Adrian Salcedo

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

"na vreíte?" Ano yun?

"That's Greek for the word To Find. Ang bestfriend mo ang first sa 10. This is the reason why I went here to find you."

"Ah okay... Pero si Adrian? Seryoso? Sa tagal naming magkakilala, sigurado ako na kaibigan lang ang turing namin sa isa't isa"

"A guy and a girl can be just friends but sooner or later, one will fall for the other maybe too early, maybe too late or maybe for forever"

"Wow, may pinagdaanan ka yata? May bestfriend ka dating babae no?"

"Wala" Bitin naman magsagot ng isang ito.

"Tapos nainlove ka sa kanya pero hindi niya kayang ireciprocate kaya naiinis ka ngayon" Tinutulak-tulak ko siya habang kinukulit. Ang saya niya lang talagang kulitin dahil nagmumukha siyang pula na toro.

"Wala. Tara na, gutom na ako" At tuluyan na siyang tumalikod sa akin at nauna ng maglakad.

"Hmmp, sungit ni Mr.Red" Sinundan ko siya at naglakad kami pauwi.

----------------------------------------------

Author's Note:

Sorry for the REALLY, REALLY, REALLY, LONG wait!

Sino po pwedeng mag-proofread nitong story? PM me please :) Thank You :*

- GirlInvisible

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cupid's ListWhere stories live. Discover now