Identify

1K 24 6
                                    

EDITED VERSION (2017)

"You Should Identify What Your Dream Guy Is"

"Dream Guy?"

"Oo, Dream Guy. Wag mo'ng sabihing wala kang ganun?"

"Eh wala naman kasi talaga"

"Abnormal"

"Hoy hindi ako abnormal! Ikaw kaya ang abnormal. Kanina lang, kung maka-english ka wagas tapos ngayon naman, fluent na masyado ang tagalog mo! Tell me, abnormal ka ba Mr.Red?" Mr. Red ang tawag ko sa kanya. Ang weird niya kasi. Lagi nalang nakapula tapos pati ang buhok niya pula rin. Kulang na nga lang eh pati ang mata niya maging kulay red na rin para matawag ko na siyang certified bampira. 

"Tss" Tinitigan niya ulit ako ng masama. Kung nakakapatay lang ang titig, matagal na akong nawala sa mundong ito simula ng nakilala ko ang lalaking ito.

"Anyways, back to business. Dream guy ko? Umm.. wala naman talaga akong maisip eh..."

"Wala kang dream guy? Yun na lang o" sabi niya habang tinuturo ang isang lalaki na mukhang adik na nakaupo sa labas ng park. Pumunta kasi kami dito para daw makapagisip ng maayos dahil mahangin but if I know, gusto lang gumala ng kasama ko ngayon.

"Ayaw ko nang ganyan, gusto ko ng Gwapo, yung mukhang K-idol"

"Meron ka naman palang idea eh, pakipot ka pa" Binelatan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Whatever"

"O sige. One, gwapo, ano pa ang ibang ugali na gusto mo?" Bumulong siya pero narinig ko ang mga huling sinabi niya.  "Ang babaw"

"Tse, wag kang mangialam. For all I know, gusto mo rin naman ng maganda at sexy." Inirapan ko siya at nagpatuloy nalang sa pagdedescribe. "Mabait"

"Halata ba?" Ngumiti siya ng nakakaasar kaya mas lalo akong nainis. "Ipatuloy mo na nga lang! Iniisa-isa mo pa talaga. Baka bukas pa tayo matapos dahil dyan sa ginagawa mo"

"Wag ka ngang maingay, nagcoconcentrate ako! Gusto ko yung maganda ang mga mata. Yung parang madadala ka talaga sa mga titig niya" Oo gusto ko ng magaganda ang mga mata. My mom told me that the eyes are the windows to the soul. People can lie, but their eyes will betray them. It tells the truth. Kaya simula ng sinabi yun ni mama, ang mga mata na ang una kong napapansin sa mga tao. 

Napatingin ako sa lalaki sa gilid ko. Seryoso niyang sinusulat ang mga sinasabi ko.Chinito siya at itim ang mga mata niya. Like an abyss, very dark and very deep. Slowly dragging you down. Napakamisteryoso talaga. Agad akong tumingin sa kabilang direksyon ng napansin kong sobra na ang titig ko sakanya. 

"Patient" Katulad ng isang ito, kahit two weeks ko siyang pinagtatabuyan, hindi siya napagod sa kakasunod sa akin para lang mapasabi ako ng oo. Gusto ko ng pasensyosong lalaki, yung tipong kaya niyang intindihin ang paiba-iba kong ugali. Yung hindi ako iiwan dahil lang napagod na siya... Ayaw ko ng ganoon. Napahawak ako sa puso ko, masakit... Hindi ko alam kung bakit. 

"Okay ka lang?" Napatayo si Franz at tiningnan ako ng mabuti. 

"Oo, pagod lang siguro kasi kanina pa ako nakatayo" Ngumiti ako sa kanya at umupo nalang. Tiningnan niya ulit ako ng mabuti kaya ngumingiti parin ako, tumigil lang ako ng naupo narin siya sa tabi ko. 

"Gusto ko ng lalaking nagbabasa ng libro" Mahilig akong magbasa ng libro. It takes you to a whole new world... Yung tipong, malayo sa katotohanan pero mapapaisip ka din na sana, sana ganoon nalang din ang buhay mo. I'd like someone who shares my passion for books as well.

"May pangarap sa buhay" I'd like someone who has a dream for his life. Yung tipong, may gusto siyang makamit at ginagawa niya ang lahat para makuha ito. Someone who is passionate about life, and who wants to make something out of it.

"Honest" Ayaw ko ng nagsisinungaling sa akin. Gusto ko yung kaya ko siya ma-trust dahil alam kong nagsasabi siya ng totoo. Yung lalaking hindi ako lolokohin. Ayaw ko sa mga manloloko. Ayaw na ayaw ko. Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinahid paalis  bago pa man makita ng katabi ko. Anong nangyayari sa akin? Bakit parang ang moody ko?

"Loves music" I love music. It's the language that everyone knows. There's no boundaries, and everyone can enjoy it. Good music can turn enemies into the best of friends. Great music can capture your heart and your soul. Beautiful music can make you fall in love. I remember how Vine and I became bestfriends... We hated each other's guts nung college pa kami but then, this band that we both loved came to our school... And when the lights turned off and the music started to play, we just found ourselves dancing to the rhythm while laughing. That was good music. I smiled to myself when bigla ulit sumakit ang puso ko. Sandali lang ito bago nawala ulit. 

"Someone who's afraid to hurt me" Yung lalaking hindi ako sasaktan. Ayaw kong nasasaktan. Napasimangot ako dahil parang may nakakalimutan ako. Ano ba iyon? Pinagsawalang bahala ko nalang yung feeling ko na parang may mali at nagpatuloy nalang. Sinusumpong lang siguro talaga ako dahil malapit na yung akin ngayong buwan.

"And lastly, I want a guy who can make me laugh anytime para kahit malungkot ako, kung nandyan siya, mapapangiti ako" I like people who can make me laugh. I want someone who can make me feel happy. I like happiness. I cherish it.

"Pansin ko lang Cass"

"Ano?" Napatingin ako sa kanya.

"Habang sinasabi mo ang mga bagay na yan eh nakatunganga ka lang sa akin" Hinawakan niya ang ibaba ng labi ko. Ano ba'ng problema ng lalaking ito? At bakit parang kinakabahan ako sa ginagawa niya ngayon?

"Ahh, manyak!" Hinampas ko ang mga kamay niya paalis sa mukha ko. Kumakabog ng mabilis ang puso ko dahil sa ginawa niya. Ano ba naman ito.

"Anong manyak ka dyan? Wag ka ngang assumera. Gusto ko lang sanang sabihin na tumutulo ang laway mo. Alam ko naman na gwapo ako pero please lang, wag ka naman masyadong halata" sabay tawa niya ng napakalakas. Leche! Nambibwisit ata ang isang to.

Binatukan ko siya, nakakainis lang talaga. Mas lumakas pa ang tawa niya.

"Leche kang lalaki ka!" sabay hampas ko sa kanya ng flat sandals ko habang siya naman ay nagsimula ng tumakbo.

Hmm.. My dream guy?

Isang lalaking, 

1. Gwapo

2. Mabait

3. Magaganda ang mga mata

4. Patient

5. Book lover

6. May pangarap sa buhay

7. Mapula ang labi

8. Honest

9. Music Lover

10. Someone who's afraid to hurt me

11. Napapatawa ako

Pero may nakalimutan pa pala akong sabihin. Dapat ang "Dream Guy" ko ay iyong taong "mahal ako". Ano pa ba kasi ang use ng dream guy kung hanggang tingin lang ako diba?

That's my Number 12, someone who loves me back. I want someone who can reciprocate what I feel for him.

-----------------------------------------------------

Author's Note:

Next update is mamayang gabi kasi may guitar lessons pa ako Hahaha, Three chapters ang gagawin ko today :))

This Chapter is Dedicated to HER

-GirlInvisible

Cupid's ListWhere stories live. Discover now