Escape

2.1K 75 0
                                    

"Yung van!" Naibulalas ko.

Agad kumalas si Jean sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa kanyang likuran. Umaliwalas ang mukha niya, kasabay ng pagdungaw ng pag-asa sa puso ko.

"Makakaalis na tayo dito!" Masayang sabi ni Jean. "Tara na, puntahan na natin at umalis na tayo sa impyernong 'to."

Tumayo kami. Tatakbo na sana siya palapit sa van pero pinigilan ko siya. Napatingin siya sa akin, nagtataka ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

Yumuko ako at kinagat ang aking labi, pinipigilang bumagsak ang mga luhang unti-unting nagpapalabo sa aking paningin.

"P-pano sina... Jhoii at Joss?" Kusang bumagsak ang aking mga luha. Hindi ko na rin napigilan ang mahihinang paghikbi.

Narinig kong bumuntong-hininga si Jean. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pilit iniharap ang mukha ko sa kanya.

"May mga bagay na kailangan nating kalimutan at tanggapin at isa sa mga dapat nating kalimutan ay sina Jhoii at Joss." Pinunasan niya ang mga luha ko. "Kailangan nating makaalis dito para mabigyan nang hustisya ang nangyari sa kanila. Para matapos na rin ang mga pagpatay ng mga kulto sa lugar na ito. Isusumbong natin sila sa mga pulis. Tara na!"

Tumango ako. Hinigit niya ang kamay ko at hinila palapit sa van. Sa van na maglalayo sa amin sa lugar na ito. Sa van na magpapahaba ng aming buhay.

Habang papalapit kami ng papalapit sa sasakyan ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Nang makalapit kami ay napansin agad namin ang basag-basag na bubog sa ibaba nito. Napatakip naman kami sa aming bibig ng makita ang bangkay ng isang taong nakaitim dalawang dipa ang layo mula sa unahan ng sasakyan. Naliligo ito sa sarili niyang dugo. Durog-durog din ang kanyang mukha. Nakakatakot! Nakakasuka!

"Tara na! Let's get out of this place!" Yaya sa akin ni Jean.

Pero mas nakakakilabot na bagay ang bumulaga sa amin ng buksan ni Jean ang pinto sa may driver's seat. Isang taong walang ulo ang bumagsak. Mabilis na umagos ang napakaraming dugo na umabot sa mga paa naming walang sapin.

"S-si Maricar!" Takot na takot na sabi ni Jean habang nakatakip sa kanyang bibig.

Ilang minuto rin kaming natigilan, hindi alam ang gagawin. Pero kailangan na naming umalis. Kailangan na naming iligtas ang buhay namin at kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan namin.

"A-alisin na nat-natin siya." Mahina at nanginginig kong sabi.

Napatingin si Jean sa akin at tumango. Nag-aalangan man ay lumapit kami sa walang ulong katawan ni Maricar at hinawakan ito sa kanyang mga kamay. Hinigit namin siya sa gilid ng kalsada. Nang maitabi namin siya ay agad kaming pumasok sa sasakyan, hindi alintana ang nagkalat na dugo sa loob, hindi alintana ang masangsang na dugo ng aming kaibigan.

"Sht! Walang susi." Naibulalas ko. Galit kong hinampas ang manibela.

"Give me a clip!" Sabi ni Jean na para bang nagmamadali. "I need a clip!"

Agad kong kinapa ang buhok ko at nakahinga ng maluwag nang may makapang isang clip sa aking buhok. Agad ko iyong binigay kay Jean. Kinuha niya iyon at pilit niyang pinasok iyon sa susian.

"Faster!"  Natataranta kong sabi dahil nakakarinig na ako ng mga kaluskos.

"I'm trying, but--"

Napasigaw at napatalon kami sa gulat ng may biglang sumalampak sa hood ng sasakyan. Duguan siya at puro putik. Hindi kami nagsasalita, nakatingin lang kami sa lalaki.

Maya-maya pa ay unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at nakilala namin kung sino ang lalaking duguan.

Si Luigi!

To be continued...

Kulto [Soon to be published under LIB]Where stories live. Discover now