The House [REVISED]

4.1K 110 14
                                    

Tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba kami at tumingin sa paligid. Wala naman kaming makitang mga bahay, bagkus ay mga puno ng niyog ang makikita sa kanang bahagi ng kalsada at bangin naman sa kaliwa.

"Asan tayo?" Tanong ni Maricar. Ang silent type sa amin. "Asan ang mga bahay?"

Natawa si Luigi at humarap sa kanang bahagi ng daan kung saan makikita ang mga puno ng niyog.

"Nakikita niyo yan?" Sabi niya at tinuro ang mga niyogan. Tumango kami. "Papasok pa tayo diyan at dun natin makikita ang aming sitio."

"What?!" Gulat na gulat na sabi ni Lyka. "Hindi kaya may snake diyan or something?"

"Snake mo mukha mo!" Naiiritang sabi ni Rica. "Kung ayaw mong sumama, maiwan ka dito! Spend your summer inside the car!"

"If I know, hindi ko na sana pinagpalit yung pagpunta ko sa Paris sa trip na 'to." Maarte niyang sabi.

Susugurin na sana nila ang isa't-isa pero pumagitna ang matabang katawan ni Nino.

"Tigilan niyo na yan! Kung makapag-away kayo eh hindi naman kayo kagandahan!" Saway niya sa dalawa.

Natawa kami sa sinabi niya. Kahit kelan talaga 'to si Nino, nanaway na pero komedyante pa rin.

"Osya, tama na yan. Kunin na natin ang mga gamit natin at simulan na natin ang paglalakad." Sabi ni Luigi.

Agad kaming lumapit sa van para kunin ang mga bag na dala namin. Kukunin ko na sana ang bag ko nang bigla iyong buhatin ni Joss.

"Ako na magdadala niyan." Sabi niya at sinukbit niya sa kanyang balikat ang malaki kong bag.

Kinilig naman ako sa ginawa niya, nakuu, baka lumalim pa tong pagtingin ko sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Salamat." Sabi ko at ngumiti, ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Tara na!" Aya niya sa akin at sabay kaming naglakad papasok sa niyogan.

Ilang minuto rin kaming naglakad at maya-maya pa ay bumungad sa amin ang isang malaking pabilog na lamesa na gawa sa bato.

"Iyan ang tanda na nandito na tayo sa aming sitio." Masayang sabi ni Luigi habang nakaturo sa malaking lamesa.

Tumingin kami sa paligid at namangha kami sa aming nakita. Sa magkabilang gilid ng kanilang sitio ay nakatayo ang mga simple pero magagandang kubo. Parang isang malawak na aisle ang gitna ng sitio. Natuwa naman kami ng idiretso namin ang aming paningin, tumambad sa amin ang parang nanghahalinang dagat. Ang ganda dito, mukhang magiging masaya ang bakasyon naming ito.

"Tara na at magswimming!" Masayang wika ni Nino. Masaya kaming sumigaw, tanda ng aming pagsang-ayon.

"Teka muna, tara muna sa bahay ng lola ko." Sabi ni Luigi.

Naglakad kami at maya-maya pa ay tumigil kami sa harap ng malaking bahay na gawa sa kahoy. May tatlong baitang na dapat mong akyatin bago ka makarating sa pinto. Ibang-iba ito sa mga bahay na nadaanan namin kanina na gawa lamang sa kubo, parang ito lang ang nag-iisang bahay dito na malaki at may magarang disenyo.

"Ito ba ang bahay ng Lola mo Luigi?" Tanong ko sa namamanghang tinig.

 "Ito nga! Tara" Masigla niyang sagot.

Umakyat kami sa hagdang bato na nasa harap ng bahay, malaki ang pinto nitong gawa sa magandang klase ng kahoy, may mga ukit itong krus at ibat-ibang mga pigurang hindi ko alam kung ano. Kumatok si Luigi gamit ang bakal na door knocker na may korteng ulo na may sungay.

Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng mga hakbang at bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang isang babaeng may mahabang buhok. Kapansin-pansin rin ang peklat nito sa kanang noo. Siguro ay nasa 45 na ang edad niya.

"Maligayang Pagdating po." Magalang niyang bati sa amin. Sinagot namin siya ng ngiti.

 "Sino ka?" Nagtatakang tanong ni Luigi, napatingin kami sa kanya. Paanong hindi niya kilala ang babaeng ito?

"Ako po ang bagong katiwala ninyo, ako po si Magda, tawagin niyo na lang akong Aling Magda. Ang inyo pong lola ay nasa taas at kasalukuyang nagpapahinga. Tuloy po kayo, tatwagin ko lamang si Mando para buhatin ang inyong mga gamit papunta sa inyong kwarto." Tumango ito bago umalis.

 Napanganga kami sa ganda ng mga kasangkapan sa bahay na ito. Pagpasok mo sa malaking pinto ay bubungad sayo ang napakalawak na hagdan na gawa sa kahoy, pinakintab ito ng barnis. Karamihan sa mga kasangkapan ay gawa rin sa kahoy. Sa mga pader ay nakasabit ang mga naglalakihang litrato ng pamilya niya, nakita namin si Luigi nung siya ay bata pa, pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang malaking kwadrado na walang larawan, kundi puro pula lang ang nakikita ko. Hindi magkamayaw sa pagkuha ng litrato si Jean, tuwang-tuwa sa kanyang mga nakikita.

"Rich kid pala si Luigi." Bulong sa akin ni Jhoii. Natawa naman ako.

"Gosh!" Sabi ni Lyka habang nakapamewang. "IDK if I can stay here any longer. No signal? No WiFi? Shocks!"

"Mabuti na yun. Pumunta tayo rito para maenjoy ang nature, hindi para gumamit ng gadgets." Sabi ni Maricar.

"Nature your face!" Maarteng sabi ni Lyka kay Maricar. "Nasasabi mo yan because you dont know anything about social media!"

"Stop being a bitch Lyka!" Naaasar na sabi ni Rica.

Ow-kei. Here we go again. Nagiging public enemy na siya.

"Pinagtutulungan niyo ako no? You don--" Napahinto si Lyka dahil sa flash ng camera ni Jean. Matalim ang titig niyang tiningnan ito. "What was that for?"

"Remembrance!" Sabi ni Jean habang nakangisi. At bago pa man magsalita ulit si Lyka ay pinicturan niya ulit ito.

"Give me that damn camera!"

Napatigil sila ng may tumikhim. Si Aling Magda pala, sa likod niya ay may lalaking may malaking katawan at nakakatakot na mukha, nakakatakot dahil nakasimangot ito na para bang galit. May malaking peklat rin ito mula sa ilalim ng kaliwang mata pababa sa kanang pisngi. Saan kaya galing ang peklat niya.

"Akin na ho ang mga gamit niyo." Mahina niyang sabi at sinundan naman namin si Aling Magda papunta sa aming mga silid.

Umakyat kami sa hagdan at dumiretso sa pinto na nasa tapat lamang nito. Binuksan iyon ni Aling Magda at pumasok kami sa loob. Namangha nanaman kami sa aming nakita. May dalawang malaking double bed sa silid, maganda rin ang disenyo. Sa isang kama ng double bed ay kasya ang limang tao, ganun siya kalaki. Gawa rin sa kahoy ang lahat ng gamit. Napagkasunduan namin na tig-tatlo ang matutulog sa kama at si Lyka mag-isa dahil hindi daw siya sanay ng may katabi.

Sa kaliwang side na double bed.

Sa baba : Ako, Jhoii at Jean.

Sa taas : Lyka

Sa kanang side na double bed.

Sa baba : Joan, Rica at Maricar.

Sa taas : Nino, Luigi at Joss.

Nilapag namin ang aming mga gamit at inayos iyon sa mga malalaking cabinet na nasa kwarto.

"Ang ganda pala dito." Sabi ni Joan habang nakahiga sa kama.

"Oo nga, ang daming magagandang subjects na pwedeng kunan." Sabi ni Jean habang chinacharge ang kanyang DSLR.

"Kaya nga matulog na tayo dahil pupunta tayo sa dagat bukas." Sabi ni Luigi.

Nang maayos na lahat ng gamit namin ay pumunta na kami sa aming mga higaan. Nag-goodnight sa isa't-isa at masayang natulog. Pwera na lang kay Lyka na pinuproblema ang signal ng kanyang cellphone.

To be continued...

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon