poetry #1

30 3 0
                                    

May IKAW May AKO pero walang TAYO

hindi ko alam kung san ko ito uumpisahan
basta ang alam ko bigla ka na lang lumisan
oo nga pala hindi nga pala tayo pero bakit ganito ako kaapektado?
Simula nung makilala kita akala ko ikaw na
yun pala isa ka rin sa mang iiwan tulad nila

nagustuhan kita pero hindi ako sigurado kung gusto mo rin ako napakagaling mo kasi magpakita ng motibo

magkausap text chat pa tayo maghapon na akala ko'y walang katapusan
sa bawat pagtulog at paggising ikaw lang ang nasa isipan
pinawi mo ang kalungkutan ng aking nakaraan
na akala ko'y ikaw na ang sagot sa akin katanungan

masakit man tanggapin na bigla ka ng nagbago pero wala e wala akong karapatan para magreklamo
kundi hayaan ka sa kung anong gusto mo

Kasi nga walang tayo ginawa ko naman ang lahat para ika'y manatili ngunit ikaw din ang nagbigay dahilan para ako'y tumigil,
tumigil sa kahibangan kong babalik ka pa sukli nga sa jeep ay di madalas maibalik ikaw pa kaya?

Ano ba ang nagawa ko at bat nagkaganto?
Wag sana dumating sa panahon na masasabi kong “bat ka pa dumating sa buhay ko?"
Bakit kung kailan mahal na kita saka
ka pa nawala?
Talaga bang lahat ng minahal,nawawala?
Sana di na kita minahal,para hanggang ngayon nandito kapa
sana hindi na lang ako umasa kaso huli na

                ~~~~

Sana po nagustuhan niyo yung una kong poetry magvote rin po kayo at mag comment   ( ´ ▽ ' )ノ

~tin

Unspoken Word PoetriesWhere stories live. Discover now