Hindi na ako umangal at pumasok na lang din ng clinic. Aba libre pagkain na 'to bakit ko pa tatanggihan? Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sinalubong na ako ng inis na itsura ni Luna.

"Woah! Wala pa akong ginagawa, galit ka na? Ganun mo ba talaga ako kagusto, pancake?"tukso ko ng makapalapit ako sa kanila.

"Wow! Ang lakas ng aircon dhai! Pakipatay nga!"sarkastikong sigaw niya. Alam kong ako ang tinutukoy niyang gustong patayin.

"Ang ingay mo talaga. Mag-thank you ka na lang at binuhat kita papunta sa clinic."asar na sabi ko. Ako na nga itong tumulong wala pang thank you?

Nakita ko namang namula ang pisngi niya pero agad siyang umirap."Tignan mo nga naman, wala talagang thank you?"

"Naku, pwede ba mamaya na ang bangayan niyo at gutom na ako?"sabat ni Seb sabay upo sa gilid ng clinic bed niya.

"Hindi ko alam paano ka nakikipag-away sa lalakeng yan ng gutom, Lu."sabat ni Josh

"Amazona kasi yan, Josh."komento ko kaya biglang may lumipad na unan sa mukha ko. Mabuti na lang nasalo ko."Ano ba! Nagsasalita ang tao dito tapos hahagisan mo ng bagay?!"

"Che! Gutom ako kaya lumayas ka rito! Bawal ka dito!"sigaw nito. Hindi ko alam kung matatakot o matatawa ako sa galit niyang mukha. Hindi kasi nakakatakot. Cute nga kung tutuusin...Ano Frost? Cute?

"Bakit? Ikaw bumili ng mga 'to? Ikaw nag-aya sa akin? Hindi. Si Seb. Kaya shut up ka dyn at kumain ka na lang, ok?"sabay kuha ng fried chicken sa pagkain niya. Dalawa kasi manok niya.

"ANTONIO! MANOK KO YAN!!"sigaw niya sabay bangon para puntahan ako pero agad akong nakatayo at nakalayo sa kanya.

Tumawa na lang kami sa pinaggagawa namin sa clinic. Kami lang ang nasa clinic pero ang ingay ingay na namin. Sisihin si Luna na may sakit! Hahahahaha!

Hindi siya nagthank you, aasarin ko na lang siya.

***

Habang nasa clinic kami kinuwento nila Josh at Luna kung bakit nagkasakit sila. Nagkita daw sila sa mall at nagkasayahan sa paglilibot kaya gabi na sila nakauwi at naabutan ng ulan sa highway dahil hindi nagpagas si Josh. Kaya nabasa sila sa ulan kakahintay ng masasakyan.

Typical Josh, makakalimutin basta masaya.

Hind na ako nagtagal sa clinic dahil mababasag ang eardrum ko sa kakasigaw ni Luna. Kaya pagkatapos kong kumain at asarin pa ng konti siya ay umalis na ako. Dumiretso na kami nila Seb at Josh sa next class. Ang kulit kasi ng lahi ni Josh, imbis magpahinga gusto mag-aral. Ang dahilan niya...

"I'll kick your ass in the dean's lister!"mayabang na sagot niya sa akin.

"Try."hamon ko.

Ganyan kaming dalawa kaya siguro naging magbestfriend kami. Mahilig sa mga challenges.

May kanya kanyang agenda kami pagkatapos ng klase namin kaya kanya kanya uwi rin kami. Ako ang huling naiwan sa parking lot dahil may pinagawa pa ang dean sa akin. Nang matapos ako madilim na.

Dumiretso ako agad sa kotse ko at lumabas na pero may nahagilap ang mata ko sa labas ng gate. Siya.

Bakit siya lang? Saan si Katie? Iniwan niya ang kaibigan niya na may sakit?

Huminto ako sa tapat niya at ngumisi."Alone?"

Agad na nagpalit ang expression ng mukha niya. Kanina malungkot pero ngayon galit na. Ganun ba siya kagalit sa akin at kahit isang salitang sasabihin ko galit na siya?

"Hindi ka sinundo ng boyfriend mo?"tukso ko.

'Sana wala'. Bat ko naisip yun?

Biglang nag-iba na naman ang expression niya. Lumungkot siya ulit pero nagawa pa rin niya akong sungitan."Leave me alone!"

Girls Fact: They will say they want to be alone but the truth is they want you to stay.

Kaya bumaba ako ng kotse ko at hinawakan siya sa wrist niya."Gabi na at ikaw na lang ang nandito. Hatid na kita."sabay hila sa kanya."Bakit ka kasi iniwan ni Katie?"bulong ko sa sarili ko.

"Wag na!"binawi niya ang kamay niya at naglakad papalayo sa akin."Pinauwi ko na una si Katie!" hinablot ko ulit ang wrist niya at hinila siya pabalik sa kotse ko."ANO BA!"ang hilig niya talagang sumigaw.

Bakit nga ba ulit ako napatingin sa kanya nung first day of school ulit? Dahil kakaiba siya sa mga bagong salta ng school? Tsk. Now I regret looking at her that day. Machine gun pala ang bunganga niya eh.

Umangal pa siya ulit pero agad kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya."Shout and I'll kiss you. Agressively."I said with a wicked grin.

Madilim na pero halatang halata ko ang pagpula ng mukha niya. Cute.

Ano Frost? Tsk.

"Pasok na."utos ko at hindi na siya umangal pa. Pumasok na siya sa kotse ko at ganun din ginawa ko.

Tsk, pwede ko naman siyang iwan dun at hayaan dahil hindi na siya bata pero kapag may nangyari naman sa kanya kargo de konsyensya ko naman kaya no choice.

Tahimik lang kami sa lood at hindi siya nililingon. Ano bang dapat kong sabihin? Hays...'tanungin mo muna kaya kung saan siya nakatira, Frost?' isip ko.

Lumingon ako para tanungin siya pero nakatulog na siya! Ang bilis naman!

Tinignan ko ang sleeping face niya. Medyo nakabuka ang bibig niya at nakapout pa. Unconciously I bit my lower lip. Sht! Oo na! Maganda siya, ok?!

It took all of my strenght just to look away and drive ahead.

Seriously, I don't regret looking at her. Naasar lang ako sa nangyayari kasi hindi ko na maintindihan.

Paano 'to ngayon?

--To be continue...

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now