Napabuntong hininga siya at um-oo na lang sa gusto ko. Sinamahan niya ako papuntang canteen, pero pababa pa lang kami ng hagdan ng biglang umikot ang mundo ko at muntik na akong ma-out of balance.
"My ghad, Lu! Ang taas ng lagnat mo!"sigaw ni Katie sa tabi ko ng masalo niya ako.
"Please Kat, wag kang sumigaw. Lalong umiikot mundo ko."
"Sa clinic na tayo didiretso, Lu! Walang ng pero-pero!"
Hindi na ako nakaangal sa kanya at hinayaan siyang dalhin ako sa clinic. Pagkababa namin ng hagdan ay nakarinig ako ng may tumawag sa amin ni Katie. Lilingon na sana ako para tignan ko kung sino yun pero umikot na naman ang mundo ko and the last thing I saw was his face.
***
[Frost]
Ang bigat niyang buhatin ha. Plano ba nilang magkasakit ng sabay talaga? Magkasabay pa namin silang dinala sa clinic. At pareho pa rin silang walang malay. Si Katie naman nasa tabi lang ni pancake at klaro sa mukha nito na nag-aalala ito.
Kay Josh naman, wala. Kaya naman niya ang sarili niya. Konting tulog at gamot lang yan.
"May mga klase pa kayo diba?"biglang sumulpot ang nurse sa tabi namin at tinignan kami ng masama."Ayoko ng mga maiingay kaya pwede?"
Napaatras naman ang mga kasama ko at sunod sunod na nagpaalam. Ako, Seb at si Katie na lang ang natira.
"Seb, Kat, una na ako."paalam ko sa dalawa at tumango naman si Seb bilang sagot.
Bago ako umalis ay sinilip ko ang itsura ni pancake. Second time ko na siyang nakikitang tulog at gusto kong tulog na lang siya parati. Para siyang anghel pag tulog pero kapag gising na, dragon.
Sayang...ang ganda pa naman niya.
Umiling iling ako sa sarili ko at umalis ng clinic."Ano bang iniisip ko?"sinirado ko na ang pinto ng clinic at naglakad papaalis.
Saan na kaya yung iba tumambay? Lilibot na lang ako.
***
4pm pa ang next class namin kaya yung iba kong kasama biglang nawala para tumambay or maghanap ng chicks. Chickstirada na naman ang mga yun.
Naglakad lakad ako sa campus para pampalipas oras dahil matagal pa ang 4pm nang mapansin ko nasa tapat na ako ng clinic. Narinig ko ang ingay at tawanan ng mga tao sa loob. Sila Josh, Luna at Katie. Gising na pala ang mga sakitin.
Bago pa ako makalakad paalis doon nakita na ako ni Seb."Oh? Hindi ka papasok? Samahan mo kami maglunch."sabay taas ng dalawang supot ng Jollibee take-out."Eto gusto namang girls eh."sabay kibit balikat. Naglakad na siya papunta sa pinto at binuksan ito at sumigaw ng.."ANDITO SI FROSTIE BOY!"
Dati sinasabi ni Seb na hindi siya magpapaalila sa mga babae, pero tignan mo nga naman ngayon. Napailing na lang ako at sumunod.
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #8
Start from the beginning
