Chapter One

377 12 8
                                    

MIKA'S POV

It's our first anniversary tomorrow! Muntik sabayan ng finals eh. Hahaha. Kainis. Kailangan ko pa tuloy magstay sa dorm. Saturday night ngayon at ako lang mag-isa dito. Umuwi kasi silang lahat dahil gusto raw makapag-unwind bago magtuloy tuloy ang hell week namin hanggang Tuesday.

Dahil nga Anniv namin at halos si Vic ang puro effort, gusto kong makabawi ngayon. Bukas bandang hapon o gabi raw kasi balik niya. Mga loko rin talaga. Yung hapon sila kanina nagsi-alisan tapos bukas ng hapon din ang balik. Parang bumiyahe lang silang lahat pero bahala na. Makakapagrelax at mababawasan din naman talaga stress mo tuwing nakakasama ang pamilya mo di ba?

I started listing down all the things I need for tomorrow's surprise. Maggogrocery kasi ako at bibili na rin ng ibang gamit sa national bookstore. Napag-isipan ko kasing kahit simpleng candle lit dinner lang ang gawin ko dahil malamang sa malamang pagod na si Vic pagkarating niya at pareparehas pa kaming magrereview. Tss. Bakit kasi trisem pa La Salle eh. Edi sana walang sagabal ngayon sa anniv namin. Edi sana bakasyon na kami pero okay na rin sigurong La Salle. I shouldn't blame La Salle kasi kung hindi dahil dito, hindi kami magkakatagpo ni Vic at hindi magiging kami.

Matapos kong maglista, tinanggal ko na lahat ng appliances sa saksakan, pinatay ko na rin ang mga ilaw, nilock ang pinto at agad pumasok sa medyo brand new kong pulang sasakyan. Yung Suzuki? Medyo brand new kasi 2 months ago lang siya naging akin. Hahaha. Naissue pa nga kami ni Kiefer diyan eh. Paano ba kasi? Ambassador din siya ng Suzuki kaya ayun. Yung mga Miefer Shippers kinilig. Kung alam niyo lang. Magaling lang kaming magtago ni Vic kaya hanggang ngayon akala pa rin nila magbest friends lang kami.

I was about to start the engine of my car nang may naramdaman ako nagvibrate sa bulsa ko. *vibrate, vibrate* Agad ko 'tong tinignan at napangiti naman ako sa aking nakita. Nagtext kasi si Vic. Nakarating na raw sila sa kanila at tinanong na rin ako kung nakarating na raw ako sa amin dahil nag-aalala na siya.

"Patay! Nakalimutan ko siyang itext.", wika ko. Sinabi ko kasing uuwi rin ako ng Bulacan. Isinasabay na nga ako sa terminal eh. Wala kasing may gustong magdrive at magkotse dahil nakakapagod daw kaya lahat sila nagbus. Pero ayun na nga, isinasabay na ako pero sabi ko may hinihintay pa kasi akong text ng kaklase ko. Ay. Bahala na. Makapagreply na nga. Baka mas lalo pa siyang magtaka.

To Baby:

Baby! Medyo kakarating ko lang sa amin. Ang tagal tagal kasi ni Reese kaya late na rin ako nakasakay ng bus. Anw, have your dinner na at magpahinga na rin after. Alam ko namang pagod ka sa byahe. I love you by. I miss you. Can't wait for tomorrow. See you soon.:*

Inilagay ko agad ang phone ko sa bulsa at agad nagmaneho. Ayoko naman kasing magsinungaling kay Ara kaso kailangan talaga eh. Paano ba naman ako makakabawi kung di ko matupad yung plano ko???

Patapos na akong maggrocery at napatingin ako sa cart na tinutulak ko. Ang loser ko. Huhuhu. Kasalanan ko bang favourite food ko lang ang alam kong lutuin? Nyahay. Walang sawang carbonara tuloy ang handa namin bukas. Carbonara at kung ano pang prito. Fried chicken siguro? O kaya crispy pata or lechong kawali. O wag na nga. Maghome made pizza na lang kami pero yung crust bibilhin ko na lang dito.

"Tama na 'to.", bulong ko sa aking sarili at agad nang dumiretso sa may counter. Di naman kasi ako marunong maggrocery mag-isa dahil lagi kong kasama si Vic sa ganito. Hay. Miss ko na siya.

Matapos maggrocery agad akong dumiretso sa national bookstore at bumili ng mga kung anu-anong bagay na pwedeng ipang-decorate sa isa ko pang regal okay Vic. After buying, bumalik na akong dorm.

Gusto ko pa sanang kumain sa mall pero wag na. Matrabaho yung regalo kaya nagdrive thru na lang ako.

ARA'S POV

*riiiiiing, riiiiing*, Ang ingay naman nun!? Ang sarap sarap ng tuloy ko eh.

*riiiiiiiing, riiiiiiing*, at ako'y tuluyang nagising at bumangon.

Inabot ko ang cellphone kong inis na inis pero nang makita ko na kung bakit nagriring ito, napalitan ng kasiyahan ang pagkaasar ko.

"Happy First Anniversary By!", rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Hating gabi talaga tumawag si Yeye. Effort ah. Effort!

"Happy Anniversary din Baby!", sagot ko sa kaniya. Medyo inaantok na rin kasi ako at bumabawi rin kasi ako ng tulog sa mga sunod sunod na gabing pagpupuyat ko dahil sa acads at dahil na rin sa surprise ko kay Yeye. Buti nga di niya ako nahuhuli eh.

"Yun lang by? Walang I love you? Walang I miss you?", pagtatampu-tampuhan niya sa akin. Hahaha. Ganun naman siya lagi eh. Kunwari nagtatampo. Gusto lang magpalambing.

"Labyu! Mishooo!", panloloko ko sa kaniya. Hahaha. Narinig ko naman siyang bumulong ng ewan ko. Basta yung mga binubulong niya kapag naiinis.

"Joke lang ui! Alam mo namang binibiro lang kita by. I love you so much baby! I miss you. Smile na. Kapag di ka pa nagsmile, wala kang kiss sa akin mamaya. Pfft.", medyo pigil tawa kong sinabi. Never naman kasi nangyari yang walang kiss.

"Baka matiis mong walang kiss? Hahahaha.", natatawa niya sinabi.

"Hinahamon mo ata ako by.", nagbabanta kong sinabi sa kaniyan habang sinusubukang gawing seryoso ang pananalita ko.

"Oh sige na. Sorry na. Basta I love you Vicky! I miss you. See you later. Mwaaaah!", sinabi niya sabay halik sa phone niya. Hahaha. Naiimagine ko na tuloy siya ngayon.

"Ang cute mo Ye! Sige na. Baka maya maya sunduin na kita sa bahay niyo. Tulog na. Pag ikaw pumanget mamaya dahil kulang ang tulog mo di na kita mamahalin.", biro ko ulit sa kaniya.

"Minahal mo nga ako kahit patay gutom ako at medyo lokaret tapos kinulang lang ang beauty sleep, di mo na ako mamahalin? Asa Victonara! If I know, mas sobra pa sa baliw ang pagkabaliw mo sa akin. Hahaha. Sige na. Good night na. I love you.", wika niya.

"Good night my princess.I love you too.", sagot ko at saka pinindot ang end call.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

AN: Ano kayang mga surpresa nila Vic at Yeye sa isa't isa?

Kahit labag sa aking kalooban, itutuloy ko na 'tong Holding On To Those Promises. LOL. JK. Ang dami niyo kasing KaRa shippers eh. Hahaha. Kaso readers... Naging makaThomAra ako pero dahil na rin sa sinabi kong wala akong iiwan dito, ipupush ko na rin 'to kaya lang don't expect to much. Bitter pa rin ako sa pag-ibig at medyo isang sako ang problema ko sa buhay kaya ayun. Yun lang.:)))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Holding On Those Promises (Mika Reyes and Ara Galang - Discontinued)Where stories live. Discover now