"Ito na ang huling maririnig ko ang pag-aaway n'yo, Ms. Torres at Ms. Valdez! Huwag n'yong dalhin ang asal-kalye n'yo sa eskwelahan mas lalo sa harap ng mga bisita natin!"

Ramdam ko na hindi pa tapos magsagutan sila Mia at Margaret pero hindi na rin nila sinubukang mas dagdagan pa 'yong inis o galit na nararamdaman ng mga professor at may-ari ng mga school sa kanila.

"Nakapagdesisyon na kami. Kaya Ms.Valdez, pumayag ka man o hindi, hindi na namin babawiin sa'yo ang desisyon eskwelahan na i-expel ka. Kaya kung malinaw na sa'yo ang sinasabi ko, maari ka nang lumabas,"

Nakita ko 'yong pinipigil na galit at sumagot pabalik sa mukha ni Mia pero mas pinili niyang tumalikod na lang at maglakad paglabas ng kwarto.

Pero bago siya tuluyang lumabas ay huminto muna siya sa may tabi ko saka niya ako tiningnan mula ulo ng paa.

"Huwag ka munang magpakasaya, Sitti," pagbabanta niya. "Kung naagaw ako si Kaizer sa'yo noon, magagawa ko rin ulit 'yon. At kung nakaya kitang sirain noon, hindi magbabago no'n ang kakayahin ko na ulitin 'yon."

Napalunok na lang ako do'n sa sasabihin niya pero pinili na huwag na siyang patuluyan.

Siguro kung ang dating Sitti ang sinabihan niya ng ganito ngayon, baka nanginginig na ako sa takot.

Pero hindi na ako nag-iisa ngayon. May mga kaibigan na ako na sumusuporta sa akin at nand'yan din si Kaizer.

Isa pa, kaya rin naman ako hindi masyadong natatakot sa banta ni Mia dahil hindi naman ako naniniwala sa masama talaga siyang tao.

Na kung kaya ni Margaret na magbago, darating din ang araw na magbabago si Mia.

Isa pa, naiintindihan ko rin naman ang galit niya sa akin. Para kasing lumalabas na inagaw ko ang lahat ng kanya. At ngayon nga, dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Margaret, naging sobrang sama na ng imahe niya hindi lang sa mga taga-Eastton kundi para na rin sa mga taga-Eigaku.

"At ikaw naman," napasunod ako ng tingin sa dinuduro ng daliri ni Mia na si Kuya Tobi. "Hindi pa ako tapos sa'yo! May araw ka rin sa akin!"

"Niyaya mo ako mag-date? Sorry, Miss pero hindi ako pumapatol sa bata. Hindi kita type."

"A-anong..." tila napahiya at namumulang sabi ni Mia bago ito tuluyang padabog na lumabas ng kwarto.

"Since we're already settled this problem," muli kong narinig ang boses ng may-ari ng Eastton kaya binalik ko ang tingin ko sa kanila ng mga prof. "Ms. Torres, we're sorry for accusing you without valid proof. At p'wede ka na ring bumalik sa klase mo. Kayong lahat. Kami na ang bahala ka Ms. Valdez and well make sure na hindi niya kayo magagalaw pa... including you, Ms. Sandoval."

Dahil hindi na rin gustong palakihin ni Margaret ang issue ay tinanggap na lang nito nang mabilis ang sorry ng mga professor at nawala na rin dito ang banta ng expulsion.

Hindi ko masasabi na bumalik na sa normal ang lahat pero masaya ako na naging maayos na rin ang problema na nangyari no'ng sports festival.

Speaking of sport festival, ang team nila Kris ang nanalo. Parehas nila kaming natalo sa may soccer at relay. Kahit pa nga sabihin na kakampi rin nila si Mia, hindi naging dahilan 'yon para hindi sila makapag-perform nang maayos sa palaro.

Isa pa, hindi lang naman sa academics magaling si Kris kundi pati na rin sa sports. Idagdag mo pa na miyembro siya ng student council kaya inborn na sa kanya ang mag-lead nang maayos sa mga kagrupo niya kahit sa gitna ng problema. Naging malaking tulong sa pagkakapanalo nila ang team work—na siyang wala sa grupo namin.

At dahil sa natalo kami, ilang beses na nag-sorry sa akin si Kaizer. Kahit pa nga ilang beses ko ring sinabi sa kanya na okay lang sa akin 'yon dahil alam ko naman na ginagawa din naman nila ang best nila, hindi pa rin naging sapat 'yon para sisihin niya ang sarili niya sa pagkatalo ng grupo namin—kahit na ako dapat ang mas nakakaramdam no'n dahil ako ang leader.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now