Umiling si Daddy. "Sasha's a smart girl. I know she can control her self. Diba anak?"

Tumingin siya sa akin. Nag tiim bagang ako at hindi na nagsalita. I was in control before I met Luther. Pero ngaun? Hindi ko na alam. May kung anong humaplos sa puso ko ng tawagin akong anak ni daddy. Eversince? I never heard him call me anak.

"Sa inyo ni Luther mas kilala kita, Sasha.. alam kong gagawin mo ang tama. You'll push Luther coz that's the right thing to do. Ikaw ang babae.. kaya ikaw mag-adjust ikaw ang magsakripisyo."

Tulala akong nakatingin kay Daddy. Lalong nadudurog ang puso ko sa ngiti niya kapag binabanggit ang pangalan ni Luther. Damn. Ayoko ng ganito. Ayoko ng sinasabi niya pero kung ito lang ang paraan para makabalik ako sa bahay at makasama ko siya-- lulunukin ko nalang.

"Huhusgahan kayo ng tao, masisira kayo at ang pamilya. Labag sa batas ng diyos at ng tao kung ano man ang meron kayong dalawa. If you want to bring back your life. You must have to sacrifice."

Hindi ko na mapigilan ang isa isang pagbagsak ng luha ko. Kahit ipilit ko sa sarili ko na kaya ko ito. Iba pa din ang nararamdaman ko. Paano ko ibabalik ang buhay ko kung hawak na ito ni Luther? Kung isasakripisyo ko siya.. wala din? I'm good as dead.

"Hindi kayo matanggap ng pamilya.." dad voice broke. "I'm sorry if this is happening to us.. to both of you.. If I knew it from the start. Siguro.. hindi kayo mahihirapan ng ganito. Pareho kayong mahalaga sa akin, Sasha.. and I'm trusting you that you'll do the right thing." Lumambot ang mga mata ni daddy.

Nakatunganga lang ako sa harap niya habang umiiyak. "Will you please stop your nonsense drama, Sasha?" Halos mapalundag ako ng sigawan ako ni mommy. "Ano ba mahirap sa sinabi ng daddy mo? Jesus! Simple lang naman diba? Magkapatid kayo so it means hindi kayo pwede, end of story. Why need to prolonge this and make it hard for all of us?"

Umiling ako at lalong napaiyak. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko mommy. Kung alam mo lang ang sakit at hirap. I invested so many emotions and feelings para makarating kami ni Luther kung nasan man kami. I managed to passed all the pain and heartaches para lang maging kami.

I worked hard for us. We worked hard. We're at our almost. Tapos gusto mo isang salita lang mabura na yung nararamdaman ko?

She should be the one who's comforting me. Pero bakit si mommy pa ang nagpapahirap sa akin ng usto? Ano ba ang nagawa ko bakit siya ganito?

Marahan king pinahidan ang luha ko. I need to be strong..

"Daddy," panimula ko. Tutok na tutok si daddy sa akin at tila ba tinatanya ang nararamdaman ko.

"All my life nagalit ako seyo dahil sa ginawa mo sa pamilya. I even blame you for everything.. for ruining my childhood and breaking our family. Pero nag-mamakaawa ako. Eto lang dad.. si Luther lang.." halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak.

"Dad.. we've been together for years.. we loved each other. We made each other.  Please. If you want us to go--" hindi natuloy ang sasabihin ko when mom interrupted me.

"My God, Sasha! Are you even hearing  your own self? You're asking for something forbidden." Matigas na salita niya. Nakatingin lang ako kay Daddy na hindi ko mabasa kung anong emosyon ang pinapakita niya.

But, I'm still hoping. Still hoping that he will understand me.

"Kung sa tamang panahon at tamang pagkakataon, Sasha. But this is reality.. magkapatid kayo.. I'm sorry. " tumayo si daddy na mabilis na sinundan ni mommy. I can't move. Pakiramdam ko ay hinang hina ako at bahagyang nahihilo sa sobrang pag-iyak.

It's dark when mom and dad decided to take me home. Mas discreet daw kasi ang pagdating ko mas safe na hindi malaman ng iba na umuwi ako dito. I don't understand, really. Bakit nila ako pinauwi dito kung pinipilit naman nila kaming pag layuin ni Luther? I don't really get the logic.

"Umayos ka, Atasha!" Salita ni Mommy ng pumasok na ang sasakyan sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay napasok ako sa ibang lugar. I used to live here.. why am I suddenly feel that I'm a total stranger here? That I don't belong here.

Maraming body guards ang nakakalat sa labas at loob ng mansyon.

"I'm trusting you, Sasha.." salita ni daddy ng pumarada ang SUV niya sa tapat ng double door entrance ng bahay. Biglang kumalabog ang dibdib ko. I don't know if it is fear or excitement that I will be able to see Luther again.

"Manang, nasan si Kristele at Luther?" Malamig na tanong ni Daddy sa isang kasambahay. Tahimik lang akong nanunuod sa bawat galaw nila. Nakita ko pa ang bahagyang gulat sa mata ni Manang ng makita ako.

"Ahh-- sir.. si Ma'am Kristele po ay nakitulog sa kaibigan. Si  sir Luther naman po--ano, nagkukulong pa din." Halos magkandautal-utal ang matanda sa pagsagot. Bahagyang hinilot ni daddy ang sentido niya at pumikit ng mariin.

"Kumain na siya?" Tanong ni daddy. Umiling ng sunod sunod si Manang. "Hindi pa po sir. Maghapon po siyang hindi kumain."

Nag-igting ang panga ni daddy. "Your son is stubborn too, Yosef." Naiiling na salita ni mommy. Tahimik lang si daddy na bumaling sa akin.

"You rest, Sasha.." salita niya. Hindi ako natinag. Nakatayo lang ako sa harap niya. Hindi kumakain si Luther. Paano kung magkasakit siya? Paano siya lalaban kung mahina siya?

I smiled bitterly remembering our life weeks ago.. After our work, we used to eat our dinner together. We used to be together in everything we do. We shared everything. We shared moments and memories. We shared our lives together.

"Dad, I want to bring him food." Salita ko. Natigilan si mommy at si daddy.

"Hindi kaba nandidiri sa mga sinasabi mo, Sasha? We asked you to stop." Iritable si mommy.

Huminga ako ng malalim at hindi nagpatinag. Yes, they asks me to stop but I never said that I will. Masyado ko siyang mahal para bitawan ng hindi lumalaban.

"I will just bring him food! What's wrong with that?"

"It's wrong to care for him!" Sigaw ni mommy. Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa mga mata niya. Tanging galit at poot ang nararamdaman ko ngaun kay mommy. Why is she acting like this? Hindi ko siya maintindihan.

"So it's wrong to care for my brother now?" Sarkastikong sagot ko. Ang pait sa salita ko ay hindi ko sigurado kung naitago ko.

Mom laugh mockingly na lalong nagpairita sa akin. " Stop your shitty crap, Sasha.. you're going nowhere! Go to your room!" Sigaw niya.

No! Hindi ako papasok hanggat di ko nalalaman na okay si Luther. Yun lang naman. I just want him to fuel him. It's not that I'm going to do sex with him!

Nanatili akong malakas at matigas sa harap nila. I need to be strong because it's the only option I've got.. I need to be strong even if everything around me is falling apart...

Magsasalita na sana si mommy ng biglang nagsalita si daddy. "You go feed him, Sasha. I trust you.."

Hindi ko alam kung iiyak ako or tatalon sa sobrang gulat at saya. "This is insane." Salita ni mommy na tila ba sumuko sa salita ni daddy. Mabilis na tumalikod si mommy na may kung anong sinasabi kay daddy.

Pagod akong tumalikod at pumunta sa kusina. Makikita ko siya. Makakasama ko siya. It's a long tiring day for me but it's all worth it. I guess..

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now