Chapter 7: Pagbabalik

4 0 0
                                    

Chapter 7: Pagbabalik

Sophie's POV

Nag-stay ako sa bahay ni Jerimay. Hindi na ako umuwi, dito na ako makikitulog sa bahay niya.

Kasalukuyan kaming nasa salas at nanonood ng movie.

"Sophie, may gusto ka bang kainin? Baka nagugutom ka?"

"Hmm... medyo. Ano bang meron dyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung gusto mo, gagawa na lang ako ng sandwiches at kukuha ako ng chips para may makain tayo."

"Sige 'yon na lang." Sabi ko sa kaniya at pumunta na siya sa kusina.

Grabe naman itong week na ito. Ang daming nangyari. Starting on monday up until now, I feel weird. Ang daming nangyari. Grabe.

Dumating na si Jerimay na may plato ng sandwiches at may softdrinks na dala, habang sa bunganga niya may malaking bag of chips.

Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti siya pabalik. Umupo siya sa tabi ko at binigay yung sandwich ko.

"Thanks." Sabi ko na may ngiti sa labi ko at patuloy na nanood.

"Namiss ko 'to. Yung tayo lang." Sabi niya na may malambing na tono. Nilagay niya ang kamay niya sa shoulders ko. I snuggled up to her habang nakangiti.

Sobrang saya ko. Hindi ako makapaniwala na magkasama kami na parang...

Nagblush ako at tumingin sa mukha ni Jerimay.

"Jerimay, I want you to stay by my side." Sabi ko habang may pout sa labiko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Always." Sabi niya at binigyan niya ng halik ang aking pisngi. "And don't pout. Pero ang cute mo." Dinuktong niya at pinisil niya ang ilong ko.

"Alam mo, minsan masakit ang pinch mo sa ilong ko." Sabi ko at tumingin sa screen.

"Sorry, can't help it." Sabi niya and she chuckled.

Tapos na kaming kumain at pinagpatuloy ang panonood.

Sa entire duration ng movie, halos wala akong napanood. Paano ba naman kasi, kanina pa ako kinikiliti ni Jerimay, hindi ako maka-focus.

"Ano ba Jerimay! Hahahahaha! Tama na! Ano ba 'yan, hindi ako makahinga!"

Sabi ko sa kaniya habang kinikiliti nya ako. Tumigil naman siya. Salamat tumigil na rin siya.

"Hahahaha! Ang cute mo kaya habang tumatawa, ang sarap mo panoorin." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Ikaw talaga lagot ka sa akin ako naman ngayon." Sabi ko sa kaniya at lumapit ako at kiniliti ko siya sa tagiliran.

Grabe ang lakas ng tawa niya. Tumakbo pa siya sa kusina at hinabol ko naman siya. Paikot-ikot kami sa bahay niya dahil nga hinahabol ko siya.

Pumasok siya sa loob ng kwarto niya kaya sumunod naman ako at kiniliti ko siya.

"Tama na! Hahahaha! Ayoko na suko na ako." Sabi niya habang tumatawa.

"Ano ha?! Gusto mo pa?" Sabi ko habang nakangiti. Medyo natatawa na rin ako dahil nakakatawa ang tawa niya. Masyado siyang masaya.

"Hindi, ayoko na talaga. Pagod na ako." Sabi niya sa akin.

"Hmm... sige. Baba na tayo kasi iniwan nating bukas ang TV." Sabi ko sa kaniya. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila sa kama at niyakap.

"Na-miss ko talaga 'to." Sabi niya sa akin habang nakayakap.

Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang hindi ako makahinga. Ano ba ang nagyayari sa akin?

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 18, 2018 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Sino ba Mahal Ko?!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora