Chapter 5: Awaken

9 0 0
                                    

Chapter 5: Awaken

Sophie's POV

Hinintay ko siya magising. Hindi na ako umuwi sa bahay. Binantayan ko siya buong magdamag kasi gusto ko pagdilat ng mata niya, ako ang una niyang makikita.

Naligo na ako. Buti na lang at may dala akong extra T-shirt sa bag. Paglabas ko ay nandoon si Jane, may dalang pagkain.

"Sophie kumain ka na muna. Baka gutom ka na. May dala akong menudo at afritada." Sabi niya sa akin.

Hindi na ako nag-atubili pa, kumuha na agad ako ng makakain. Gutom na rin kasi ako eh.

"Salamat sa pagkain." Sabi ko sa kan'ya at kinain ko na ang pagkain na dala niya. "Mmm... Ong shayap." Sinabi ko habang nginunguya ko yung pagkain. "Sino nagluto?" Tanong ko nung nilunok ko yung nginunguya ko.

"Umm... Ako." Sabi niya na parang nahihiya.

"Mmm... It's delicious." I complimented. Mga ilang minuto naubos ko na ang kinakain ko at tumingin ako kay Jerimay. "Sa tingin mo gigising na s'ya?" Tanong ko kay Jane.

"Sana." Sagot niya at lumabas na ng kwarto.

Pumunta ulit ako sa tabi ni Jerimay at sumimangot. Yumuko ako at hinawakan ko ang noo ko.

'Sana magising ka na'  Ito ang sabi ng utak ko.

"So... Sophie?" Narinig ko at tumingin ako kay Jerimay na medyo nakamulat na ang mga mata niya.

Nagulat ako at niyakap ko siya.

"Idiot! Alam mo ba na nag-alala ako sayo!" Sinigaw ko sa kanya.

"Bago ka magsisisigaw, tubig." Sabi niya na para siyang paos.

"Oppss. Sorry." Sabi ko na may awkward smile. Kinuha ko yung tubig at ito'y pinainom ko sa kanya. "Ayan. Okay ka na?" Sabi ko na may kalmadong boses.

"Oo. Nasaan ako? Naalala ko na sa bahay ako at..." Tapos biglang naging tahimik.

Tumingin siya sa gilid ng kamay niya at bigla siyang nag-blush. Tumingin siya sa gilid at ayaw niyang tumingin sa akin.

"Oy. Alam ko na yung ginawa mo. Okay ka lang? Anong problema? Kung yung kahapon, sorry. I was wrong and---" Bigla siyang nagsalita.

"Ako nga kasi. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" Sabi niya at umiyak siya. "I'm so confused." Sabi niya at tumingin siya sa mata ko na meron pa ring luha.

Iyong mata niya ay nagpapakita ng lito at kalungkutan.

"Paano ka naging problema? We've been friends for 8 years, you can tell me anything." Sabi ko at sumimangot ako.

"I can't!" Sigaw niya.

"Bakit? Hindi mo na ba ako mapagkakatiwalaan?" Sabi ko na litong-lito.

"Kasi..." Tumingin ako sa kanya.

"Ako ba? Kaya ba hindi mo masabi kasi takot ka na magagalit ako at mas lalo akong lalayo hindi lang dahil sa syota ko 'di ba. Ano?" Sabi ko. Ano ba kasi problema niya?

"Iiwan mo ako! Hindi ko 'yon kaya!" Sabi niya at mas lalo pa siyang umiyak.

Ano bang nagawa ko para maging misreable siya? Pati bakit niya sinaktan sarili niya?

"Hoy. Okay lang 'yan.' Wag kang umiyak." Sinabi ko habang hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi! Yung blade!" Sinigaw niya at pumilit siyang tumayo.

"Hindi! Walang blade at walang maglalaslas dito." Sinabi ko at niyakap siya. "Please. 'Wag mo 'tong gawin sa sarili mo." Sabi ko.

"Wala ka namang pake sakin. Once na malaman mo, gugustuhin mo na akong mamatay!" Sinigaw niya at tinulak niya ako. Tumayo ako at niyakap ko ulit siya.

Sino ba Mahal Ko?!Where stories live. Discover now