Trake the Manliligaw (Part 2)

16.3K 553 111
                                    

"When you are courting a nice girl an hour seems like a second. When you sit on a red-hot cinder a second seems like an hour. That's relativity."     -Albert Einstein

Trake's POV

"Oh, anak ready ka na ba?"

"Kuya! Impress Ate Misha's parents ah!"

"Oo nga 'nak, wag mo muna ipapakita yung kagaguhan mo sa parents ni Misha ah! Pa-good boy ka muna, naku! Pag yang si Misha di mo napasagot itatakwil kita! Ang bait bait at ganda ng batang yun! Wag mo ng papakawalan ah!" 

"Tama si Mama, Kuya! Naku lang talaga! Kakalimutan kong kuya kita!" 

"MAMA! LIESA! HINDI NAMAN AKO MAMAMANHIKAN EH! LILIGAWAN KO PA LANG!" sigaw ko sa kanila

"Kuya! Ang ingay mo!!!" sabi ni Liesa sa akin

"Anak binibigyan lang naman kita ng advice eh, you know Mothers knows best!" sabi ni mama sa akin

"Saka mama, bakit naman kailangan nyo pa akong itakwil pag hindi ko napasagot si Misha... Yung totoo, sino yung anak mo sa aming dalawa?" sabi ko, sabay subo ng pandesal na may palamang butter.

"Ikaw, pero gusto ko pa ding magkaaroon ng manugang na katulad ni Misha." sabi ni Mama sabay higop sa kape nya.

"Mama, high school pa lang kame, manugang na agad nasa isip mo." sabi ko. At inirapan naman ako ng magaling kong kapatid.

"Kuya, alam mo kasi sa lahat ng tinangka mong ligawan si Ate Misha yung pinakaMATINO. Kala ko nga wala ka talagang taste sa girls eh, yun pala natotorpe lang.. Harhar!" sabi ni Liesa my ever very supportive sister.

"Magtigil ka Liesa ah!---" Pinutol naman agad ni Mama yung sasabihin ko.

"Aba, Trake totoo kaya yung pinagsasabi ni Liesa! Yung isa mong niligawan mas matanda ng dalawang taon sayo! At kung makapag make up kala mo coloring book ni Liesa yung mukha! Yung isa naman ka edad mo nga sobrang baba naman ng section! Yung totoo 'nak saan mo napulot yung mga yun?" Sabi ni Mama... Paano nya nalaman nyang mga yan!? At alam nya talaga ang mga mukha ah!

"Mama! Kanino mo namannn...." Unti-unti ng nagsisink in sa utak ko kung sino ang nagsabi...Tinignan ko yung may sala at aba! Painosente pa!

"LIESA!"

"Kinulit lang ako ni Mama, Kuya!" sabat agad ni Liesa the chismosa.

"Magtigil na nga kayong dalawa dyan! Liesa tapusin mo na yang kinakain mo at gagawa pa tayo ng project mo. At ikaw naman Trake dalian mo din ang pagkain mo ng makaligo at pumunta ka na kala Misha! Naku anak galingan mo!" sabi ni Mama sa amin ni Liesa. Tumango na lang kami.

Pero, puta lang! Bigla akong kinabahan! Pano nga kaya kung ayaw na sa akin ng parents ni Misha? Pano kung nagbago bigla isip nila? Pano kung? Pano kung!!!

Facebook Post (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon