CHAPTER 48- UNCONTROLLABLE ATTRACTION

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaya ayun pumasok na nga ako sa bahay nila.

Ok naman ang bahay nila witch. Malaki din, pero mas malaki yung samen.

Umupo ako sa sofa nila..

"Steve..Steve ang pangalan mo diba?!" -tatay ni Evil Witch

"Ah-- o-opo ako po si Steve."

"Trabaho?!" -nanay ni Evil Witch, anu to interrogation?! naknang teteng =__=

"Wala pa po, studyante pa lang."

"So panu mo balak buhayin ang anak ko?!"-tatay ni Evil Witch

"Bakit po patay na po ba sya?! =__=" haha ayos yung sagot kong yun a--

Natigilan ako nung biglang ang sama na ng tingin sakin nung tatay ni Evil Witch. Aw.. masama pala yung biro ko.

"Ah--ehehe joke lang po. Eh kasi naman po hindi pa naman po kami ikakasal ng anak niyo at hindi rin po kami magsyota."

"Hanggang ngayon ba itatanggi niyo parin yan?!" -tatay ni Evil WItch

"Eh sa hindi naman po kasi talag--"

"Daddy! tama na nga yan! Totoo ang sinasabi niya, hindi kami. Nagdedate pa lang kami, wag niyo nga kaming pangunahan. Pa naman eh." napalingon ako sa nagsalita, si Witch nasa may hagdan..

Aw..ang ganda niya. Ba-bakit parang nag slow motion yung pagbaba nya sa hagdan?! Tapos bakit parang may naririnig akong background music?! parang intro ng isang familiar na kanta.. (a/n: pakinggan yung link sa tabi, para maimagine niyo yung naririnig ni STeve! *O* )

Hindi, naghahallucinate lang ako.

Pero hindi eh, may naririnig talaga ako.

Habang nakatingin ako kay Witch..

"Adik sa 'yo"

Pag rinig ko niyan, parang  kuminang yung mukha ni Witch.. aw.. O__O

Awit sa akin
Nilang sawa na sa 
Aking mga kuwentong marathon

Yan ganyan yung nagpeplay na song sa background pagkakitang pagkakita ko kay Witch!

Akala ko talaga imagination ko lang pero tuloytuloy parin yung kanta habang lumalapit sya papunta sa akin.

Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Shet hindi na to normal. Bakit may kumakanta talaga?! waah!

Habang lumalakad si witch, para syang kumikinang kinang tapos siya lang nakikita ko. Nyemas bakit ganto?! O___O

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas

Shet! shet! Tumigil ka ng kanta ka! Bakit ka ba nagpeplay sa utak ko?!

Aw ang ganda ni Witch! Heh! teka anu ba to?!!

Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinaha--

Biglang naputol yung kanta.

E-eh?! napatingin naman ako sa paligid ko. Bakit tumigil yung kanta?! Teka takte, as if ayokong tumigil yung kanta no?!

"Sis anu namang pakulo to?! bakit may patunog pa ng kanta habang lumalakad ako?!"- witch na hawak hawak yung cellphone na inagaw niya kay Katie

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon