CHAPTER 48- UNCONTROLLABLE ATTRACTION

Comenzar desde el principio
                                    

"Talaga?!"

"Oo naman."

"Kahit mahanap mo na yung right girl for you mas mahal mo parin ako?!" humarap na sya sakin

"Hindi ako naniniwala sa right girl na yun. Walang ganun. Kasi lahat ng babae except you, para sakin lahat sila, are just for my own personal entertainment."

"Nako Steve, wag magsalita ng tapos. Ganyan din ang sabi ko sa sarili ko dati na hinding hindi ako magmamahal kasi ayokong masaktan pero wala eh. Nainlove parin ako. Kinaen ko lang din lahat ng sinabi ko."

"Tapos anung napala mo nung nagmahal ka ma?! Niloko ka lang naman ng magaling kong ama diba?! tss.. "

"Well sabihin na nating marami syang babae, pero alam ko na ako, ako lang ang minahal ng papa mo." hindi ko alam kung pano pa nakakangiti si ma habang kinkwento si papa.. Hindi ko talaga magets.

"Tsk.. tama na nga yang heart to heart talk na yan. Malate pa ako sa date ko eh."

"Ikaw dyan ang mabagal pumili ng damit eh. Bakit nga ba masyado mong pinipili ngayon ang isusuot mo huh?! Hindi ka naman ganyan ah?!"

"Sinisigurado ko lang na walang maipipintas sakin yung witch na yun mamaya."

"Witch?! witch ang tawag mo sa kadate mo?!"

"Yeah. Actually we're dating not because we like each other and all, it's just like a game."

"Game? it's just a game? and you're making this much effort which you don't even do for your past dates?! I smell something fishy huh."

"Ang kulit mo ma. It's just ayokong matalo sa kanya kaya nag eeffort ako."

"Yun nga lang ba?!"

"Haynako ma tantanan mo na ako sa mga love love whatever na yan, hindi hinding ko papatulan yang concept na yan ok?!"

"Bahala ka hon. Basta nandito lang si mama kung sakaling di mo na alam ang gagawin mo kasi kinaen mo lahat ng sinabi mo."

"Haynako ma.. malabo talaga yan."

"Hahaha.. sabi mo eh. Ah honey, wear that white long sleeves, I think that'll look good on you." sabi na lang ni ma tapos umalis na sya sa kwarto ko

Sinunod ko naman yung sinabi niya at sinuot nga yun. Well ayos nga to ah. Sa tingin ko eto na lang nga ang isusuot ko.

.

.

Pagtapos kong mag ayos ng buhok at mukha ko eh bumaba na ako at nagpaalam na kay mama. Takte 5:30 na pala! napakatagal ko nga sa kwarto! naknang teteng!

Imbis na yung kotse ang dalhin ko, nagmotor na lang ako para iwas sa traffic.

.

.

Pag dating  ko sa adress na binigay sakin ni Witch, nagdoorbell na ako sa bahay nila.

Peste bakit kinakabahan ako?! Sabagay ngayon lang naman ako nakipagdate na talagang sinundo ko pa mismo yung babae sa bahay nila. Nakupo andito na naman yung mga baliw na magulang  nung Witch na yun. Pati nga pala si Katie nandito, nawala sa isip ko.

Bumukas na yung pinto at ang nagbukas..

"Yo Steve, gwapo natin ah?!" -Katie na wagas ang ngiti pang asar eh =__=

"Tsk, asan na si Witch?!"

"Pasok ka muna, kakausapin ka daw muna nila daddy." -Katie

"What?!"

"Bakit may problema ba dun iho?!" -daddy ni Evil Witch =__=

"Ah wa-wala po..sabi ko nga po eh."

GIRLFRIEND FOR HIRE.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora