Hidden Secrets Revealed

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi na ako natatakot. Tatanggapin ko na kung sino ako. Hinding-hindi na ako kailan pa matatakot, walang mamamatay, walang madadamay." She murmured to herself.

"May sinasabi ka Trixie? Papayag ka na ba sa alok ko?" Kanina pa kasi ito may inaalok sa kanya na sumali nalang sa Dark Sentinels at iwan ang Black Rose Gang. OO, kasali siya sa BRG. "They don't know your worth, dapat kang mamuno, hindi yung ikaw mismo ang alagad. You should rule them, be with me and rule with me." 

Biglang natawa si Trixie sa sinabi niya. Nagtaka naman ito sa inasal niya. "Seriously? Do you even know my worth?" Tanong niya dito. Pero bago pa man makasagot ang kalaban, May sumigaw na lalake nang makapasok na din ito sa loob ng bodega.

"MIKO!!" Sigaw ni MArk na kakarating lang. Nakita niya kasing nakahandusay sa sahig ang kanyang kapatid at duguan ang tagiliran na dinadaluhan ni Darylle.

"Bakit may nakapasok ulit dito??" Tanong ng pinuno ng mga kalaban sa kanyang mga alagad. Pero huli na, Maraming nakapasok sa loob na naging dahilan ng pagsusuntukan at pagpapaluan ng mga bagong dating at ng mga tauhan na dumukot sa kanila."Anong nangyayari?" Gulat na tanong ulit ng pinuno. Natataranta na rin ang dalawang babae sa likod nito at winika ang pangalan ng grupong pumasok sa loob kung nasaan sila. "BLACK ROSE GANG!" Sabi nito nang makita ang Kwentas ng papasok palang na si Riku.

Iilan sa mga miyembro ng BRG ay inalalayan at kinarga ang mga sugatan. May humawak sa balikat ni Trixie, si Darylle yun. Hinihikayat siyang umalis sa pamamagitan ng mga mata.

*BANG!* 

"DARYLLE!/COUS!" Sigaw ni Brix at Xeyrah nang unti unting bumabagsak ang katawan nito sa sahig.

Hinanap ni Trixie ang bumaril dito. Galit na galit siya ng makita ang nakatutok na baril ng pinuno sa mga kaibigan pa nito. Walang pagadadalawang isip niya itong sinugod.

Tinutulak niya ang mga humaharang sa kanyang dinaraanan. Nakita niyang tinutukan siya nito ng baril. Gumulong siya sa sahig para umiwas at natyempohan na sa kung saan siya napunta ay may nakahandusay na katawan doon at nakalabas ang baril nito sa likod na naka-ipit sa pantalon.

Kinuha niya ang baril at sinugod ulit ang pinuno.

"PAPATAYIN KITAAAAAAAA!" Sigaw ng dalaga, habang umiilag at pinagsisipa ang humaharang sa kanya para di makalapit sa pinuno.

"PATAYIN MO! UUNAHIN KO ITONG BABAENG 'TO!" Sigaw nito at binihag ang babae.

"Trixie!" May sumigaw ng kanyang pangalan. Alam niyang si Miko iyon. Kahit na may sugat ito, nakuha parin nitong isigaw ang pangalan niya.

Napatigil ang lahat. Di sila makagalaw dahil sa bihag nito ang isang inosenteng tao.

"Pakiusap, iligtas mo si Kielle!" Sabi nito sa kanya. At muling tinignan ang babaeng bihag.

"Kaano-ano mo ang babaeng 'to kuya?" Bulong ni Trixie sa kanyang sarili. Nakita niya yung babaeng umiiyak na sa takot at nakatingin sa gawi ng kanyang Kuya.

"Ako ang kailangan mo diba? Puwes, sasali na ako sa grupo niyo." Nagulat ang lahat sa sinabi niya, ito nalang ang paraan para mailigtas ang babaeng maliban sa kanya ay importante sa kanyang Kuya. Ayaw niyang malungkot ang ni isa sa mga kapatid niya.

"Pero Trixie!" Tutol ni Riku, pero nginitian lang siya ni Trixie.

Biglang tumawa ang pinuno. "Ngayong nandito na ang BRG, ang mga boss, si Uno (Mark), si Dos (Riku) at ang panghuli *laugh* na may pinagkakaabalahang babae na alam niya namang madadamay sa gulo ng buhay niya. Si Tres *evil smirk* , pano kapag kunin ko siya sa harap mo mismo, ha? Tres?" Diniin niya ang baril sa ulo ni Kielle. Napapikit si Kielle. At galit na galit naman si Miko.

"OO, Trixie. Maliban sayo, may mahal nang iba ang Kuya mo. *Laugh* Hindi na ikaw ang importante sa kanya." Natawa si Trixie sa sinabi nito. "Hindi ka ba nagagalit dahil hindi na ikaw ang first priority ng kapatid mo?"

Mas lalong tumawa si Trixie. "Sabihin mo nga kung hanggang saan ang alam mo tungkol sa BRG? Si Uno, Dos at Tres. Ang mga kapatid ko ay malalakas, alam niyo yun at hindi ako nagkakamaling may napupusuan ang kapatid ko, PSH. Tao ang kapatid ko, wag kang bobo! Di mo matatakot ang BRG sa ganyang paraan, pinuno ng Dark Sentinels. Inuulit ko, hanggang saan ang alam mo sa BRG?"

Hindi makasagot ang pinuno, tumama lahat ng nasa isip ni Trixie. Wala itong alam tungkol sa BRG. Gayong may usap-usapan na iba ang BRG.

"Ha! Ang alam ko ay wala kang kwenta sa grupong iyon, di ka marunong lumaban, takbo ka lang ng takbo, konting self defense. Sa isang salita, dekorasyon ka lang sa grupo nila, dahil ikaw ang kapatid." Kampanteng sagot nito sa kanya. Tumawa ng malakas si Trixie.

"Trixie, wag mong sabihin na nakakaalala ka na?" Tanong ni Mark sa kanya.

"So what, kapatid? Takot kang bumalik ako sa dati? Kaya pinahypnotize niyo ako?" Pagbabalik niya ng tanong. "Kaya ba ang nasa alaala ko, na heart broken ako at nagmukmok sa china at ayaw nang makipag-usap sa mga tao?" Natatawa siya sa mga naaalala niya.

"Ano yang pinag-uusapan niyo? Anong ibig sabihin nang nakakaalala ka na?" Tanong naman ni Keith. Trixie just smiled. Ngiting di pa nila nakikita sa mga labi nito.

"Hello~~~! UNDERGROUND SOCIETY! I am finally back! Zero's back!"

"Zero? Ang inner leader ng BRG! SO, totoo nga ang usap-usapan tungkol sa pinakapinuno ng BRG!" Gulat na wika ng isa sa mga babae na nasa likod parin ng pinuno.

"Sorry for the delay, I'm Zero. Black Rose Gang's true leader *evil smirk*"

=====================================================

a/n: I know right?? It's pretty lame?? haha./ neweys, nag malfunction si utak kaya ganito ang naisulat niya XD

hope na gusto niyo? XD

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon