"Mahal ko si lopez." Humahagulgul na sabi ko.

"Love love love! Loving can hurt  chloe. Itatak mo yan sa isip mo. Wag kang makasarili! Kailangan ko siya, maawa ka naman. Nahihirapan na siya, pakawalan mo na siya."

"H-indi ko kaya."

"Kayanin mo!" Sigaw niya, bigla naman akong napaupo sa sahig at umiyak ng umiyak. Nakapag desisyon na ako. Para to sa ikakabuti ng lahat, sana lang maging masaya si kyla.

Ngayon, iisipin ko 'yong makakabuti sa taong kailangan ng mahal ko. Kung kinakailangan na pakawalan ko si lopez. Papakawalan ko siya, kailangan siya ni kyla. Kung kailangan ko si lopez meron pang mas nangangailangan sa kanya na mas importante pa sa akin... at si kyla 'yon. Kung kami talaga sa huli, gagawa ng paraan ang tadhana para ipaglapit kami. If you love someone you need to sacrifice. Ika nga nila, I love lopez and I need to sacrifice it, alam ko naman na nahihirapan na siya.

"M-asakit man na pakawalan si lopez, pero nakapag desisyon na ako. Sige, papakawalan ko na siya. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya mamahalin, I love lopez and I always do."

"T-hank you chloe. Maraming salamat!"

"Hindi lang para sayo ang ginawa ko kyla, para din kay lopez. Alam ko naman na nahihirapan na siya eh. Kaya sana gumaling kana." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Maraming salamat." Rinig kong sabi niya bago ako lumabas.

Habang naglalakad ako bigla ko naman nakasalubong si lopez.

"B-abe? Anong ginagawa mo dito? Bakit umiiyak ka?" Nag aalalang tanong niya at pinunasana ang luha ko.

"Lets break up!" Mahinang sabi ko at saka tumulo ang luha ko. Bigla naman kinuha ni lopez ang kamay niya sa mukha ko at hindi makapaniwalang lumayo sa akin.

"N-o. Hindi, no way!" Sigaw niya

"I said lets break up!" Sigaw ko at umiyak ng umiyak.

"No no no! Fuck! No way! May nagawa ba akong mali perez ha? Tell me? Bakit nakikipaghiwalay kana sa akin? Dahil ba 'to sa hindi ko pagtawag sayo at pag text sayo? O dahil ba to sa hindi ko pagbati ng monthsary sayo? Kung ganun patawari—"

"Its not like that! Hindi ganun 'yon!" Humahagulgul na sabi ko.

"Kung ganun ano 'yon? Putcha! Sabihin mo naman perez para itama ko yung mali ko." Umiiyak na sabi ni lopez. Mas lalo naman akong napaiyak, looking him while crying makes my heart broken.

"I will let you go lopez. Alam kong nahihirapan kana, kailangan ka ni kyla." umiiyak na sabi ko at saka hinapos ang mukha niya.

"No, alam kong nagbibiro ka lang. Perez please, don't let me go. Kailangan kita." Umiiyak na sabi niya, napakagat naman ako sa labi ko. Why do I hurt when I see him crying like this? Its hurt!

"Mas kailangan ka ni kyla lopez, please. Papakawalan na kita para hindi kana mahirapan."

"You're the one who fit in my life and you're the one I want. Please, nagmamakaawa ako sayo perez. Wag mo naman akong pakawalan. Wag mo naman akong hiwalayan." Umiiyak na sabi niya habang sapo ang mukha ko.

"There are certain people who are not meant to fit in your life, no matter how much you want them to be. Goodbye lopez." Sabi ko at ngumiti ng konti sa kanya.

"I love you perez. Please don't do this for me."

"I love you too lopez and I always do, that's why I'm letting you go. I’ll say goodbye this one last time. But now that I’m not really saying goodbye because in my heart I will still always love you lopez."  Umiiyak na sabi ko at tumalikod sa kanya. Habang humahakbang ako nararamdaman ko 'yong tusok ng kutsilyo sa puso ko. Ang sakit sakit.

90 Days With Him Where stories live. Discover now