Chapter 31

1K 30 0
                                    

Chloe's POV

Nang makarating kami sa tapat ng hospital bigla naman akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero kinakabahan ako.

"Baby, are you okay? You look pale." Nag aalalang tanong ni daddy sa akin.

"I'm fine dad. Sige lalabas na ako dad, may kakausapin lang ako."

"Sige, magiingat ka."

"Opo." Sabi ko at lumabas ng kotse, habang papalapit ako sa hospital pakabog naman ng pakabog ang dibdib ko.

Nang makarating ako sa nurse station tinanong ko kung nasaan ang room si Kyla Cain at sinabi niya naman na room 301. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni kyla, bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang room niya.

Bigla naman akong napatakip ng kamay sa bunganga ko ng makita ang mukha ni kyla. Oh my gosh, she look pale. Nangangayat narin siya, 'yong mukha niya putlang putla. 'Yong buhok niya nalalagas narin. Gosh, bigla naman akong nakonsensiya. Naaawa ako sa kanya.

"A-nong ginagawa mo dito? Kung nandito ka para kutyain ako, sige. Kutyain mo lang ako hanggang sa mapagod ka." Mahinang sabi ni kyla. Bigla naman akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"No, hindi ako pumunta dito para kutyain ka. Pumunta ako dito kasi gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo. Kyla I'm really sorry." Sabi ko at pinisil ang kamay niya. Bigla naman siyang umiyak ng umiyak.

"C-hloe, alam mo ba ang swerte swerte mo dahil madaming nagmamahal sayo. May pamilya ka na nagmamahal sayo, mga kaibigan at si bryle na nagmamahal sayo." sabi niya na umiiyak

"Ma swerte ka din naman kyla. May mga tao din namang nagmamahal sayo." Sabi ko at pinunasan ang luha niya.

"C-hloe, may hiling sana ako sayo bago man lang ako mamatay."

"Ano ba kyla! Wag mong sabihin 'yan, hindi ka mamamatay!"

"P-lease.... C-hloe nararamdaman ko na malapit na akong mawala, sana pag bigyan mo ako. P-lease." Umiiyak na sabi niya. Bigla naman akong kinabahan.

"A-no ba 'yon?" Tanong ko sa kanya na kinakabahan.

"C-hloe maawa ka, pakawalan mo na si bryle. Kailangan ko siya chloe... s-iya nalang ang meron ako pero kinuha mo pa. C-hloe nag mamakaawa ako sayo hiwalayan mo na si bryle. Kung mahal mo siya dapat mo na siyang pakawalan, nahihirapan na siya chloe. Nakikita mo ba 'yon? Please chloe, pag namatay ako sayong sayo na si bryle." Sabi niya na humahagulgul. Bigla naman akong napatayo at lumayo sa kanya.

"NO! Hinding hindi ko siya iiwan, mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si lopez, hindi ko kayang iwan siya." Sabi ko na umiiyak. No way, kahit anong mangyari hindi ko siya iiwan. Mahal na mahal ko siya.

"C-hloe hindi mo ba nakikita? Nahihirapan na siya! At dahil sayo 'yon, kung hindi ka lang sana dumating sa buhay niya edi masaya sana kami. Kailangan niya ako chloe, kailangan ko din siya. P-lease chloe nag mamakaawa ako. Pakawalan mo na siya."

"Kung kailangan mo siya, kailangan ko rin siya!" Sabi ko na umiiyak.

"Ganun kana ba kamakasarili ha? Ha chloe? Wala ka na bang iniisip kundi 'yong sarili mo? C-hloe kailangan ko si bryle, mamamatay na ako. Isipin mo naman 'yon. Pag namatay ako wala ng gugulo sa inyo ni bryle."

Bigla naman akong napatahimik, ganun naba ako kamakasarili? Iniisip ko lang ba yung sarili ko? Iniisip ko nga lang ba ang kapakanan ko? Iniisip ko lang ba 'yong pagmamahal ko? Ni hindi ko ba maisip na may taong mas nangangailangan pa kay lopez? Si kyla na walang pamilya, si lopez lang 'yong meron siya pero inagaw ko pa. Ganun naba ako kasama?

90 Days With Him Where stories live. Discover now