Hel

599 13 10
                                    

Please like my facebook fan page at https://www.facebook.com/helrosegallardo. Sana magustuhan nyo. Feel free to put your comments and ratings for my work.

.

.

.

.

.

.

Unang Kabanata

Ang Paghahanap ng Nawawala

Ang araw na ito ay katulad din ng mga araw na lumilipas sa kanyang buhay. Kailangang gawin ang mga bagay-bagay kahit na nakakabagot ito. Monotonous kung baga. Nakakasawa din kung minsan. Lalo na kung walang katuwang. Pero ito ang bokasyon na iniatas sa kanya, at buong husay niyang ipinakita ang kanyang kakayahan na gampanan ang trabahong ito. Sa hinaba-haba ng panahon ng kanyang paglilingkod, nakaramdam siya ng pagod. At minsan, sa kanyang pag-iisa, lihim niyang inaasam na magkaroon ng kapalit. Yung tipong tuturuan niya ng mga pamamaraan ng kanyang ginagawa, at magiging magaling ito tulad niya. O mas higit pa. Ito ay naaayon sa propesiya na may sugong darating upang ipaglaban ang mga naaapi. Ngunit ilang taon na siyang nag-aantay sa wala.

Sa kanyang harapan ay minamasdan niya ang isang malaking libro. Hard bound ito, kulay itim ang pabalat. May mga salitang nakasulat dito at nakalimbag sa alibata. Alam niya ang mga salitang ito. Ordinaryong salita. Ngunit sa iba, ito ay nakakapagbigay ng hilakbot at di karaniwang pinag-uusapan.

Sinalat niya ang harapang pabalat ng libro. Hinimas ang mga letra ng alibata. Idiniin ang mga mabutong mga daliri. Napapikit siya. Sa kanyang bibig ay lumabas ang mga katagang nasa Latin. Nagliwanag ang mga letra ng alibata. Isa-isa, hanggang sa mabuo ang salita. Iniangat niya ang kamay at kusang nabuksan nag libro. Nagsimulang lumipat ang mga pahina, parang may hinahanap. Tumigil na ang mga pahina sa paggalaw. Minasdan niya ang pahinang tinigilan nito. Lima. Lima ang nakatakdang sunduin sa araw na ito. Nangunguna sa listahan ang ang isang isang ginang na may stage four cervical cancer, ang ikalawa ay isang teenager na iniwan ng boyfriend, ikatlo, ang lalaking nakasakay ng motor na lasing, ikaapat, ang holdaper na hinahabol ng pulis at ang huli ay ang batang tatlong taon na may leukemia. Ang huli sa susunduin ay yun ang pinakaayaw niya. Sa trabaho niya, bawal gamitin ang emosyon. Pero sa mga ganitong pagkakataon, bigla siyang nakakaramdam ng awa. Sa murang edad, bakit kailangan nilang magdusa? Pinilit niyang pairalin ang kanyang pusong bato. Simulan na ang pagtratrabaho.

Sinuot niya ang kanyang balabal. Kinuha ang kalawit na nakasandal sa pader. Matalas ang dulo nito. Nakita niya ang kanyang repleksyon sa talim nito. Nakita niya ang lamlam ng kanyang mata, blankong ekspresyon at malamig na katauhan.

Bitbit ang kanyang orasa, sa ikawalong paglipad ng kanyang labindalawang pakpak, narating niya ang unang susunduin. Nakita niya ang ginang na may cancer, si Aling Gloria. Nakaratay ito sa isang malambot na kama sa kanyang tahanan. Malamang ay nawalan na ng pag-asa ang mga kaanak nito na manatili at ipagamot pa sa ospital. Matangkad na babae, maputi at maganda. Malamang ay naging artista ito nung kabataan niya. Sa tantya niya ay nasa 65 anyos na ang ginang na ito. Sobrang payat nito at comatose na. Halatang hindi na ito nakakakain ng maayos. Napakataas ng lagnat at hindi na regular ang tibok ng puso. Malungkot ang mga taong nakapaligid sa kanya. Yung iba, umiiyak.

Ibinaligtad niya ang orasa, ito na ang hudyat ng pagsundo. Bumibilis na tibok ng puso ng ginang, hinahabol ang hininga. At sa huling hugot ng hininga ay bumulong siya sa tenga nito.

"Oras na."

Sa isang iglap ay hawak na niya sa kamay ang ginang. Lumipad sila at hinatid sa kanyang destinasyon. Ikalawang kliyente naman.

HelWhere stories live. Discover now