Agad naman pumagitna sa amin si Josh -- as always -- at nilayo kami sa isa't isa. Sobrang delikado daw kami kapag nagkakasama eh. Pinaupo naman nila kami ni Katie sa reserve seat malapit sa team nila.
Hinila naman agad ni Josh si Antonio palayo dahil alam niyang hindi kami titigil kapag walang papagitna sa amin. Pero kahit malayo na siya, nagpalitan pa rin kami ng matatalim na tingin. Kaasar siya eh! Sumenyas ba naman na flat chested ako!
ASAR!!
***
Nasa 4th quarter na sila ng mainjured si Antonio dahil naout of balance siya sa pagrebound at nadaganan siya ng nasa harap niya. Nasprain ang paa niya kaya diniretso siya ng coach niya sa clinic ng school na malapit lang sa Gym.
"Tara!" Hindi pa ako nakakapagreact ay agad akong hinila ni Katie paalis sa pwesto namin at sumunod sakanila.
Pagkapasok namin ng clinic ay narinig namin agad ang sigawan nila.
"But Coach! Kaya ko pa maglaro!"--Antonio
"Hindi ka nga makatayo ng maayos! Anong gagawin mo sa loob ng court?! Uupo?!" nakakabingi yung sigaw ni Coach pati yung nurse na naka-aasign, mukhang natakot. "Sa ayaw at sa gusto mo, dito ka lang!"
Lumabas na si Coach sa kurtina na nakatakip sa kama na hinihigaan ni Antonio. Pagkalabas niya nakita niya kami sa entrance ng clinic.
Lumingon siya saglit sa nurse. "Don't let him stand, ok? Babalik na ako sa Gym at gusto ko pagkatapos ng game makikita ko pa rin siya dito." tango lang nasagot ng nurse. Naglakad naman siya patungo sa pwesto namin. "And you two, alam kong kaibigan niya kayo. Pwedeng kayo na bahala sa kanya? Kahit isa lang sa inyo ang matira."
"Ahh! Ok po! Si Lulu na ang bahala, sir!"sabay salute ni Katie.
At ano daw?!
"Anong ako?!!"
BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #5
Magsimula sa umpisa
