At siya naman itong nagdrama. Nahulaan ko lang ang pangalan niya, galit agad?!

Antonio Frost C. Araneta..

"PFFFFT! BWAHAHAHAHAHA! ANTONIO!! ANG BANTOT!!" At di ko na talaga napigilan. Ang bantot lang eh! Antonio! HAHAHAHAAHA!

"ARGH!! FLAT CHESTED!"

Ganyan lang ang routine namin. Magsisimula kami sa konting asaran sa damit, buhok, pabango, librong hawak, pagkain, inumin, notebook, ng nakaraan namin at kung anu-ano pa at magtatapos sa simpeng 'FLAT CHESTED' at 'ANTONIO BANTOT'.

Hindi pa kami tatahimik kapag di umaalis ang isa sa amin. At syempre ang unang umalis ay talo. At ayokong matalo!

****

"Huy. Anong iniisip mo dyan? Bat nakakunot na naman ang noo mo?" tanong ni Katie habang naglalakad kami patungo sa canteen para sa late lunch namin.

"Ha? Wala. Iniisip ko lang kung anong kakainin ko."

"O baka naman si Frost?" ngising sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Argh! Wag mo nga akong sundutin dyan!"sabay palo sa kamay niya."Alam mo namang may kiliti ako dyan eh!"

"Aminin mo na kasi na gusto mo siya! Hehehe."

"Yack! Wala kaya!"I said with a disgust look." Crush ko siya DATI, pero I will never fall in love with a Manyakis with a bantot name!"

"Are you sure?"this time, ibang boses na yun. Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses at TA-DAH! Demonyo ang nakita ko!

Twisted Red String (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang