Hindi ko alam kung bakit natatawa ako habang umiiyak. Ayokong tanungin ang opiniyon ni Kristele. It is enough for me to know that she's there.

"Masyadong bantay si Luther, Sasha.. your dad is so afraid that Luther might run away." Titig na titig ako sa labas ng gate namin na napapalibutan ng mga guards. Bakit ganito? If dad continue all of this? Masasakal si Luther. He might do the thing that he's afraid the most. Hindi kaya ni Luther ng ganyan.

Napahigpit ang hawak ko sa seatbelt na nakakabit sa akin. Gustong gusto ko nang lumabas ng sasakyan at tumakbo papasok ng bahay at yakapin siya.

"Can you move a little?" Sagot ko. Kumunot ang noo ni Draco.

"Sasha.."

"Trust me. I can't just seat here and watch him from afar Draco. Kabisado ko ang pasikot sikot ng bahay.."

Isang mura ang pinakawalan ni Draco pero sinunod naman niya ang sinabi ko. Kahit papano.. lumalakas ang loob ko dahil sa kanya. Hindi ko naman kailangan na suportahan ako ng buong pamilya na alam kong hindi mangyayari. I just need one.

Pina-ikot ko sa likod ang sasakyan niya na wala nang bantay. May blind spot pa din. May paraan pa din para makita ko siya.

"Are you crazy? Lulundag ka jan?" Gulat na gulat na salita ni Draco ng umakto ako na aakyatin ang pader.

"I don't have a choice."

Umirap si Draco. Kung tama lang ang pagkakataon ay kanina pa ako matatawa sa kabaliwan na ginagawa ko. Pero wala naman dahilan para matawa ako diba?

"Why don't you wait for him to come to you instead?" Iritable na siya. How can he come to me kung madami siyang bantay?

Pareho kaming natigilan na may narinig kaming tumalon mula sa pader. Mabilis na bumalot ang panglalamig sa katawan ko.

"Dude," lalo akong nanghina ng marinig ko ang boses niya. Kahapon lang kami huli nagkita but it feels like we didn't see each other for a long time.

"You have ten minutes," tumango si Draco. Hindi ko alam kung paano ako haharap o kikilos. Kanina lang ay parang tanga ako na halos lumundag sa bakod pero eto siya sa harap ko ay hindi ako makakilos.

"Sasha.." napapikit ako ng madiin ng tawagin niya ang pangalan ko sa malambig na paraan. Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko.

Lalo akong natigilan ng lumitaw si Luther sa harap ko. Ang puso ko ay parang dinudurog ng makita ko ang pagod na itsura niya. Maitim ang ilalim ng mata but he still manage to look good.

"I love you.." bigla ko siyang niyakap kaya napasinghap siya. Ang luha ko ay parang gripo na sa pag-agos ngaun. Huminga ng malalim si Luther at niyakap ako pabalik.

"We don't have much time to talk about what the fuck happened, Sasha.." malumanay na sabi niya.  Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahidan ang luha ko. Tinitigan ko siya. Wala akong maramdaman na kahit anong pakiramdam bilang kapatid niya. Ang tanging nararamdaman ko lang ay mahal na mahal ko siya.

"Nakita niyo si Sir Luther?" Sabay kaming napatingin sa radio na hawak niya. Nagpakawala ng mura si Luther.

"Hindi ko alam kung bakit nangyari ito, Sasha.. hindi ko matanggap na kapatid kita. Ayokong tanggapin na kapatid kita." Basag ang boses ni Luther. Lalo akong nadurog sa itsura niya. He's not just hurting. This is a big blow for him. At naiinis ako dahil hindi ko siya pwedeng damayan.

" Do you love me?" Tanong niya. Tumango ako ng sunod sunod. Pagod siyang ngumiti at hinalikan ang noo ko.

"I will figure this out, Sasha.. kahit kapatid kita ipaglalaban kita. Just give me some time Sasha.. bigyan mo lang ako ng oras at lalayo tayong dalawa." Tumango ulit ako.

"Wala si Sir Luther.." salita ulit sa radio na hawak ni Luther.

"Wag mo akong susukuan, Luther.. hindi ko kaya.." biglang salita ko. Gumuhit ang sakit at galit sa mga mata ni Luther tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"I wanna hear you say you love me, Sasha.." bulong niya. " I love you.." salita ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Rinig na rinig na dito ang ingay sa loob ng mansyon. Si Draco ay natataranta na din lumapit sa amin. "Sasha, we need to go."

Kumawala sa yakap si Luther. Ayoko. Ayoko siyang pakawalan pero nagtitiwala ako sa kanya. Umarko siya na aakyatin ang pader ng hawakan ko ang pisngi niya.  "Don't give up." Pagod kong sabi. Namula ng bahagya ang mga mata ni Luther at malungkot na ngumiti. " Hangga't may  dahilan ako para ipaglaban ka.. hinding hindi ako maghahanap ng dahilan para sukuan ka."

----------

Sorry mabagal ang ud ko ngaun.. medyo busy..

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now