I was expecting about the news to spread like wildfire pero ni isa ay walang bakas.. anong nangyari? Bakit wala?

"Your dad paid the media."

Napalingon ako kay Darton na lumabas nalang kung saan. So.. kaya pala walang bakas ng ano mang nangyari kagabi. Of course dad won't let anyone knows kung ano ang nangyari sa dalawang anak niya. It will be a huge slap to our family. Kung matatanggap ng tao ang ginawa niya..

Hindi ang samin ni Luther. It's disgusting and forbidden for others.. pero wala akong pakialam sa kanila.

Pagod akong tumango kay Darton. Bahagya siyang umabante para umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya habang titig na titig sa akin. Sa pamilya ko-- Draco and Darton witnessed what Luther and I had been through. Kaya sa pamilya sila lang ay may alam kung anong pinag daanan namin dalawa.

"Oo," sagot ko.

Huminga siya nang malalim na tila ba nag-iisip ng tamang salita na sasabihin sa akin. Jesus! I don't want everyone to pity me.

"Anong plano mo?" Tanong niya. Natigilan ako. Plano? I don't have any.. hindi pa din ako naniniwala na kapatid ko si Luther. I love him.. kahit masagasaan ko sila, malaman ko lang na mahal pa din ako ni Luther, lalaban ako hanggang mangyari yung kaming dalawa.

Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin  nilang lahat dahil kapatid ko siya. Luther's thoughts and feelings will only matters to me.

"Wala akong plano. Walang nagbago.. mahal ko pa din siya.." sagot ko. Bahagyang napauwang ang bibig ni Darton.

"Sasha.. magkapatid kayo. Nahihibang kana ba?" Iritadong sagot niya. Umiling ako. Sunod sunod na pag-iling. "Mahal ko siya."

Halos mapapikit ako ng hampasin ni Darton ang lamesa sa harapan ko. "Damn it, Sasha! Your feelings is forbidden. I thought you know better.. hindi mo kayang kalabanin ang pamilya."

"Why can't you just support us?" Galit na sagot ko. Umiling si Darton tila ba dismayado sa sagot ko. "I was there for the two of you.. sinuportahan ko kayo dahil naniniwala ako sa inyo. But now? Things were different.. hindi na kayo pwede. Wag mo nang ipilit yung kayo kasi kahit anong mangyari you'll both end up in never." Dismayado ako sa sagot niya. Of all people nagtiwala ako na maiintindihan niya kami. I guess I was wrong.

Isang isa na naman tumulo ang luha ko. Bakit kailangan mangyari sa akin ito? Bakit kailangan siya ang maging kapatid ko? Bakit kailangan mahalin ko siya ng sobra kung hindi naman pwede? This is so unfair! Hindi ko na kaya.. hindi ko kayang mawala siya.

Maghapon akong tulala sa kwarto habang tinitignan ang huling message ni Luther. After years of waiting for him to say that he loves me malalaman ko na kapatid ko siya?

Draco texted me and said na mahigpit ang security sa bahay. I smiled bitterly.. how funny it is na kahit ako ay bawal pumasok sa sariling bahay ko.

I can find ways though. Ang sabi niya ay marami ding guards na nakapalibot kay Luther. It's impossible for us to see each other pero susubok ako. Kabisado ko ang bahay..I just need someones help para ma-divert ang atensyon ng bantay ni Luther sa kanila.

Natigilan ako ng biglang may message galing kay Kristele.

Kristele

- ate? How are you? Ummhh.. sorry for not being beside you.. ang daya noh? I want to get mad at kuya Luther. Pero alam kong mahal mo siya kaya ayoko siyang awayin. Ayoko siyang awayin kasi lalo ka lang masasaktan..

Kuya Luther..

Ang pait pait ng pakiramdam ko nang banggitin ni Kristele iyan. Am I supposed to call him kuya too? Damn it!

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now