Kabanata XXXVIII

Magsimula sa umpisa
                                    

"Damn this woman." He groaned.

"May sinasabi ka ba?" Mataray kong sabi sa kanya pero pabiro lang iyon.

"Wala!" He snorted.

"Okay, smile." I told him and focused my phone to him.

Nakasuot siya ng sun glasses at kahit hindi ko nakikita, batid kong inirapan niya ako.

"You're not smiling, Hobelio!" I told him.

"Stop calling me that name, Nathalia!" He whined.

"I said smile! You're making this hard for yourself. Kung ngumiti ka na sana, e 'di natapos na kanina pa ang paghihirap mo." It's my time to roll my eyes.

"Fine!" He told me and forced a smile. I took several photos of him before helping him.

"Sige na, tanggalin niyo na ang buhangin sa Kuya Pogi niyo." I told the three kids and they immediately removed the sands on top of him.

"Damn!" Mura niya nang makatayo at magtatalon para matanggal ang buhangin sa katawan niya. He's just wearing a board short and he's topless.

Namula lang ang buo niyang katawan at hindi naman siya agad nangitim. Uminom ata ang lalaking ito ng sun block.

"Scratch my back, Nathalia, nangangati ako." Reklamo niya sa akin.

"Hindi mo kaya?" Tanong ko sa kanya.

"I told you, my biceps are too big." Pagmamayabang niya. Wala naman akong nagawa kung hindi kamutin ang likod niya at pagpagin na rin ang buhangin na kumapit sa katawan niya.

I had a chance to touch his body and believe me, it feels like touching a solid hard rock. Tigas ng muscles!

"Ate, nagugutom na po kami." Napalingon ako sa kanila nang muli nila akong kalabitin.

Tinapunan ko naman sila ng ngiti. "Tara, ililibre tayo ni Kuya Pogi." Sabi ko sabay tingin kay Hobelio na nakasimangot naman ngayon.

"Pagkatapos niyo akong ilibing? Ha!" He snorted.

"Kuya sabi ni Ate ganda, mabait ka raw at mayaman." Ani Jonvic kay Hobelio.

"Oo nga po, Kuya. Sabi pa po niya ang gwapo niyo raw po." Nakita ko namang namula ang mukha ni Hob o sadyang mapula na talaga siya dahil sa pagbibilad sa araw? Mabuti na lang at marunong ang mga batang ito na mang-uto.

"Tatanggihan mo ba ang mga bata?" I gave him a sweet smile.

"Fine!" Aniya at tsaka naunang maglakad.

"Tara na, ililibre na niya tayo!" Sabi ko at tuwang-tuwa namang nagtatalon ang mga bata.

"Ako na nga ang inilibing, ako pa ang manlilibre, pambihira!" Narinig kong reklamo ni Hobelio habang nauuna siyang maglakad.

Hawak ko naman sa magkabilang kamay ko si Jonvic at Gelo, habang si Joey ay pilit na kinakausap si Hob.

"May sinasabi ka ba, Hobelio?"

"Wala!" Labas sa ilong niyang sabi.

Hanggang sa makarating kami sa isang kainina, puro reklamo lang ang lumalabas sa bibig niya.

"Ang daming pagkain!" Their eyes were glittering while looking at the food we ordered. Gutom na rin kasi ako at minsan na lang naman din ako makakain ng ganitong karami kaya sinulit ko na.

"Sige na kumain na kayo, alam kong gutom na gutom na kayo." Sabi ko sa mga bata at nagmadali naman silang kumain.

Tinignan ko si Hob na nasa tabi ko at nakasimangot pa rin hanggang ngayon.

ConstantlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon