Kabanata XXXVIII

137K 4.4K 279
                                    

XXXVIII

Tawa ako nang tawa habang tinatabunan ng buhangin si Hobelio ng mga bata. I've decided that I will permanently call him Hobelio because it pisses him a lot and I love seeing his annoyed face. Lalo na kapag ngumunguso siya na parang bata.

"Ate Ganda, hindi po kaya magising si Kuya?" Sabi ng isang bata na naglalagay ng buhangin sa paanan ni Hob. Sa pagkakatanda ko, Joey ang pangalan niya. Ang kasama naman niyang dalawa pa ay si Jonvic at Gelo na mga pinsan niya

"Don't worry, he sleeps like a Koala." I told him and suppressed my laugh. Ayokong magising siya sa ingay ko at gusto kong makita ang magiging reaksyon niya kapag nagising na siya. I'm also planning to take him a video.

"Ate Ganda, iyong mukha po ba lalagyan pa namin?" Inosenteng tanong ni Gelo sa akin.

"Ay naku h'wag na baka kasi hindi na makahinga iyan kung pati mukha lalagyan niyo pa, hanggang leeg lang. Siguraduhin niyong malalim ha? Ililibre ko kayo ng kahit anong gusto niyo." Nakangiti kong sabi sa kanila. Balak pa ata ng mga batang ito na patayin si Hob.

Naabutan nila ako kanina na mag-isang naglalagay ng buhangin sa katawan ni Hob dahil tinulugan niya ako, at sila mismo ang nagsabi na tutulungan nila ako para mabilis akong matapos. Wala naman silang hinihinging anong kapalit pero ang sabi ko, ililibre ko sila ng kahit anong gusto nilang pagkain at pumayag naman sila.

"Boyfriend niyo po ba si Kuya Pogi, Ate? Baka magalit siya sa'yo kapag nagising na siya." Ani ni Jonvic at ngumiti.

Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.

"Hindi 'yan magagalit, mabait iyan. Baka nga ilibre pa tayo n'yan, mayaman kasi siya." Sabi ko sa kanila at tumawa.

"May castle po ba siya, Ate Ganda? Di 'ba iyong mayayaman may ganoon?" Inosenteng tanong ni Gelo. Ginulo ko naman ang buhok niya dahil natutuwa ako sa kanya.

"Malalaman natin kapag nagising siya, pwede niyong tanungin kahit ano sa kanya." Saad ko.

Nagmadali naman silang tapusin ang ginagawa nila at inilabas ko ang cellphone ko para kuhanan siya ng video.

"Naku Ate Ganda, mahihirapan siyang huminga." Sabi ni Jonvic dahil marami silang buhangin na inilagay sa katawan ni Hob.

Hindi naman nagtagal at nagising na nga si Hob at nasa tabi ko lang sina Gelo, Jonvic at Joey.

"W—What the hell is this, Nathalia?!" He shrieked. Natawa naman ako at inilapit sa mukha niya ang cellphone ko.

"Hala gising na si Kuya Pogi!" Ani Gelo nang makitang sumigaw si Hob.

"Calm down, Hobelio!" Saad ko at tsaka kami nagtawanan.

"Calm down?! You just buried me and you will me to calm down?! The hell! Get me out of here! It's fucking hot!" Mura niya. Tinampal ko naman ang bibig niya dahil may mga batang nanonood sa kanya.

"You were sleeping for an hour and you will tell me that it's hot?" Masungit kong sabi sa kanya.

"I can't move, Nathalia! Damn it!" He complained.

"Ano bang mga sinasabi niya, Ate Ganda?" Kinalabit ni Jonvic ang gilid ko at bakas sa mukha niya ang pagkalito dahil kay Hob.

"Huwag mo na siyang intindihin, medyo sira kasi ang ulo ng Kuya Pogi niyo." Sabi ko sa kanila at humagikgik.

"Nathalia, c'mon! Get me out of here, I swear woman. You'll be a dead meat if—"

"Binabantaan mo ba ako?" Putol ko sa sinasabi niya.

"Okay, hindi na. But can you please remove these ton of sands on top of me? It's itching!" He snorted.

"Okay fine, pero humarap ka muna sa camera ko at ngumiti." Sabi ko.

ConstantlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon