Kabanata VI

158K 5.3K 520
                                    

VI

"Nathalia, anak?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Mama. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Marahil ay nasabi na sa kanya ni Ate Lydia ang nangyari kanina. Agad niya akong niyakap nang mahigpit nang makita niyang umiiyak ako.

"Ma, wala naman akong ginagawang mali kanina, pero bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya?" Umiiyak kong sabi kay Mama.

"Anak, naiintindihan mo naman ang sitwasyon natin 'di ba? Wala naman tayong magagawa..." Sagot ni Mama sa akin. Niyakap niya lang ako nang mahigpit dahil alam ko na alam niya, na kahit wala kaming ginagawang masama, kami pa rin ang may mali. Hindi ka pa ba nasanay, Nathalia?

"Ma, pasensya ka na kung umiyak pa ako. Hindi na lang dapat ako kumibo katulad ng ginagawa ko noon pa." Sabi ko sa Mama ko. Pinunasan naman niya ang mukha ko ng bimbong hawak niya.

"Nak, ako dapat ang humingi ng pasensya sa'yo dahil wala ako roon para ipagtanggol ka. Wala akong magawa para ipaglaban ang karapatan natin. Nak, kaunting tiis na lang, makakaalis din tayo rito ha?" Ani Mama, nakita kong nangingilid na ang luha sa gilid ng mga mata niya.

"Ma, ano ka ba, huwag kang umiyak d'yan. Tignan mo, naiiyak na naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Natanda na ang Mama mo, pagbigyan mo na." Saad niya. Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi at ngumiti.

"Magtitiis ako, 'ma. Kahit anong pagsubok pa ang dumating sa ating dalawa, ako mismo ang haharap." Nakangiti kong saad.

"Ikaw talaga 'nak, kaya proud na proud ako sa'yo. Kung buhay lang ang Papa mo, proud din iyon sa'yo." Nakangiti na si Mama kaya kahit papaano, gumaan na ang loob ko.

"Gagawin ko lahat para sa'yo, 'ma." Sabi ko at tsaka ko siya muling niyakap nang mahigpit.

"Tara na? Tumulong na muna tayo sa kusina at may iuutos pa si Sir Hob." Sabi ni Mama sa akin. Tumango naman ako bago kami bumalik sa kusina.

"Nakakainis na talaga 'yan, Monica! Naku, kaunti na lang talaga at masasampal ko na 'yang batang iyan!" Boses ni Ate Lydia ang sumalubong sa amin nang makabalik na kami sa loob.

"Grabe naman si Sir Hob, wala namang ginagawa si Nathalia pero ganoon ang sinabi niya." Sagot ni Monica. Natigilan naman sila nang makita nila kami ni Mama.

"Ayos ka lang ba?" Agad na tanong ni Ate Lydia. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Ayos na po ako, parang hindi naman po ako sanay sa pangmamaliit ni Sir Hob." Pilit akong ngumiti para hindi nila isipin na hindi pa ako maayos.

"Buti na lang nasa labas si Nanay Fatima, pinagalitan ata si Sir Hob." Sabi ni Monica. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.

"Hindi na dapat po ginawa ni Nanay 'yon, sanay naman po ako sa ugali ni Sir Hob." Nag-aalala kong sabi.

"Tama lang iyon sa kanya, ano! Mali naman talaga ang ginawa niya. Sinermunan tuloy siya ni Nanay Fatima." Sabi pa ni Monica. Tumingin lang ako kay Mama at kahit siya ay walang masabi.

"Alam mo Nathalia, guwapo sana iyang si Sir Hob eh, kaso may ugali lang talagang animal. Bakit hindi niya kaya namana ang ugali ng mga kapatid niya? Halos lahat nakuha niya kay Ma'am Eliza." Sabi ni Monica. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Mama dahil sa sinabi niya.

"Magtigil ka nga d'yan, Monica. Mamaya'y marinig ka nila Sir at Ma'am, mapagalitan ka pa." Suway ni Mama.

"Totoo naman Ate Manda, crush ko nga iyan si Sir Hob dati noong unang pasok ko rito. Pero noong malaman-laman ko ang ugali, mas gusto ko pang patulan ang driver natin kesa sa kanya! Naalala ko pa, pinapalitan niya ang tubig ng pool sa akin ang kasi raw naligo ako. Aba, ano'ng palagay niya sa akin, aso? Jusko talaga! Nawindang ang beauty ko sa pinagawa niya!" Sabi ni Monica. Hindi ko naman mapigilang matawa sa sinabi niya. Minsan kasi siyang nagpaligaw sa driver pero umalis din agad iyon at naghanap ng ibang trabaho. Naalala ko rin ang sinasabi niya nang minsan papalitan ang tubig sa kanya ng pool dahil naligo siya ng walang paalam.

ConstantlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon