"Oo, burara. Yung mga taong hindi pinahahalagahan kung anong meron sila..yung mga taong walang pakealam kung anong meron sila..at dahil sa sobrang kaburaraan..." Lumapit si Ralph kay Lawrence tsaka inabot ang isang beer. "Hindi nila alam, malapit na palang mawala kung ano yung meron sila." 



Nagkatitigan silang magkapatid. Alam ni Lawrence ang tinutukoy ni Ralph. At hindi niya hahayaang mangyari ang binabalak niya.



"Ganun ba? Pwes ako na mismo ang magsasabi sayo, hindi ko hahayaang makuha mo kung ano ang meron ako." Ngumiti si Lawrence at tsaka kinuha ang beer na inaabot ni Ralph. Ininom nya ito at tumingin sa ibang direksyon. Parang nanigas si Ralph sa pwesto niya..



Wala ka kasing alam. 



Tumawa si Ralph tsaka umupo sa tapat ni Lawrence. 



"Bakit kuya, natatakot ka bang agawin ko siya?" Tanong niya sa kapatid. Ngumiti lang si Lawrence.



"Hindi..ba't ako matatakot sayo? Kapatid lang naman kita." Kalmadong sabi ni Lawrence. 



"Aww, tama ba ang narinig ko? Tinawag mo kong kapatid? Kuya?" 



"Come on Ralph, nagpaplastican na tayo dito. Minsan lang naman to kaya lulubusin ko na." Sagot ni Lawrence. Napatawa si Ralph.



"Nga naman kuya, hindi ka pa talaga nagbabago. Gagong gago pa rin." Pabirong sabi ni Ralph pero alam ni Lawrence.



He meant those words.



"Gwapo naman." Dugtong ni Lawrence. "Alam mo hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Siguro naman alam mo naman talaga kung bakit ako pumunta dito di ba?" Sabi ni Lawrence.



"Ilang beses ka bang pinanganak? Makulit din kokote mo no? Teacher ka pa naman sa Geometry isang simpleng bagay di mo maintindihan. Eh sa ayaw nyang lumayo sa akin eh. Anong magagawa mo dun?" Ngumisi si Ralph. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Lawrence. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now