Chapter 27: Call

6.9K 254 14
                                    

"She's not responding, Wes." Sambit iyon ni Vince patukoy kay Rita. It's been 5 hours since Camilla has been taken.

Giniit pa ng mga pulis na hindi pa pwedeng madeklarang missing ang asawa niya dahil wala pang 24 hours. But, since Manang Vida saw that see was taken unconsciously, rumesponde na kaagad ang mga ito.

"Hindi rin alam ng magulang niya at mga kapatid kung nasaan siya. She's not even home according to her roommate."

Camilla was taken. Rita is nowhere to be found. Anong gagawin ni Rita sa asawa niya?

"If it's a kidnap for ransom, dapat ay tumatawag na ngayon ang kidnapper." Dagdag naman ng ina, "Oh my goodness, papaano ba sila nakapasok rito? Who would do this kind of thing?"

Rita is the only suspect in his mind. But, what's her purpose? Why would she take his wife... Hindi nagtutugma sa isip niya.

Dumating naman kaagad si Maribel, "Wesley..." She rushed into him and give him an embrace, "Okay ka lang ba? Anong nangyari kay Milang?"

Marahan niya itong inatrasan, he's clearly not okay. Sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Who would have done it inside Villa Rosa?

"Nasaan si Elias?" Tanong ni Maribel. Agad siyang natigilan doon at napaisip, "Alam na ba niya ang nangyari?"

"Wala dito si Kuya, Maribel." Sagot ni Lauren, "Pero alam na niya ang nangyari. Papunta na siya rito,"

"Kung sino man ang kukuha kay Camilla panigurado ay nasa loob na ng mansion." His father said, "Anak, do you know everyone here?"

He sighed, "Kanina ko pa iniisip iyon, Pa." pero wala siyang mapagbintangan. "pero mas iniisip ko si Camilla. I-I don't know what I'll do kapag may nangyaring masama sa kanya..."

Natahimik silang lahat nang biglang tumunog ang cellphone ni Wesley. It's an unknown number, sinenyasan siya ni Vince na huwag munang sagutin dahil icoconnect nila ito sa voice recorder.

"Calm down, Wes. Huwag kang mag papadala sa kanila." Bilin ng kaibigan at doon siya sinenyasan na sagutin iyon.

He kept that in mind, "Hello."

"Wes..." Boses ni Camilla iyon! "Wes--" Nanginginig ang boses nito.

"Baby, where are you?" Nawala na naman siya sa sarili, "Are you okay? Sinaktan ka ba nila---"

"Hindi..." Malamig na ang boses nito, "Hindi, Wes... T-Tumawag lang ako para sabihin na... Huwag mo na akong hanapin pa."

He almost dropped in his knees. It feels like yesterday when she said they should break up.

"Baby, no..."

"Wes, naalala mo noong bata pa tayo..." She continued, "Naalala mo, ang sabi ko sa'yo... darating ang araw malalaman natin kung saan tayo sasaya. Ang sagot mo sa akin, hahayaan mo ako, k-kahit na hindi ka kasama doon."

Sandali siyang natigilan. "Wes, makinig ka sa akin." Dugtong pa nito, "You made a promise. You promised me, okay?"

"O-Okay..." Doon na naputol ang tawag. Agad siyang napatayo at tinawag ni Vince. Hinarang naman siya ng ina, "Ma..."

"Ganon na lang iyon?"

"Tita," Dinaluhan naman ni Maribel ang ina niya, "Huminahon po kayo..."

"Papaano ako hihinanon?" Asik nito, "She left him again!"

"Ma" Tawag niya rito, "I-I need to do something..." Tinalikuran niya ito at agad na pumasok ng library.

"Wes, we don't have to do this now..." ani Vince, "Take it easy--"

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon