Chapter 12

6.1K 146 65
                                    

DEDICATED SAKANYA KASI NAKAKATUWA SIYA PAREHO KAMING EXO STAN HIHI

--

"Please give me a chance. Kung oo hindi ako aalis pero kung wala talaga aalis nalang ako. Im sorry pero kailangan ko din kasing mag move on" sabi ni Troy

Oo si Troy. Ano bang dapat kong gawin? Oo gusto ko si Troy at ayoko namang umalis siya. Siya nalang ang meron ako

"Pero Troy may boyfriend ako" mahinang sabi ko sakanya

"Boyfriend? Jeana! Isang taon! Isang taon na wala siya. Isang beses ka lang niya tinawagan at ni kahit kelan hindi ka na niya tinawagan ulit! Hindi nga natin alam kung hanggang ngayon mahal ka pa niya! At hindi mo alam kung babalik pa siya" nasaktan ako sa huling sinabi niya

"Pero a-ang sabi niya b-balik siya"

"Kung babalik siya bakit wala pa siya ngayon?" hindi ko napigilan ang luhang kanina pa gustong tumulo sa mga mata ko

Inakap lang ako ni Troy habang umiiyak. Wala akong sinabi. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko

"Shhh tahan na" umalis ako sa pag kakayakap niya at nginitian siya

"Binibigyan na kita ng pagkakataon Troy" oo desidido nako. Kakalimutan na kita Clarence kahit mahirap

"Yes! Thank you Jeana! Thank you for giving me a chance" nakita ko siyang nakangiti. Sobrang saya niya.

"Tulungan mo ako Troy na kalimutan siya please. Ayoko ng masaktan. Ayoko na" at umiyak na naman ako

"Shh babe I will. Ako hindi kita papaiyakin pag naging tayo"

--

"What?!?!" gulat na tanong ni Lannie. Na kwento ko kasi sakanya ang nangyari kanina

"Lannie ang oa mo"

"Jeana. Umamin ka sakin mahal mo pa si Clarence diba?"

"Oo" ayoko namang mag sinungaling sakanya. Siya parin naman ang bestfriend ko

"Ayun naman pala! Eh bakit ka pumayag na ligawan ni Troy! Jusko mababaliw ako sayo!"

"Gusto ko naman na kasing makalimutan si Clarence"

"Gamit si Troy? Edi parang ginawa mo namang rebound si Troy niyan. At hindi mo naman mahal yung tao diba?" rebound? Yun nga ba ang ginagawa ko kay Troy?

"Hindi..pa. Pero Lannie susubukan ko naman eh"

"At Jeana. Bakit break na ba kayo ni Clarence? Nakipag break ba siya? Hindi naman girl! So ibig sabihin kayo pa!"

"Pero hindi siya bumalik. Ang sabi niya babalik siya eh asan na siya? P-pano kung may iba na pala siyang m-mahal kaya nakalimutan na niya ako?"

"Jusmeyo marimar! Diba sabi mo sakin nangako ka na hihintayin mo siya? Bakit Jeana hindi mo siya mahintay? Sawa ka na ba? Pero akala ko ba mahal mo siya?"

"Pero pano kung hindi na siya bumalik? Habang buhay nalang ako mag hihintay sa wala? Nasasaktan din ako Lannie"

"Hayy. Naiintindihan naman kita Jeana pero--" pinutol ko ang aasabihin niya. Sesermonan na naman niya ako

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko Lannie" at tumayo nako. Tutal malapit nadin naman mag gabi kaya uuwi nalang ako pero bago pako makalabas ng kwarto niya ay nag salita ulit siya

"Gaga! Ang sabi ko naiintindihan ko hindi ko sinabing alam ko ang sakit na nararamdaman mo. Halika nga dito. Jeana kaibigan moko. Mahal kita kaya sinasabi ko lang kung ano ang tama pero sige kung yan ang desisyon mo para maging masaya wala nakong magagawa" at ngumiti siya sakin

TEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon