Chapter 10

7K 168 100
                                    

Nag lalakad kami ni Clarence ngayon papunta sa school. Hindi ko naman inaasahan na susunduin niya ako. Hindi ko din siya kinakausap at wala akong balak na kausapin siya. Pero pag nag tatanong siya sinasagot ko naman.

"kamusta ang party?" tanong niya siguro para mabasag naman ang katahimikan

"masaya" tipid na sagot ko

"ah" tapos di ko na siya sinagot hanggang sa makarating kami sa school. Ano ba kasi dapat ang isagot sa "ah". Nag hiwalay nadin kami ng landas dahil hindi naman kami mag kaklase ni Clarence

Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya papansinin. Kung yon ang gusto niya edi sige!

"Okay ka lang ba Jeana?" tanong sakin ng teacher ko sa A.P

"sa tutuo lang po medyo nahihilo ako" pag sisinungaling ko dahil hindi naman talaga ako nahihilo. Nag iisip lang talaga ako ng rason kung bakit kakaiba ang kinikilos ni Clarence ngayon

"Ganun ba, sige mag punta muna nga clinic" alam ko naman na papupuntahin niya ako kaya nga nag sinungaling ako.

Lumabas ako ng room at dumiretso sa clinic. Pag dating ko dun walang nag babantay kaya kinuha ko ang notebook sa lamesa at sinulat ang pangalan ko para kung i check man nila kung nag punta talaga ako makikita nila ang pangalan ko. Ang talino ko talaga

Siguro sa garden nalang ako tatambay. Magiging busy na pala kami next week kasi mag sisimula na ang intrams. Hindi naman ako excited at mas lalo namang hindi ako interesado pero pinag iisipan kong sumali sa volleyball. Matagal ko ng gustong sumali pero di ako nabibigyan ng chance. Baka ngayon sumali ako tutal last ko na to sa school nato

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng mag vibrate yung phone ko. Inaasahan ko na si Clarence yung nag text pero mali pala ako.

*Hi miss* mag re reply na sana ako ng makita ko siyang tumatawag

"Hello Troy?" oo si Troy yung tumawag at siya din yung nag text sakin

"I miss you babe" abnormal talaga to

"I miss you more handsome " pag sakay ko sakanya

"tutuo ba gwapo ako?"

"Siyempre joke lang yun naniwala ka naman? hahahaha"

"Porke maganda ka lang nanlalait ka na? Pasalamat ka mahal kita" oh diba? abnormal talaga

"love you too hahahaha" may sasabihin pa sana siya ng biglang naputol. Baka wala na siyang load?

"Sino yung ka usap mo?" nagulat ako nang makita ko si Clarence papalapit sakin. Bigla akong kinabahan dahil baka narinig niya ang mga sinabi ko. Pero teka? Bakit naman ako kakabahan eh nag bibiruan lang kami ni Troy

"Kaibigan ko" sabi ko nalang

"ah. Nahihilo ka daw?" tiningnan ko siya nag aalala siya para sakin

"hindi ako nahihilo. Nag sinungaling lang ako dahil wala akong gana makinig sa klase" walang ganang sagot ko

Hindi naman siya sumagot at umupo lang siya sa tabi ko. Hindi ba pwedeng umalis nalang siya? Hindi kasi ako komportable. Hindi naman kasi kami okay eh

"Im sorry" nagulat ako at tumingin sakanya. Nag so sorry siya? Buti naman alam niya na siya ang may kasalanan kung bakit kami hindi okay ngayon

"okay"

"Sorry na talaga. Alam ko namang galit ka sakin eh. Im sorry kasi iniwan kita dun sa party may importante kasing nangyari"

"Mas importante kesa sakin?" huli na ng ma realize ko kung ano ang tinanong ko kay Clarence. Aish Jeana ang tanga mo naman!!

Hindi siya sumagot. Baka kasi importante talaga yung nangyari.

TEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon