ENDING Part 2

225 4 0
                                    

-KEVIN ALAN RODRIGUEZ's POV-

 Ako. Ako si Kevin. May bestfriend ako, si Popoy.

Nagalit ako nung nagkaroon siya nang ibang bestfriend, yun ay sina Andrea at Ashley.

Pero kinalaunan, nagkagusto ako kay Andrea,mahal ko na ata siya.

One day, nakidnap si Ashley. Hindi ko alam gagawin ko.

Tapos nakita kong sinakay siya sa van kasama si Andrea at Popoy, tapos gusto ko silang ipagtanggol.

Pero sa kasamaaang palad,nadampot din nila ako.

Nung dumating na yung mga pulis.

Babarilin na sana si Ashley. 

Pero si Popoy, Si popoy, ang nabaril. tinakpan niya si Ashley.

Wala akong nagawa. niyakap ko nang mahigpit nun si Ashley.

Matapos nun, umalis sa bansa si Popoy at pati na rin si Ashley.

Miss na miss ko na si Ashley.

Si Andrea na ang lagi ko kasama.

Pero di ko alam kung bakit di ako masaya.

Nung nalaman kong nakabalik na si Ashley.

Nagpakilala ako, na ako si Popoy.

Di ko rin alam kung bakit. 

Kasi nung pagkarating niya, si Popoy agad hinanap niya, ako yung nasa harapan niya nun eh.

Bigla ko nalang nasabi na ako si Popoy.

Tapos yun na. hindi na nga bumalik si Popoy.

Naniwala si Ashley na ako nga si Popoy.

Tapos nung high school, naisipan ko manligaw kay Andrea, lagi ako nag papatulong kay Ashley nun.

Ang saya niya kasama.

then naging kami nga ni Andrea.

Tapos, naging masaya din ako nun.

then one time, tinakot ako ni andrea, bibreakan niya daw ako kung hindi ko liligawan si Ashley.

kahit labag sa kalooban ko.

Niligawan ko siya.

Naging kami.

Pumayag siya kahit alam niyang panakip butas ko siya.

That time kami pa ni Andrea.

nasasaktan ako nung makita kong umaasa saakin si Ashley.

Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil bestfriend ko siya.

Nung biglang dumating si Andrew at kinausap niya ako. doon ko nalang din nalaman na siya pala ang tunay na Popoy. Matagal na kasing di kami nagkikita limot ko na din mukha niya noon ehh/,bigla akong napaiyak. 

siguro natatakot ako na baka malaman ni Ashley na si Andrew si Popoy.

All this time pala nasa iisang school lang kami na hindi ko nalalaman.

Tapos nung marinig kong nag usap si Andrew at si Andrea, nalaman kung mahal ni Andrea si Andrew.

Nagalit ako nun dahil pinag laruan niya din ako. 

Pero mas nagalit ako nung nalaman kong kukunin ni Andrew si Ashley sakin.

Kaya nung araw na yun, kasama ko si Ashley, holding hands kami. pinasaya ko siya.

Natakot ako bigla na baka isang araw makuha na siya ni Andrew saakin.

Hindi ko alam ang rason kung bakit natatakot ako pero basta.

Isang araw,kasama ko si Ashley, bumili lang ako nang ice cream pagbalik ko, nakita ko siyang umiiyak, narinig ko na may pinapakinggan siya.

Nung malaman kong alam niya na na si Andrew ay si Popoy, naiyak ako. nasaktan ako. 

Hindi ko malaman kung bakit.

Pero mag eexplain na sana ako kaya lang tumakbo si Ashley. 

Sinundan ko siya. the next thing I know, di na ako makakita.

Nalaman kong nag pa Korea si Ashley para i celebrate yung birthday niya.

Tapos nalungkot ako dahil hindi ko na siya makikita.

Gusto ko pa siyang makita.

Gusto ko mag explain sakanya ang lahat.

gusto ko malaman niya na mahal ko siya.

Ngayon ko lang narealize na una palang, mahal ko na siya, mahal ko na pala siya.

Bakit ngayon pa siya nawala? Nung time na narealize kong mahal ko siya?

"pre, diary ni Ashley oh. Basahin mo. Diyan mo makikita, diyan mo malalaman, diyan mo makukuha lahat ng detalyeng gusto mo malaman. Diyan mo mararamdaman kung gaano si Ashley nasasaktan ng dahil sayo, pero hindi ka niya sinisisi, dahil mahal ka niya." biglang binigay sakin ni Andrew yung notebook.

Pagkabukas ko. Lahat pictures ko.

Habang binabasa ko.

Nakaramdam ako ng sakit.

Sakit sa lahat ng pinaggagagawa ko sakanya.

hindi ko sinasadya.

sorry. Sorry Ash.

then biglang...

"Kevin.you.can.see.the.world.in.place.of.me."?

Ano yun? di ko maintindihan ..

then nung pag open ko sa 2nd to the last part, may picture kami doon ni Ash magkatabi.

tapos may note na nakalagay.

"Kevin. I love you. I really do. Kung wala na ako sa ngayon. Please, please move on. Be with the woman you will love soon. And i believe, mamahalin at mamahalin mo din siya. Swear, and yes. I do love you. please take care of my eyes. They are the most precious gift that God gave me and I will give it to you. Goodbye Kevin. I love you. I'm letting you go."

Si Ash?

Si Ash? Si Ash ang donor ko? Mata niya to? sakanya to?

What the.?

Ano ba?

Puputok na ata ang puso ko.

Andami ko nang nalalaman.

Napaluha ako nung nabasa ko yun.

Ash,Goodbye.

I'll take care of your eyes.

Promise.I'll move on.

I'm letting you go too.

But I will continue loving you.

I love you Ash.

So long! :'(

My 28 1/2 days - Diary [edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon