Kabanata 7

110 6 0
                                    

UNEDITED

Kasing laki lang ng kamao ang puso pero buong espasyo sa katauhan ni Vrejandro ay okupado. Gumigising ng walang katuturan. Buhay na pinagkaitan ng kasiyahan.  Sasalubong sa panibagong mukha ng umaga na puno ng kalungkutan. Sa paglipas ng araw, buwan at taon hindi mawala-wala ang tandang pananong na nakabaon sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi nito alam kung papaano huhugutin.

Kahit ilang beses pa niyang itanggi sa kanyang sarili. Si Anna Maria ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Paghihinayang ang yumayakap sa kanyang katauhan sa tuwing sumasagi ang mga alaala ng nakaraan. Panghihinayang kung  tama ba ang kanyang naging desisyon na pakawalan ang babaeng nagturo sa kanya kung papaano siya ngumiti. Kung paano maniwala sa halaga ng pag-inig.  Iba sa lahat  ng mga babaeng kanyang nakasalamuha at nakasama si Anna Maria.

"Salamat at dinala mo ako dito," pangiting sabi ni Anna Maria habang nasa taas na bahagi sila ng kanilang bayan. Napatitig si Vrejandro sa dalaga. Nagtataka. Wala naman gaanong espesyal sa lugar. Maliban sa natatanaw ang buong bayan ng  San Juan mula sa kanilang kinalalagyan na kinulayan sa ginintuang sinag ng pababalubog na araw. Kasalukuyang  nakaupo sa duluhang bahagi ng kanyang magarang sasakyan  katabi si Anna Maria.

"Wala naman kakaiba dito?" tanong nito sa dalaga. Bumabakas sa mukha nito ang pagtataka matapos makita ang reaksyon ni Anna Maria na panay ngiti nang masilayan ang nakakamanghang  tanawin.

 Sa dami-daming ng kanyang pinagdadalhan   sa dalaga ay ngayon lang niya nasilayan ang matatamis na ngiti nito. Animo'y isang inosenteng bata na pinagbibigyan sa matagal na hinihiling. 

Matagal bago sumagot si Anna Maria. Wari'y ninanamnam ang bawat sandali sa kagandahan ng lugar.

"Natutuwa lang kasi ako dahil magagawa ko pang hangaan ang dapit-hapon. Sabi kasi ng mama ko, na kapag binalot ng labis na kalungkutan ang ating puso, hindi na  raw natin magawang hangaan ang kakaibang ganda sa pamamaalam ng araw," marahang saad nito habang patuloy nakatitig sa unti-unting  lumulubog na araw.

Napabuntong hininga si Vrejandro. Masyado na yatang binalot  ng kalungkutan ang kanyang puso dahil hindi na nito nasipat kung ano man ang nakikita ni Anna Maria.

"Hindi ko akalain, sa kabila ng lahat. Hindi pa pala ako tuluyang nilamon ng kalungkutan," patawang saad nito.

Napatitig si Vrejandro kay Anna Maria. Inggit at awa ang magkahalong naramdaman ng kanyang puso. Naiinggit dahil kahit sa simpleng bagay magawa nitong ngumiti at hindi nito mapigilan maawa kay Anna Maria dahil sa kabila ng kanyang matatamis na ngiti, nagkukubli ang mabigat na kalooban dahil sa pinagdaanan. Gusto man niyang yakapin at iparamdam  sa kanya na siya ang tunay niyang masasandalan  pero nito alam kung paano gawin. Mahirap gawin ang isang simpleng bagay kapag hindi nakasanayang gawin. 

"Siguro  labis ang kalungkutan na nasa  iyong puso dahil  nakasimangot  ka habang nagpapaalam pansamantala si Haring-araw," ngising sabi ni Anna Maria nang binaling nito ang kanyang atensyon sa binata. "Biro lang, baka iwanan mo ako dito. Ang layo pa man 'pag lalakarin ko," dagdag nito matapos makitang nakasimangot si Vrejandro.

"Talagang  maglalakad ka 'pag iniinis mo ako,"pangiting ganti ni Vrejandro. Maramot kung ngumiti ang binata at halos bilang lang sa daliri ang kanyang napapakawalan.

"Ay! grabe siya. Hindi na mabiro. Masyadong seryoso."

"Huwag kang mag-alala hindi pa naman uminit ang ulo ko sa pang-aasar mo."

"Mananahimik na nga ako. Mukhang nanganganib ang masasakyan ko pauwi."

Hindi namamalayan ni Vrejandro na unti-unti na nitong napapakawalan ang himig ng kasiyahan ng kanyang puso na matagal ng nahihimbing. Nakakasabay sa himig na nag-uugnay sa kanila ni Anna Maria. Napapangiti siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PORNOWhere stories live. Discover now