Kabanata I

360 17 16
                                    

*UNEDITED

Sinalubong ng masigabong  palakpakan  ang pagpasok ni Anna Maria sa malaking bulwagan ng  Mancion de Cortalejo.

Agaw pansin sa mga naroroon ang kanyang sinuot sa gabing iyon--eleganteng kulay-puti na mahabang bestida. Tila hindi siya naiiba sa alta-sociodad na nagtitipon-tipon sa mga oras na iyon.

Mula sa nakahilerang orkestra na nasa itaas na bahagi ng bulwagan. Nakita nitong nakangiting  bumaba si Vrejandro sa ginintuang hagdanan, bitbit ang iisang tangkay na pulang rosas.  Napatitig at hindi magawang  mabitawan ng kanyang paningin . Lalo pang lumabas ang kakisigan  nito sa kanyang suot na black suit.  Ang bawat hakbang niya ay sinasabayan ng   klasikong musika na likha ng instrumentalista mula sa pinagsamang tunog mula   violin, viola, cello and double bassstring.

Hindi mawala-wala ang ngiting nakaguhit sa maamong mukha ng dalaga habang nakatitig sa papalapit na binata. Manghang-mangha sa kanyang nasaksihan. Hindi makapaniwala. Animo'y panaginip lang ang lahat.

"Salamat at nakarating ka," pangiting pagbati ni Vrejandro sabay bigay ng kanyang dalang rosas.

"Ano 'to?" marahang tanong ni Anna. Naguguluhan.

Isang pilyong ngiti lang ang naging tugon ng binata at sinundan pa ng isang mapanghibo na kindat.  Na madalas nitong ginagawa sa tuwing may binabalak na kakaiba sa kanya. Napatitig saglit ito sa kanya at hindi nagtagal  inalok na ang kanyang nakaarkong kanang braso bilang senyales ng pagyaya papunta sa gitna ng bulwagan.

Gustuhin man niyang usisahin si Vrejandro pero nag-alinlangan siyang gawin  lalo't pakiramdam niya ay wala siyang karapatan gawin. Minabuti na lang niyang tumahimik at sumunod kung ano man ang pakulo  nito sa gabing iyon. Hindi man niya magawang mahulaan kung ano inihanda sa kanya. Pero iisa lang kanyang hinahangad sa sandaling iyon, na sana'y magkatotoo na ang lahat. Sana'y sungkitin na ang kanyang dalawang letrang  matagal  niyang gustong pakawalan.

Animo'y  isa siyang prinsesa  na sinasayaw sa kanyang  pinapangarap na prinsipe. Walang mapaglagyan ang kanyang kasiyahan  na naranasan sa gabing iyon pero alam niyang ito'y panandalian lang.  Parang isang  masayang panaginip na  gustuhin mang huwag ng matapos ang kasiyahan na naramdaman pero kailangang gumising sa reyalidad ng katotohanan.

Naiilang. 

Napatanong.

Hindi niya alam kung paano ilugar ang kanyang sarili.  Nanginginig at hindi niya malaman kung saan ipupwesto ang  kanyang kanang kamay sa balikat ng binata habang magkahawak ang kanilang parehong kaliwang kamay na nakataas.  

 Magagawa niyang sabayan ng indak at indayog ang magagandang ritmo ng orkestra,  pero habang tumatagal ay nahihirapan na siyang sabayan ang nagkukunwaring relasyon. Parang sila na parang hindi, dahil  daig pa ang totoong magkasintahan  kung  gaano ipinakita sa kanya ni Vrejandro kung siya kahalaga sa buhay nito.  

 At kahit nahihiya, pero hindi niya magawang mabitawan ng kanyang mga mata ang gwapong pagmumukha ng binata na binalot sa matatamis na ngiti. Pansin niyang  nakatitig rin si Vrejandro sa kanya. Tila sinusuyod  sa bilogang mata nito ang bawat anggulo ng kanyang mukha.

Habang tumatagal silang nasa bulwagan. Dahan-dahang inilapit ng binata ang mukha nito sa kanyang pisngi. Kaunti na lang ay sasayad na ang labi nito sa kanyang labi. Kahit ang paghawak nito sa baywang niya ay unti-unting hinihigpitan. Hindi siya mapakali. Ang bawat  mabangong hiningang pinapakawalan nito ay nagdudulot  ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Nangungusap at nanghihimok ng kakaibang sensasyon.

Napapikit. Naghihintay dumapo ang labi sa kanyang labi. Habang tumatagal lalong naramdaman niya ang palapit-lapit na hininga nito. Nakakagigil habang pinatatagal nito.

PORNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon