This story is the author's imagination only. Enjoy.
Idol, Mahal Na Ata Kita.
"AAHHHH ZEON ANAKAN MO AKOOO!"
"ZEON KOUH I LOVE YOU!"
"Ooohhh ZEON!"
Napasimangot na lang ako sa mga babaeng grabe kung maka-sigaw sa tabi ko. Nasa concert ako ng ASAWA KO, siyempre para suportahan siya. Wala pa man si Zeon Barchelor, ang aking asawa eh may pa- " Zeon anakan mo ako " na agad nalalaman. Sipain ko mga mukha nila eh, ASAWA PO AKO NI ZEON.
"Zeonified? Let's count! One, Two, Three! Please welcome, ZEON BARCHELOOOR!" napatigil ako sa pag-iisip kung paano ko papatayin mamaya yung mga babaeng grabe makasigaw nang banggitin nila ang pangalan ng asawa ko. Naramdaman ko na lang ang mga luha na bumagsak mula sa aking mga mata nang makita ko na si Zeon na lumabas ng stage.
"ZEON! MAHAL KITA!" malakas na sigaw ko, naki-sabay na rin ako sa mga ibang sumisigaw. Hinawakan niya ang mic niya, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Itinaas ko ang aking mga kamay saka nag-umpisang kumaway-kaway, sinasabay ang birit ng kanta niya.
" Waking up to kiss you and nobody's there
The smell of your perfume still stuck in the air
It's hard~
Yesterday I thought I saw your shadow running 'round
It's funny how things never change in this old town
So far
From the stars . "
Napaluha lalo ako nang marinig ko ang malamig niyang boses, sobrang sarap sa tainga. Napangiti ako habang humahagulgol na, sinasabayan na rin ng iba ang pagkanta niya kaya nakigaya na rin ako.
Natatandaan ko pa noong una kong nadiskrubye si Zeon, Grade 10 pa lamang ako noon at wasak ako dahil sa may girlfriend-si-crush-zoned ako pero binuo muli ni Zeon ang wasak kong puso.
"Hoy Katarina! Pakinggan mo na lang yung mga kanta ni Zeon Barchelor, Oh!" inabot sa'kin ng kaibigan kong si Anne Kutis yung cellphone niya kaya kinuha ko. Isinabit ko ang earphones niya sa tainga ko saka plinay yung "Slow Hands by Zeon Barchelor."
Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula itong kumanta, napanga-nga ako habang tinitigan nang mabuti yung cellphone ni Anne. Pinakealaman ko pa ito at pumunta sa gallery, may nakita akong album na nakalagay " Zeon Barchelor " kaya dali-dali ko itong binuksan, TUMULO ang laway ko matapos kong makita ang mga litrato niya. Moreno, magagandang mga mata, may abs, gwapo, mapupulang mga labi, PERFECT!
" And I want to tell you everything
The words I never got to say the first time around
And I remember everything
From when we were the children playing in this fairground
Wish I was there with you now
If the whole world was watching I'd still dance with you
Drive highways and byways to be there with youOver and over the only truthEverything comes back to youMmmmm. "
ESTÁS LEYENDO
Idol, Mahal Na Ata Kita
Historia Corta( ONE-SHOT STORY ) Araw-araw, inaabangan ko ang mga bawat update sayo. Bawat araw, hinihiling ko na pumunta ka sa aming lugar. Bawat gabi, pinapakinggan ko ang mga kanta mo. Bawat oras, tinitignan ko ang mga larawan mo. Bawat minuto, ipinagmamalaki...
