"K-kapatid ko siya.." halos walang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko.

No! this is wrong. Nagkamali lang si Daddy! This is not happening! Mahal ko si Luther! Mahal niya ako.. hindi siya ang kapatid ko! Hindi ako naniniwala. This is all joke!

Lumakad ang papa ni Luther sa harap kaya napatayo na ang ibang kamag-anak ko.

"You son of a bitch Dela Fuente! Binigla mo ang anak ko." Malamig na usal ng papa ni Luther. May nakatabing dalawang lalaki sa gilid ni Luther na hindi ko alam kung bakit. Tila ba takot siyang gumalaw o ano.

"Anak ko." Malamig na sagot ni Daddy. No.. no.. this is not real.. hindi!

"No dad.. hindi mo siya anak!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para tumakbo sa harap.

Lalong dumami ang click ng camera. Ang mga kamag-anak ko ay napatayo na.

"S-Sasha.." gulat na salita ni Luther. Lalapit ako sa kanya nang humarang sa akin ang mga guards ni Daddy.

"What the hell, Atasha!" Sumugod na si mommy.

"Omygod! Siya yung boyfriend ni Sasha.." narinig ko ng salita ng iba kong pinsan. Hindi ko na sila pinansin.

"Dad.. please tell me mali ka.. na nagbibiro ka lang.." halos lumuhod ako sa harap niya.

"Bitiwan niyo siya.." sigaw ni Luther sa mga bodyguards na nakahawak sa akin. Hindi din siya makagalaw dahil hawak din siya.

"What is happening here?" Si lolo.

Tumawa ng malakas ang papa ni Luther na dumagundong sa buong lugar. "We're now even, Yosef Dela Fuente."

Umigting ang panga niya pero hindi mawala ang ngisi. " How does it feel na nagmamahalan ang dalawang anak mo? You gave me years of misery.. now it's your turn." Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ang mga mata niya ng emosyon ng bumaling kay Luther. Huminga siya ng malalim at mabilis na tumalikod at lumabas.

"No--" hindi na nakapagsalita si Mommy ng sumigaw si daddy na nagpalundag sa amin lahat. "You shut your mouth Arlene!"

So alam ni papa ni Luther ang lahat eversince? Kaya ba tinanggal niya ang lahat kay Luther dahil alam niya ito? He let us fell for each other para mawasak ng ganito?

"Dad.. please tell us mali ka.. na hindi si Luther ang anak mo.." halos mag mag-makaawa ako.

"Sasha," naka-igting ang panga ni Luther habang pulang pula ang mga mata niya. What happened? Bakit anak niya si Luther? Hindi pwede.

Ang luha ko ay parang gripo na sunod sunod ang pagbagsak. We were at our almost. Ano nangyari? In just a snap our world turns upside down.

"This is embarrasing, Yosef!" Dumagundong ang boses ni lolo. Hindi ko iyon pinansin I was looking at dad. Wala siyang emosyon na pinakita. Lalo akong naiyak. "Itigil niyo kung ano man ang meron kayo! You're forbidden to love each other dahil magkapatid kayo." Mabilis siyang tumalikod. Nagpumiglas ako sa mga guards hanggang makawala ako.

"Luther.." tumakbo ako sa kanya. Hindi ako makalapit dahil sa mga guards na nakaharang sa kanya.

"Sasha, umayos ka madaming media.." hinila ako ni mommy. Marahas ko siyang tinignan. "media? How dare you mom! Hindi mo alam kung anong meron sa amin ni Luther kaya hindi mo ako mapipigilan!"

"Putangina! pakawalan niyo ako." Sigaw ni Luther sabay takbo sa akin. Mabilis niya akong niyakap. Dinig na dinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. Panay ang flash ng mga camera.

"Are you alright?" Pinahidan niya ang luha ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

" God! This is crazy." Salita g isa kong pinsan. Si Kristele ay panay ang iyak sa gilid ko.

"Get him!" Sigaw ni daddy.

"Sasha, I don't know what's happening they just came and dragged me her--" hinila na nila si Luther. " Putnagina!" Salita niya ng hinila siya ng apat na guard.

"Sasha, keep fighting.. I don't know what's happening.. I don't know.." huling salita niya hanggang nahila na siya palabas.

Isang malakas na sampal ang yumanig sa akin. "You always bring trouble to our family, Sasha.." galit na galit na salita ni Mommy. Umiiling na lumabas ang mga kamag-anak ko. Ako ay parang bato na hindi makakilos sa mga pangyayari. How could this happened?

Naiwan si Draco at Darton sa tabi ko. "Sasha.. lets go.." halos buhatin na ako ni Draco. Pinahidan ko ang luha sa mga mata ko.

Umiling ako. Wala akong lakas. Wala akong maisip.. Ano ang nangyari? We've been together for years.. tapos hindi kami pwede? Ayokong maniwala. Hindi ito totoo! Nanaginip lang ako diba?

Bumagsak ang clutch bag na dala ko kaya sumabog ang laman nito. Natigil ako sa pag-iyak ng lumabas ang envelope na nakuha ko sa unit kanina.

Nanghihina ko itong binuksan. Lalo akong napahagugol when I saw what's inside. It was a DNA test of Luther and Daddy.. and it's fucking positive!

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now